Napangiti si Dianne habang nakatingin sa salamin. Mini-skirt ulit ang suot niya at sleeveless na puting V-cut satin blouse. Hindi niya kailangang maglagay ng maraming makeup dahil natural namang mapula ang labi niya.
Hindi niya alam kung bakit si Franco ang napili niyang pagdeskitahan. That man is intelligent and knows how to respond when things don't align with his principles. Minsan ay sinasagot siya katulad na lang kanina. That's what makes him even more attractive.
At mukhang gumagana naman ang lihim niyang pangsi-seduce kay Franco. Nang bumaba siyang suot ang kamison kanina ay nakita niya ang paghanga sa mga mata nito. Paghanga o pagnanasa-- alin na lang sa dalawa. Gumalaw ang adam's apple nito bago iniiwas ang tingin sa kanya.
Pagbaba niya ay nakaluto na ang katulong ng steam fish at vegetables. Nananatiling slim ang katawan niya dahil isang beses lang siyang kumain ng kanin sa isang araw.
"Nasaan ho si Franco, manang?" tanong niya sa mayordoma habang kumakain.
"Nasa hardin ho, naghihintay sa inyo."
"Pakikuha ho ang susi ng Mercedes sa nightstand ko at pakibigay sa kanya. Pakituro na rin ho kung anong sasakyan 'yun nang mapunasan niya." Kaagad namang tumalima ang katulong.
Hindi niya kalimitang ginagamit ang mamahaling sasakyan na 'yun. It is one of the 'top cars' in the market for the rich. Regalo lang niya iyon sa sarili niya pagkatapos ng isang taong pagtatrabaho sa opisina na hindi niya sana gusto. At kapag paborito niya, ginagamit lang niya ang sasakyang iyon kung gusto niyang magpa-impress.
At ngayong araw ang isa sa mga pagkakataong iyon. Gusto niyang ipakita kay Franco kung gaano kalaki ang agwat niya sa kasintahan nito.
Pagkatapos niyang kumain ay naglinis siya ng ngipin at nag-spray ng mouth freshener. Nag-spray din siya ng pinakapaborito niyang pabango. Pagbaba niya ay tapos na si Franco sa pagpupunas sa kotse. Kasingkintab na iyon ng bumbunan ni Manong Simon.
"Aalis na ho ba tayo?" tanong nito. Nakatayo ito sa passenger seat na nakahanda sa pagsakay niya.
"Yes. How old are you again?"
"Thirty ho."
"Matanda ka naman pala ng dalawang taon, tigilan mo 'ko sa kapo-po mo. Masakit sa tainga."
Tumango lang ito bilang pagsang-ayon bago binuksan ang pinto ng Mercedes. Nang umikot ito sa kabilang side ng kotse ay napagmasdan niya ang kabuuan nito.
There's no doubt that Franco has that strong s*x appeal with women. Pero mas lalakas ang dating nito kapag nagsuot ng mamahaling damit at sapatos. Hindi sa minamaliit niya ang pananamit nito, pero ang suot nitong polo ay checkered na uso lang noong 1980s.
"I have a meeting with few people in the office at nine o'clock. Pagkatapos ng meeting ko ay aalis tayo."
"Saan ho tayo pupunta?"
"Sa mall. Kailangan mong piliin ang mga isusuot mo. You are my personal driver s***h assistant kapag nasa labas tayo ng kompanya. In a way or another, you also represent the company. Dapat lang na presentable ka sa lahat ng makakaharap nating business partners."
"Mukha ba 'kong gusgusin sa suot ko?"
"Don't be sarcastic. Hindi 'yan pang business attire. Mukha kang pupunta sa Ermita para mag-apply bilang construction worker."
Hindi na ito sumagot at nag-concentrate na lang sa pagda-drive. Pagdating nila sa opisina ay binitbit nito ang laptop at Hermes bag niya hanggang sa 12th floor. Nagulat siya nang ilapit nito ang katawan at ilapat ang kamay sa likod niya habang naglalakad sila sa hallway. She could catch the scent of his masculinity and feel the warmth of his skin against hers. Para siyang napapaso pero hindi siya nagpahalata.
"Good morning, Ma'am Dianne," bati ni Lydia sa kanya na bahagya niya lang tinanguan. Sa sulok ng mata niya ay kitang-kita niya kung paanong inignora ni Franco ang kasintahan nito habang tuloy-tuloy silang pumasok sa opisina niya. Mabuti naman at sumunod ito sa utos niya na hindi ito makikipaglandian sa trabaho.
"I'll be in a meeting for an hour. Puwede kang kumain sa cafeteria o maghintay na lang dito sa loob habang wala ako."
"Puwede din bang sa lobby ako maghintay o sa parking lot?" Inikot nito ang mata sa silid niya. "Baka may mawalang gamit dito mapagbintangan pa 'ko."
"Walang mawawalang gamit dito dahil nasa vault naman lahat. Ano 'yan, pati ba mga folders pag-iinteresan mong itakbo? I don't think so."
"Pero mas komportable akong---"
"You are working for me, Franco, always remember that. I don't care where you're comfortable because my concern is where I'm comfortable. Sige, bumaba ka sa parking lot o sa lobby. Pero kailangang nandito ka in less than one minute the moment I call your name. Do you understand?"
"Sige ho, dito na lang ako sa sofa," sagot naman nito matapos ang mahaba niyang litanya.
Nagtungo na siya sa conference room. Isinama niya si Lydia na kunyari ay mag-take down ng notes para maiwasang magkwentuhan ang dalawa habang wala siya. Ang kailangan niya ay ilayo ang atensyon nito sa kasintahan, hindi ang paglapitin pa lalo. Kailangan niya ng sperm donor. Kahit one-night stand lang basta't siguradong mabubuntis siya.
Binilisan niyang matapos ang meeting para makaalis na sila ni Franco sa opisina. Matapos niyang magbilin kay Lydia ng mga gagawin ay nagyaya na siya sa driver niya na magpunta sa mall.
"Take a look at the current fashion trends for men's clothing, Franco." Umupo siya sa sofa at naghanap ng mababasang magazine nang pumasok sila sa isang mamahaling men's fashion workwear.
"Hindi ko alam kung anong klaseng fashion ang gusto niyo para sa 'kin, Miss Romano. What if we don't have the same sense of style?"
"If it looks good on you, then I'm okay with ," tamad niyang sagot.
"Gusto ko rin ang opinyon mo para hindi ko na marinig ang pintas mo sa pananamit ko. Come with me."
Hindi niya alam kung bakit tila ito pa ang nag-utos sa kanya na sumunod. Napilitan siyang tumayo at samahan ito sa pagpili ng mga damit. Hindi man niya gustong isipin nito na nagiging mabait siyang amo pero siya rin naman ang may kailangan kay Franco.
Kaysa mainip siya, siya na lang ang pumili ng mga damit na palagay niya'y babagay sa binata. Kinuha nito ang isang pares saka pumasok sa loob ng dressing room. Halos tumalon sa tuwa ang dibdib niya nang paglabas nito ay ibang Franco ang bumungad sa mga mata niya.
He doesn't look like a driver. Walang-wala ang mga naging ex niya sa kakisigan nitong taglay. Kahit si Lydia ay tiyak na maghahabol ulit sa boyfriend nito kapag nakita ang bagong bihis na Franco.
Ipinamulsa nito ang kamay saka humarap sa kanya. Pinigil lang niya ang paglunok. Bakit parang bumalik sa kanya ang ginawa niyang pang-aakit sa binata kanina?
"That's better. It looks good on you," komento niya saka sinipat ang iba pang damit sa basket para doon ibaling ang atensyon.
"You are right, mukha nga akong gusgusin kanina," pabiro nitong wika na bahagyang ngumiti. Pakiramdam niya'y sadya na ang pang-aakit nito.
"Would you try this one too?" Inabot niya ang isa pang long sleeve. Wala namang kaabog-abog na hinubad nito ang suot sa harap niya na hindi niya inaasahan. Ni hindi ito nag-alangan kung makita ng ilang sales lady doon ang hubad nitong katawan.
"Don't undress in front of me," pagalit niya kunyaring wika. Pero inabot na nito ang polo sa kamay niya na kung sinasadyang mahawakan ang kamay niya ay hindi niya rin tiyak. Nang iangat niya ang tingin ay binubutones na nito ang polo bagama't may bahagi pa sa dibdib nito ang nakalitaw.
Palagay niya'y masarap paglandasin ang kamay niya sa malapad nitong dibdib. At habang nasa gitna siya ng maraming katanungan, si Franco naman ay titig na titig sa kanya imbes na sa salamin para tingnan ang sinusuot nito.
"Ito ang bagay d'yan." Iniabot niya naman ang pantalon na ipapares sa polong isinuot nito. "Pumasok ka nga, pinagtitinginan ka ng mga tao."
Pumasok naman ito sa dressing room pero hindi naman isinara ang pinto. Nakatalikod ito sa kanya nang hubarin nito ang pantalon, pero nakaharap silang pareho sa salamin kung saan nagtagpo ang mga mata nila. At hindi rin niya naiwasan na dumako ang mata niya sa hinaharap nito dala na rin ng kuryusidad.
Hindi niya alam kung may nakatuping face towel sa pagitan ng hita nito kaya't maubok iyon. Itinuon niya na ang atensyon sa telepono para umiwas sa mapang-akit na mata ni Franco. She should be the one seducing him, not the other way around. Kailangan ay kontrolado niya ang sitwasyon.
"I'll call someone outside. Kung kasya sa 'yo ang mga 'yan, dalhin mo na lang sa counter," utos niya sa binata. Tumayo siya saka nagbilin sa sales lady na i-punch na ang mga napili ni Franco kapag natapos nang mamili.
Sunod-sunod naman na tawag ni Lydia ang pinagkaabalahan niya habang nasa labas ng shop. Nagulat na lang siya nang halos lumapat ang labi ni Franco sa tainga niya dahil lumapit ito at may ibinulong.
"Tapos na, señorita. Ako na ang magbabayad dahil ako naman ang magsusuot."
"No. It is company's---"
"I-save mo na lang 'yan sa ibang pagkakataon," utos nito na itiniklop ang kamay niya gamit ang kamay nito. At hindi pa binitiwan kaagad ang kamay niya kaya't ramdam na ramdam niya ang mainit nitong palad.
Init na dumaloy mula sa kamay niya patungo sa tiyan. At pababa pa.
"O-okay...."