XVII. GRACIAS A.K.A. GEE

2082 Words
Flashback (Part 2) One month later... "Sigurado ka ba diyan, anak?" tanong ni Lanny kay Recuerdo. Plano ng binata na mamuhay mag-isa at gustong baguhin ang kanyang pagkatao, pati na rin ang kanyang pangalan. "Yes, Nanny. I'm sorry, pero puwede niyo po bang alagaan ang mga kapatid ko? Babalik po ako, I swear," sagot ng binata. Marunong na ito mag-Tagalog dahil tinuruan siya ni Lanny noong unang pasok niya sa Hacienda nila. "I love you, hijo. Alam ko na hindi mo gagawin ang mga kasalanan ng iyong ama. Mag-ingat ka, anak," sabi ni Lanny. "I love you, Nanny. Pangako, babalik po ako." Tapos bumaling siya sa kanyang kapatid na si Gracias. "Te amo, bebé Gee. Be good to Nanny, okay?" Tumango naman ang kanyang kapatid kahit hindi naiintindihan ang ibig niyang sabihin. Bumaling siya kay Lanny na karga-karga si Valiente at hinalikan ito sa noo. "Te amo, bebé Val. Volveré," sabi niya, at tuluyan nang umalis. Hindi alam ni Lanny kung ano ang bagong pangalan na pinili ni Recuerdo, pero naisip niyang mas mabuti iyon upang hindi sila matunton ng ama nito. Hanggang ngayon, wala pa ring balita si Lanny kung ano na ang nangyari kay Valentina. Kaya upang masigurado ang kaligtasan ng mga bata, hindi muna siya umuwi sa kanyang pamilya at nanirahan sa Baguio, sa bahay ng kapatid ng kanyang asawang nakakulong. Hindi makapaniwala si Lanny sa balitang kanyang nabasa sa isang site sa Spain. "Pamilyang De Amor ay bigla na lamang naglaho na parang bula. Ang abandonadong mansyon na kanilang pag-aari ay nasunog bigla, at hindi pa malaman ang tunay na pinagmulan." "Posible kayang buhay si Ricardo at hinahanap kami? Ano na kayang nangyari kay Valentina? Bakit nasunog ang Hacienda?" tanong ni Lanny sa sarili habang hawak ang telepono at nagluluto. Nasa Pasig na sila ng dalawang bata, pero hindi pa rin siya nagpapakita sa kanyang mga anak. Ni hindi niya rin madalaw ang kanyang asawa sa kulungan dahil walang magbabantay sa mga bata. Alam niya namang ligtas ang kanyang tunay na mga anak. Kahit na galit sa kanya ang panganay niyang anak at nagpunta ito sa ibang bansa, mahal nito ang mga kapatid. Nandoon din naman ang kanyang pangalawang anak na si Ricky. Kahit nagtatampo ito sa kanya, hindi nito pinapabayaan ang mga nakababata dahil palihim na sinisilip ni Lanny ang kanyang mga anak. Para na rin hindi sila matunton, pinapasok muna ni Lanny sa isang paaralan sa Pasig si Gracias — ang Sagad High School — bilang Grade 7 na estudyante. Paglipas ng ilang buwan, napapansin ni Lanny ang sobrang kasiyahan ni Gracias. Aksidente niyang nakita ang isang kutsilyo sa bag nito. Kahit hindi niya alam ang nangyayari, naglakas-loob siyang tanungin si Gracias tungkol dito. "Gee, bakit ka may kutsilyo sa bag mo?" tanong niya sa bata. "Gee" na ang tawag niya rito upang walang makahalata. Tumingin naman ang bata sa kanya habang kumakain ng mangga. "Pambalat po ng mangga, Nanny. Wala kasi silang kutsilyo sa school," sagot nito, ngunit hindi kumbinsido si Lanny. "Hindi ka ba nahuhuli ng guard doon? Delikado ito, dapat dito ka na lang magbalat at hiwain mo na lang para mailagay mo sa baunan," sabi niya sa bata, kinakabahan na sa maaaring mangyari. "Sige po, Nanny," sagot ng bata, at nakahinga naman siya nang maluwag. "Uhm, Nanny?" baling muli ni Gracias sa kanya. "Bakit, anak?" balik tanong niya. "May bestfriend na po ako sa school!" masayang sinabi ni Gee. Napangiti naman si Lanny dahil sa kagalakan ng bata. "Mabuti naman kung gano’n, anak. Ano ang pangalan niya?" tanong niya. "Cathy Quezon po, Nanny!" Napahinto siya dahil narinig niya ang pangalan ng kanyang anak, at hindi niya inasahan ang kasunod na sinabi nito. "At alam mo ba, Nanny, parang ang sarap niya pong patayin. Marinig yung mga ungol katulad ng mga nababasa ko sa mga horror books na binibili ko." Marahas na napalingon siya kay Gracias sa sinabi nito. Napansin naman agad ni Gracias iyon kaya napakamot siya sa batok. "Joke lang naman, Nanny, ikaw naman," lumapit sa kanya ang bata at niyakap siya. "Alam mo, anak, kakabasa mo ‘yan ng kung anu-ano. Itigil mo na nga ‘yan. At layuan mo ‘yung Cathy na ‘yan. Baka siya pa nagtuturo sa’yo ng kung anu-ano. Kukurutin ko talaga singit mo," biro niya kay Gee, kahit na kinakabahan siya sa maaaring gawin nito sa kanyang anak na si Cathy. "Si Nanny talaga! I love you, Nanny!" *** Cathy Quezon Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. S-si Gracias na best friend ko noon at ang Gracias na sinasabi ni Nanay ay iisa? Pero sa sinabi ni Nanay na gusto akong patayin ni Gee noon, bigla akong nahilo at may alaala na sumagi sa isip ko. "Hi!" bati sa akin ng isa naming kaklase na makulit. Hindi ko siya pinansin dahil may ginagawa ako—nagsusulat ako. "Uy, sabi ko hi! Ang sungit mo!" aniya, nagpapapansin pa, kaya nainis na ako. "Bakit ba?" singhal ko sa kanya. "Makikipagkaibigan lang naman ako eh! Gee nga pala." Sabay abot ng kamay, pero hindi ko tinanggap iyon at tinarayan ko lang siya. "Ayoko. Tsaka pwede ba? Ayaw ko makipagkaibigan sa makulit na kagaya mo," sagot ko sa kanya. Totoo naman iyon—ayoko sa makulit. Tinuruan ako ni Kuya Ricky na maging mataray paminsan-minsan, dahil masama raw ang laging mabait. "Okay, pero ano nga muna name mo?" tanong niya ulit, pero hindi ko pa rin siya pinansin at inatupag ko ang sinusulat kong tula. Napapitlag ako nang kunin niya ang notebook ko kaya nainis na talaga ako. Bakit ba kasi ang kulit niya? "Hey, ano ba?! Akin na nga yan!" bulyaw ko sa kanya at inagaw ang notebook ko, pero tinaas niya iyon para hindi ko maabot. "Ano muna kasi name mo? Name lang naman eh!" tanong niya ulit habang tinataas ang notebook ko, pero pilit ko pa ring inaabot iyon. "Akin na sabi eh!" "Ang kulit mo talaga eh, no?!" pagsuko ko na lang dahil napapagod na ako. Ang tangkad niya, pero grade 7 pa lang siya. "Cathy Quezon ang name ko, okay ka na? Akin na nga yan!" sabi ko, at tuluyan ko nang naagaw ang notebook ko. Simula noon ay hindi siya tumigil sa pagpansin sa akin. She keeps buzzing around wherever I go—sa canteen, paglabas ng school, or even sa bahay. Pero after a week, ina-approach ko na siya, at ayon, naging magkaibigan kami. After a month, tuluyan na kaming naging mag-best friend. Pero isang araw, hindi niya ako kinulit. Of course, hinanap ko siya dahil nasanay na ako, at nakita ko nga siya. She was sitting sa mini-garden ng school, nakatulala. I wonder why? Lumapit agad ako sa kanya. "Hey, what's going on?" tanong ko at umupo sa tabi niya. Nilingon niya ako pero hindi siya sumagot, then tumulala ulit. "Hoy, bakit ka nakatunganga diyan? Any problem? I can be your ear if you want to," sabi ko habang inakbayan ko siya. Ilang minuto na ang lumipas pero hindi pa rin siya sumagot. Ano ba kasi problema niya? "Okay, I won’t force you to te—" pero hindi ko na natapos iyon dahil nagsalita na siya. "We're best friends, right?" tanong niya, pero hindi ako tinitingnan. "Yes naman! Kahit makulit ka at nakakairita ka minsan, we're best friends," sabi ko sa kanya at inakbayan siya. "Promise?" tanong niya, at this time tumingin na siya sa akin. "Promise! Kahit anong mangyari, I will be there for you," sabi ko para matapos na ang drama. "Promise yan ah. Sige, I'm always here for you din no matter what," sabi niya at napangiti ako. For the first time, ako ang yumakap sa kanya. "Walang iwanan hanggang kamatayan. Mumultuhin talaga kita!" pagbabanta niya habang magkayakap kami kaya natawa naman ako doon. "Oo, promise!" "Walang iwanan hanggang kamatayan," sagot ko. Naalala ko na ang lahat. Hindi ko alam kung bakit nakalimutan ko ang mga iyon at pangalan niya lang ang natandaan ko, pero ngayon, naalala ko na lahat-lahat. Napakunot-noo si Nanay at si Kiefer nang tumingin sila sa akin. "I-iyon ang sinabi sa akin ni Gee nung makita ko siyang mag-isa sa garden noon," paliwanag ko. "Hindi rin nakaligtas sa akin ang mga galos niya nung araw na iyon," saad ko dahil nakita mismo ng mga mata ko na kahit itago pa iyon ni Gee, nakita ko pa rin. Ang leeg niya, para siyang sinakal. Napaluha naman si Nanay sa sinabi ko, pero bakit? "T-totoo pala ang sinasabi niya noon," at tuluyan na siyang naiyak. "Bakit, Nay? Ano bang nangyari sa kanya noon? Bakit bigla na lang siyang nawala? At… paano niyo nasabi na si Daryl ang may pakana ng lahat ng ito?" tanong ko sa kanya. Gusto ko mang isumbat sa kanya ang paghihirap ng kuya ko noong akala namin ay iniwan niya na kami, hindi muna. Namataan ko sa peripheral vision ko na may binulong si Kiefer kay Jacob. Kanina pa sila dito at nakikinig. Hindi pa rin ako kumbinsido na si Daryl ang may pakana ng lahat ng ito. Nilibing nga siya ng buhay, di ba? "S-sinabi niya sa akin noon na may mga naririnig siyang boses…" panimula ni Nanay. Flashback Again… "Anak, ano bang nangyayari sa’yo? Bakit ba puro galos ka?" tanong ni Lanny kay Gee nang umuwi itong puro galos at may bakas ng kamay sa leeg. "Napaaway lang po ako, Nanny," sagot ng dalaga pero hindi siya makatingin sa kanya at pansin niyang malikot ang mga mata nito. "Sigurado ka ba, anak? Ayoko ng naglilihim ka sa akin. Baka may nang-aaway na sa’yo sa school?" balik tanong ni Lanny, dahil hindi siya kumbinsido. Doon na tumingin sa kanya ang bata at dahan-dahang lumapit bago siya niyakap. "N-Nanny, m-may naririnig po akong boses na nakakatakot. Kahit saan po ako magpunta, hindi po siya mawawala kahit anong gawin ko!" saad ng dalaga. Nang marinig iyon ni Lanny, isa lang ang pumasok sa isip niya at natigilan siya. Hindi kaya namana ni Gee ang sakit ng kanyang ama? Pero hindi; alam niya na kung ganoon man, mapipigilan niya iyon. Baka nai-stress lang si Gee sa school. Nang mabaling ang atensyon niya sa kwarto ng magkapatid, nakita niya si Valiente, pero Daryl na ang tawag niya dito. Sinasanay niyang tinatawag itong Daryl. Nakatingin lang ang bata sa kanila. "Sshh, tama na anak. May pupuntahan tayo para matigil na iyan. Tumigil ka na sa kakaiyak," pag-aalo niya sa dalaga. Maya-maya ay nakatulog ang dalaga, kaya binuhat niya ito papunta sa kwarto ng magkapatid. Nagbigay daan si Daryl. Nang maihiga na ni Lanny si Gee sa kama, lumapit si Daryl sa kapatid at hinalikan ito sa noo. "Te amo, hermana," bulong nito sa kapatid, pero narinig iyon ni Lanny kaya napangiti siya bago iniwan ang magkapatid at tinawagan ang kaibigan niyang si Pasing. Nagtatrabaho si Pasing sa isang mental facility sa Laguna at siya lang ang naisip ni Lanny na maaaring makatulong. Lingid sa kaalaman ni Lanny, nakikinig si Daryl sa kanila mula sa isang tabi. Nagkuyom ang kamao ng bata nang marinig ang mga sinabi ni Lanny. Mataas ang IQ ng bata at naiintindihan niya ang lahat, pero hindi siya makakapayag sa plano nito, kahit wala siyang magawa. *** "Parang awa mo na, hindi po ako baliw, Nanny. Totoo po ang sinasabi ko!" pakiusap ni Gracias kay Lanny, na ngayon ay nakakapit sa kanyang tuhod. Dinala siya ni Lanny sa mental hospital kung saan nagtatrabaho ang kanyang kaibigan na si Pasing. Pinipigilan ni Lanny na umiyak kahit naaawa na siya sa dalaga. "Magiging maayos ka dito. Huwag kang mag-alala, dadal—" Hindi na natapos ni Lanny ang sasabihin nang biglang sumigaw muli ang dalaga. "Hindi! Sasaktan lang din ako dito, kagaya ng ginagawa nila sa akin! Huwag mo akong iwan dito, n-nakikiusap po ako sa'yo, Nanny!" pakiusap niya, habang mahigpit na nakayakap sa mga binti ni Lanny. Tinignan ni Lanny si Pasing, at tumango ito sa kanya, na parang naiintindihan ang ibig sabihin niyon. May tinawag na ibang nurse si Pasing, at pilit na kinukuha si Gee, na ngayon ay kapit na kapit kay Lanny. "Hindi! Ayoko sumama sa inyo!" pagpupumiglas ng dalaga, kaya niyuko siya ni Lanny at hinaplos ang kanyang ulo. "Babalikan kita dito, ha. Magpakabait ka. Kakailanganin mo rin ito. Magiging maayos din ang lahat," sambit ni Lanny, ngunit umiling lang ang dalaga. "Ayoko sa inyo! Ayoko!" Wala nang nagawa ang dalaga dahil tinurukan na siya ng pampatulog. Hindi sinama ni Lanny si Daryl at iniwan ito sa anak niyang si Cathy dahil gusto nitong makasama ang bagong kapatid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD