XVIII. VDA

1138 Words
Cathy Quezon Matapos marinig iyon, hindi ko na alam kung ano pa ang sasabihin kay Nanay. "P-patawarin mo ako, anak. Nag-aalala lang ako na baka matulad siya sa tatay niya," humihikbing sabi ni Nanay. "N-nasaan na po si Gee?" Natanong ko pa rin iyon kahit ramdam kong babagsak na ang mga luha ko. "P-patay na siya, anak." Halos magpintig ang tainga ko nang marinig iyon. Nanghina ang mga tuhod ko. Kaya ba bigla na lamang siyang nawala matapos ang araw na iyon? Kaya ba may mga kakaibang pangyayari ngayon sa buhay ko? Sa pamilya ko? "Nagpakamatay siya mismo sa mental kung saan ko siya ipinasok." "At ang mental hospital na iyon ang lugar na kinalalagyan niyo ngayon." Sabay-sabay nabaling ang tingin namin kay Lola Pasing. "P-pero naguguluhan ako. Hindi ko maintindihan. Bakit si Daryl? Bakit ginagawa niya ito? Bakit sinasabi ng tatay ko na si Daryl ang pumatay sa kanya?" tanong ni Kiefer. Napatingin ako sa kanya. Pinatay ang tatay niya? "Dahil gusto niyang maghiganti," sagot ni Lola Pasing. Si Daryl, maghihiganti? Pero bakit? "Makalipas ang ilang araw na dinala ni Lanny ang Gee na iyon dito, may dumalaw na isang binatang lalaki..." "Kay Gracias Villamor po?" tanong ng isang binata, pero ang tindig at kilos ay parang babae. Kung hindi pa dahil sa boses niya, pagkakamalan na siyang babae ni Pasing. "Kaano-ano ka ng pasyente, hijo?" tanong niya rito. "Kapatid niya po, Valiente Villamor po," sagot naman nito. Wala namang sinabi si Lanny na dadalaw ang batang iyon, ah? Di bali, sasabihin ko na lamang kay Lanny. Sa isip ni Pasing. "Sige, sumunod ka na lang sa akin, hijo," sabi niya rito at naglakad na patungo sa mini garden kung saan naroon ang sinasabi niyang kapatid. Habang naglalakad sa hallway, hindi maiwasan ni Pasing ang magtanong. "Siya nga pala, hijo, alaga ka rin ba ni Lanny?" "Ah, opo. Inutusan po ako ni Nanny na dalhan siya ng mga paborito niyang pagkain. Namimiss ko na rin po kasi ang ate ko," sagot nito at ramdam ni Pasing ang lungkot sa mga salita nito. Hindi pa rin kasi maganda ang kalagayan ni Gracias dahil patuloy siya sa pagsasabing may nananakit sa kanya. Nakarating na sila sa mini garden, at hindi maiwasan ni Valiente ang maluha sa kalagayan ng kapatid. Nakaramdam din siya ng galit sa kuya niya dahil busy ito sa pagpapakasasa sa yaman niya sa Baguio. "Sige na, hijo, maiwan na kita dito," sabi ni Pasing at tuluyan ngang lumisan. Dahan-dahang lumakad si Valiente papunta sa kapatid niya na nakaupo sa isang wheelchair sa gilid at tulala. "Hi, Ate Gee," bati niya. Pagkarinig na pagkarinig ni Gee sa pamilyar na boses ay awtomatikong napalingon siya rito. Agad na niyakap ni Valiente ang ate, at doon na nagsimulang umiyak ang kapatid. "Ayúdame, Val!" (Tulungan mo ako, Val!) sabi nito habang patuloy sa pag-iyak sa mga bisig niya. "No te preocupes, hermana, nos vengaremos de ellos." (Huwag ka mag-alala, Ate. Maghihiganti tayo sa kanila.) Sabi nito sa kapatid habang masamang nakatitig sa kalangitan at iniiwasang maiyak. Kalaunan, may sinabi sa kanyang ate. At hindi nagtagal, umuwi na rin siya. Kinabukasan, nagkagulo ang mga nurse at nataranta si Pasing dahil ang pasyenteng si Gracias ay namatay dahil sa lason. Agad niya itong binalita kay Lanny kaya agaran siyang pumunta sa mental. Nanlumo si Lanny sa nasaksihan. Hindi niya inakala na hahantong sa ganito. Hindi sinabi ni Pasing ang tungkol sa Valiente, pero naghihinala na siya dahil sa sinabi nito noon. Palaisipan pa rin kay Pasing ang sinabi ng binata noong araw na iyon. Hanggang sa mailibing ang katawan ng dalaga, pero pinalabas na lamang na suicide ang nangyari. Hindi makalapit si Pasing kay Lanny dahil kasama nito si Valiente. Ang ipinagtataka ni Pasing ay bakit Daryl ang tawag dito ni Lanny? Pinaglololoko ba siya ng binata? Hanggang isang araw, may isang nurse na nakarinig sa sinabi ng binata, "Inumin mo ito, Ate. Ipapangako ko sa iyo, mawawala lahat ng sakit na nararamdaman mo at magiging ibang tao ka na pag gising mo." Nabigla si Pasing nang matapos ang araw na iyon, biglang umingay ang balita na nagpakamatay ang nurse. May isang imbestigador ang nag-asikaso sa kaso, nagngangalang Jobert Santos. Ayon sa kanya, hindi lang suicide ang nangyari kundi may pumatay dito. Naalala ni Pasing ang nangyari kay Gracias, at sinabi ng imbestigador na maaaring konektado nga ito. Ngunit makalipas ang ilang araw, natagpuang patay ang imbestigador sa sarili nitong tahanan. Nakabigti sa kisame, warak ang mukha, naliligo sa sariling dugo, at putol ang ari na nakakalat sa paligid. Matapos ang mga pangyayaring iyon, hindi na nila pinakialaman ang kaso at tuluyan nang nakalimutan ng masa. Ngunit si Pasing, sinabi niya lahat kay Lanny. Agad naman itong inaksyunan ni Lanny, kaya nahuli nila ang mga kagamitan ni Valiente o mas kilala ni Lanny bilang Daryl. Tulad ni Gracias, dinala rin ni Lanny si Daryl sa mental facility matapos umalis ni Cathy papuntang Baguio. Nagtagal ito sa mental, at nag-improve ang kondisyon. Dito nakilala niya si Decelyn Sarmiento. "Decelyn Sarmiento." Inulit ko ang pangalan. Ito ang ipinakilala ni Daryl sa akin na best friend daw niya noong nag-aaral pa siya. "Akala namin ay matino na siya, pero tumakas silang dalawa. Nakatakas si Daryl, pero nahuli si Decelyn at inilipat sa Protacio Mental Hospital." "Ibig sabihin, ang Decelyn na iyon ang tinulungan ni Daryl makatakas? Siya ba ang nurse na nagpanggap doon?" tanong ni Kiefer. Kumunot ang noo ko dahil dito. Isang tango ang isinagot ni Lola Pasing. "Pero bakit ngayon niyo lang ito sinabi sa amin, Mrs. Lanny?" sabi ni Kiefer, sabay baling kay Nanay. Ako rin. Gusto kong malaman kung bakit ngayon lang ito sinabi ni Nanay kahit may pagkakataon siya noon na sabihin sa amin iyon. "Dahil kontrolado ako ng masamang espiritu ni Gracias, anak. Gusto ko man magsalita noon, pero hindi ko magawa dahil hindi sumusunod ang katawan ko," sagot ni Nanay. Magsasalita pa sana ako nang makarinig kami ng sunud-sunod na putok ng baril. Nagkatinginan kami ni Kiefer dahil dito. "Mag-ingat kayo, anak. Isang halimaw at demonyo na ang kalaban ninyo," sabi ni Nanay sa amin, pero... "Paano po kayo? Sumama na po kayo sa amin at pare-pareho tayong lalabas dito, Nay," sabi ko at niyakap siya, pero ganoon na lang ang pagkabigla ko dahil... ...tumagos lang si Nanay sa katawan ko. Napatingin ulit ako kay Nanay, na ngayon ay nakangiting nakatingin sa akin at lumuluha. B-bakit? B-bakit hindi ko mahawakan ang nanay ko? "Pasensya na, anak. Alam kong nagkulang ako sa inyo ng mga kapatid mo kaya patawarin mo ako. Siguro ay parusa na rin ito sa akin. Gumising na kayo ni Kiefer, anak. Huwag mong pababayaan ang sarili mo. Alagaan mo ang magiging apo at sana magkasundo na kayo ng asawa mo." Unti-unti na siyang nawawala kasabay ng pagkahilo ko. "Hindi, Nanay!" sigaw ko habang umiiling, pero...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD