Chapter 9

1382 Words
Bumukas nang bigla ang pinto ng silid ni Dianne at pumasok ang dalawang bata at isang pares na lalaki at babae. Kamukha ni Dianne ang lalaking pumasok na sa kabila ng pormal na anyo ay hindi maitatangging makisig at tiyak na pagkakaguluhan ng mga babae. Iyon nga lang, hawak nito ang kamay ng babaeng kasama kaya't magdadalawang-isip ang sinumang babae na landiin ito. And the woman was as beautiful as Dianne. Nang makita siya ay ngumiti ito bagama't nagtatanong ang mga mata. "I'm glad you're back. And I miss these little angels in the house." Yumakap ang dalawang bata kay Dianne hinala niyang mga pamangkin. Yumakap ang dalawang bata. Nakumpirma niya ito nga ang nag-iisang kapatid ni Dianne na si Patrick nang tawagin ng mga bata na tita ang boss niya. Nang mapalingon sa kanya ang lalaki ay kumunot ang noo nito. "Good morning, Mr. Romano." Both have an Indian-eyes feature and even the younger kid. Iyon nga lang, ang batang babae ay mas kamukha ng kasama ni Patrick. "My driver, kuya," pakilala naman ni Dianne sa kanya na lalong ikinakunot ng noo ng lalaki. "Since when have you requested a driver? Alam ba ito nila Mama't Papa?" "I haven’t informed them yet. Don’t worry, he’s Lydia’s boyfriend, and I’ve already done my own background check." "And I thought Lydia is under your---" Hindi nito itinuloy ang sasabihin pero lumingon sa kanya ang lalaki. "Saan kayo magla-lunch?" tila naman pag-iiba ni Dianne sa usapan. "Iuuwi ko muna sila Janine sa bahay. Dumaan muna ako dito para pag-usapan ang itinawag mo kanina. Come to my office when I come back and we'll talk about it." Nagpaalam naman si Dianne sa dalawang bata bago muling umalis ang mga ito sa silid nang hindi na siya ulit tinapunan ng tingin. Mabuti na lang at maayos na ang pananamit niya ngayon. Hindi na siya gaanong nag-alangan kanina na humarap sa kapatid ni Dianne. At hindi niya rin alam kung bakit mahalaga sa kanya na magustuhan siya ng pamilya nito. Kapag nag-day off siya ay bibili pa siya ng ilang damit para madagdagan ang pamasok niya araw-araw. Kahit pa mabawasan ang savings niya hindi na mahalaga. Wala na rin naman siyang balak magpakasal kay Lydia. "Lock the door, Franco." Naputol ang pagmumuni-muni niya nang magsalita si Dianne. Nagtataka man ay sinunod niya ang utos nito. "May problema ho ba?" "I remembered you told me you would do everything to keep your job." Nag-dekwatro na naman ito at tumitig sa mata niya. Nilakasan niya ang loob na lumakad papunta sa harap ng mesa nito kahit parang gusto niyang matunaw sa mga titig nito. "Yes, Miss Romano. Everything..." mahina niyang sagot na hinaluan din ng lambing ang boses. Nagugulat rin siya sa sarili dahil hindi niya alam kung sino ang nang-aakit sa kanila. Hindi pa rin nito binabawi ang tingin kaya't nakipagsabayan siya. "Even if it involves the love of your life? The woman you want to spend the rest of your life with?" "Ano hong ibig niyong sabihin?" "I am asking you a question, Franco." Gusto niyang sabihin na hindi na si Lydia ang gusto niyang makasama habangbuhay. At hindi rin niya alam kung bakit si Dianne ang lumitaw sa balintataw niya. Gusto niyang kurutin ang sarili para makapag-concentrate sa tanong nito. He was daydreaming. "I don't understand what you are trying to convey, Miss Romano. Saka ko lang ho masasagot ang tanong kapag naintintihan ko na." "I can't disclose any information right now. Pero gaano mo kakilala si Lydia?" "Magkaibigan ho ang pamilya namin at magkapitbahay ho kami sa Sto. Tomas Batangas." "Which means any information you find here has a possibility to leak, is that what you are saying?" "If it is confidential, no," mariin niyang sagot. "How can you be so sure?" "You can trust me." "If a robber suddenly broke into my room and the only way to save you was to give the passcode to the vault containing ten million pesos—if I was already killed and you knew the passcode because I trusted you—while Lydia was outside, hoping you'd be saved from that villain, would you give the passcode to save your life?" Lumakad siya sa kaliwang bahagi ng mesa nito at doon tumayo. Napakakinis ng balat at humahalimuyak ang amoy nito sa buong silid. Mas gusto niya itong hagkan kaysa sagutin ang tanong nito. "First of all, I would not allow anyone to hurt you, Miss Romano. I would take the bullet for you so you have the chance to save yourself." "Bolero ka rin, Mr. Villamor." "Sinagot ko lang naman ang tanong mo. Kung may pagkakataon akong iligtas ang buhay niyo, hindi ako magdadalawang-isip." "I don't think you would take the bullet that was meant for me, Franco. Paano na ang babaeng pakakasalan mo? Okay lang ba sa 'yo na mapunta siya sa ibang lalaki?" Isang kibitbalikat ang pinakawalan niya bago sumagot. "Okay lang ho. Basta ba patatayuan mo 'ko ng monumento sa harap ng building na 'to kapag namatay ako sa pagliligtas sa 'yo eh," pabiro niyang wika saka matamis na ngumiti. Kinagat ni Dainne ang ibabang labi nang hindi rin napigilang ngumiti kaya't lalo siyang nanggigigil na halikan ito. Kung pwede lang sana. "I'll consider that answer and will give you the benefit of the doubt. But consider this a warning. Oras na malaman kong may impormasyong lumabas sa apat na sulok ng opisina na 'to, pulis ang dadampot sa 'yo. You signed a non-disclosure agreement that we can use against you." "I know, Miss Romano. Hindi ko rin gugustuhing masira ang tiwalang ibinigay niyo sa akin." Bumalik na siya sa puwesto niya malapit sa pinto dahil may tumawag na sa telepono nito. Maya maya ay may iniutos itong dadalhing papeles kay Lydia bago tumayo dala ang Hermes Birkin bag nito. "Pinabibigay ni Ma'am Dianne," aniya kay Lydia. Mula sa sulok ng mata niya ay nakita niyang nakasunod ito. "Kukunin ko lang ho 'yung susi sa loob--" "Nevermind, I have the key and I will drive. Sa labas kami magla-lunch ni Kuya Pat." "Puwede ko naman ho kayong ipag-drive, tapos sa labas lang ako ng restaurant." Pakiramdam niya'y may confidential na pag-uusapan ang magkapatid. Gayunman ay gusto pa rin niyang ipag-drive ito para hindi na mapagod. "Sabay na lang tayong mag-lunch, Franco." Napalingon siya kay Lydia na ikinagulat niyang ito pa ang nagyayaya ngayon. Mabilis siyang umiling. Panahon na para pagselosin ang kasintahan. "I won't let you drive alone." Kinuha niya ang susi sa kamay ni Dianne. "Kahit sa turo-turo ako mananghalian o mag-biskwit lang ako sa loob ng kotse. Mapapagod ka pa e kaya ka nga kumuha ng driver." Hindi nakaimik si Dianne nang kuhanin niya pati ang bag nito saka idinikit ang palad sa likod ng baywang ng dalaga habang patungo sila sa elevator. Kung ano ang iniisip ni Lydia ngayon ay hindi niya tiyak. Ni hindi siya lumingon hanggang makapasok sila sa elevator. Are you having a quarrel with your girlfriend?" tanong ni Dianne. "Hindi naman ho. Pero nasa opisina kami at pareho kaming may trabaho. Ayokong masisante ng boss ko dahil dalawang memo na ang natanggap ko." "Hmmm... Marunong ka naman palang magtanda. Kaso baka ikaw naman ang mawalan ng girlfriend niyan." "Hindi naman ho siguro sa ganoon lang kababaw e maghihiwalay na kami. Kung sakali ho, ibig sabihin ay may malalim na dahilan kung hindi na kami nagkaintindihan." "You're talking like you and Lydia are going through something. I'm sorry if I gave the impression that you two shouldn't talk while at work. Iniiwasan ko lang na mawala ang konsentrasyon niyong dalawa sa trabaho, at para wala na ring masabi ang ibang empleyado. Pero malaya naman kayong magkita sa labas o magsabay sa lunch katulad ngayon. Hindi mo kailangang sumama sa akin. Spend time with your girlfriend if you feel like you're falling short with her." "Nasa trabaho ho ako kaya kayo ang priority ko. Makapaghihintay ho ang ibang bagay kung hindi naman emergency. As your driver, my main priority is to ensure your safety wherever you go." Kumindat pa siya bago sila lumabas sa elevator at tuloy-tuloy sa parking lot. Hindi niya alam kung bakit siya ang kumindat pero siya rin ang kinikilig ngayon. Paano'y nakalapat na nang husto ang kamay niya sa baywang nito pero hindi ito pumapalag.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD