"Sunod-sunod ang pagbili ng spare parts kahit tapos na ang repair ng vessel, Patrick. Wala si Mang Romy at malabo na makabalik siya sa trabaho kaya sa tingin ko sinasamantala nila na hindi nababantayan ang in at out sa warehouse." Ang tinutukoy ng Papa nila na empleyado ay ang dating Supervisor sa warehouse na siyang pinagkakatiwalaan nila noon pa. Ang may hawak sa posisyon ngayon ay isang taon pa lang sa kompanya. Nakatitig ang ama sa summary ng mga malalaking purchases na kwestyonable. "Tama. Si Jessie ang nag-issue ng mga request na 'yan, Papa kaya't maaaring kasabwat siya. Pina-hold ko na ang dalawang Purchase Order na pinirmahan ni Mr. Socorro. Wala ring ire-release na cheke sa supplier na 'yan hangga't hindi pa lumilitaw kung sino ang mga nagsasabwatan sa kompanya," wika naman ng Ku

