The Killer
I really love Ricky, but I need to kill him para sa KANYA.
Mahal na mahal ko naman sila, pero walang makakapantay ng pagmamahal ko sa KANYA.
Nandito ako ngayon sa lamay ni Ricky.
Naaawa ako sa kanila, lalo na kay Ricky, pero kasalanan niya naman 'yon eh.
Pinasabik niya akong patayin siya, kaya hindi ko tuloy napigilan ang sarili ko. Hmp! Masyado akong nasabik na patayin siya.
Pero anong magagawa ko? Kailangan ko sila para maibalik SIYA.
Lahat sila ay para sa KANYA.
Siyam na buhay para sa kanya.
Pangalawa na si Ricky, kaya pito pa.
Saktong-sakto dahil marami-rami sila.
Oras na para sa pangatlong kaluluwa. At heto siya, kitang-kita ko ang pagkahubog ng katawan niya. Para talaga siyang babae kung titignan mo. Ang sarap niyang pagmasdan.
Paano pa kaya pag pinapatay ko na siya? Hindi na ako makapaghintay na patayin siya, pero kailangan ko munang magtiis ng ilang araw.
Sabik na sabik na akong marinig ang ungol niya habang pinapatay siya.
Sigurado akong magugustuhan NIYA kung iaalay ko ang baklang ito.
Lahat sila, papatayin ko. Wala akong ititira, at sabik na sabik na ako doon.
Lahat sila ay para sa KANYA.
Jennifer Tobiaz
Premonition.
Yan agad ang naisip kong dahilan kung bakit may ganoong pangyayaring naganap sa kaibigan ng anak kong si Jeremy. Si Amber ay malapit sa isa pa nilang kaibigan na si Cathy.
Matagal ko nang napapansin na may kakaiba sa pamilya nila Lanny.
Nang sabihin sa akin ni Jeremy noong birthday niya na hindi niya nakitaan ng mukha ang kuya ni Cathy, ay alam ko na agad ang ibig sabihin non.
Ako si Jennifer Tobias at may kakayahan akong makakita o di kaya ay makaramdam ng mga bagay na paranormal.
Katulad na lamang sa lugar na ito.
Sa bahay na ito.
Sa bahay kung saan kasalukuyang nakaburol ang kapatid ni Cathy.
Si Ricky.
Heto ako at kitang-kita ko ang bangkay niya pati na rin ang kabaong niya.
Hindi ko nakita si Lanny.
Marahil ay nagdadalamhati pa rin ito sa pagkawala ng anak niya, pero hindi iyon ang pakay ko kaya ako nagpunta dito.
Kailangan kong makausap si Ricky dahil nararamdaman ko siya sa bahay na ito.
Inilibot ko ang paningin ko sa maraming taong nakikilamay ngayon.
Ang iba sa kanila ay hindi pamilyar sa akin ang mukha, pero wala akong nararamdamang kakaiba sa kanila.
Napagdesisyunan kong muling tumingin sa kabaong ni Ricky dahil nasa gilid ko lang ito, pero halos atakihin ako sa puso at nanlaki ang mga mata ko kasabay ng pag-atras ko dahil si Ricky—
—nakadilat ang mga mata niya!
"Uy, ate Jen! Ayos lang po kayo?" rinig kong tanong sa akin ni Michael, pero napatingin lang ako sa kanya at muli akong napaatras at natulak ko si Michael.
Pinagtinginan na ako ng ibang tao. Ako naman ay nilibot ko ang mga nakatingin sa akin, pero halos maiyak ako sa mga nakita ko. Lahat silang nandito sa bahay na ito...
...lahat sila, mga walang mukha!
"Ate Jen!" rinig kong muling tawag sa akin ng kung sino man kaya napatingin ako dito.
Si Cathy.
Nakaluhod siya habang nakaalalay sa akin sa sahig.
Ramdam kong pinagpapawisan ako.
Kung ganoon, lahat silang nandito mamamatay? Sinong papatay sa kanila?
"Ate Jen!" rinig kong boses ulit ni Cathy, kaya naman naputol ang pag-iisip ko ng kung ano-ano.
Muli akong napatingin sa mga kasamahan niya dito sa bahay, pero—
—normal na ulit sila.
Ang bilis ng t***k ng puso ko at napalunok ako.
Agad akong napatayo sa tulong ni Cathy. Tanong siya ng tanong kung anong nangyayari, pero hindi ko siya masagot ngayon. Kailangan kong makita at makausap si Ricky. Nandito siya sa bahay na ito.
Nagpaalam na lang ako kay Cathy na gagamit ako ng banyo nila. Hinatid niya naman ako agad doon. Sa may kusina, malapit sa isang pintong sa tingin ko ay kwarto ni Lanny.
Nang makapasok sa banyo ay agad akong naghilamos ng aking mukha. Napatingin ako sa salamin.
"Kailangan ko siyang makausap, nandito ang pumapatay," naisambit ko na lamang habang nakatingin ako sa sarili ko sa salamin.
Naiintindihan ko na, nandito ang pumapatay. Nandito SIYA.
Muli akong naghilamos at muli akong napaharap sa salamin, pero nanlaki ang mga mata ko at sisigaw na sana ako, pero agad niya akong tinakpan ng kung ano sa ilong kasabay noon ang pagdilim ng aking paningin.
***
Cathy Quezon
Nakauwi na lahat ng mga nakilamay sa amin, pero heto pa rin kami ng mga kasama ko. Nandito pa kasi yung ibang kaibigan ni Nanay, pero hindi maalis sa isipan ko ang eksena kaninang nandito pa si Ate Jen.
Bakit kaya ganoon ang reaksyon niya kanina? Para kasi siyang takot na takot sa mga kasama ko. Siguro ay nakauwi na si Ate Jen matapos siyang makigamit ng banyo. Sana ayos lang siya.
Ilang araw na ang nakalipas at ngayon ay ang burol ng kuya ko. Heto kami ngayon, naglalakad sa gitna ng kalsada habang sinusundan ang kotseng may dala ng kabaong ni kuya. Hindi sumama ang aking ina dahil naririnig ko siyang umiiiyak lamang sa kanyang kwarto kanina. Hindi niya pa rin tanggap na wala na ang anak niya.
Ako rin.
Hindi ko pa rin matanggap, hindi ko kayang tanggapin. Mas gugustuhin ko pang mag-away na lamang kaming magkakapatid sa bahay rather than na may mamatay sa amin. Hindi rin sumama ang kuya kong bakla. Hindi ko alam kung saan siya pumunta, which is yun ang kinaiinisan ko dahil libing ngayon ng kuya naming pero kung saan-saan pa rin siya nagpupunta. Kami lang nila Daryl, Kristel, at mga pamangkin ko ang mga kapamilya rito. Nandito rin si Sir Kiefer. Kanina ko pa naririnig ang iyak ni Daryl dahil nandito siya sa aking gilid.
Narating na naming ang lugar na paglilibingan. Dito sa Evergreen. Kahit ang bayad dito ay medyo may kamahalan, ayos lang, as long as maganda at maayos ang pagkakalagyan ng bangkay ng kuya ko.
Lahat kami ay nakasuot ng mga itim na kasuotan. Ako ay nakasuot ng black dress, at ang pastor naming ang nag-volunteer na i-bless ang aking kapatid.
Kanina pa nagsasalita ang aming pastor, ngunit hindi ko magawang makinig dahil lumilipad ang utak ko. Alam kong hindi sina Grace at Melody ang gumawa nito. Nararamdaman ko iyon.
Kuya Ryan.
Hindi ko alam kung nagsisinungaling si Daryl o hindi niya lang maalala, pero sigurado ako na nagsagutan sila ni Kuya Ryan nung gabing iyon.
Ang Nanay.
The day I just arrived here, her behavior was different, lalo na nung tumalikod sa amin nung dumating si Daryl. May nakita akong skull chain na nakasabit sa pants niya na maliit, at ang hindi ko maintindihan, ganoon na ganoon yung pinakita sa akin ni Sir Kiefer na nakita niya doon sa condo nung matagpuan ang kuya na bigla na lamang nawala. Hindi niya na raw makita, kahit ang mga kasamahan niya ang nagtataka kung nasaan na iyon.
Si Sir Kiefer.
Hindi ko alam kung bakit siya nag-volunteer sa kaso ng kuya ko. We did not know him. Wala sa pamilya ko ang nakakakilala sa kanya. Lagi siyang tumitingin kay Angel nung isang araw, at ang sabi pa sa akin ni Michael ay may something sila ni Daryl. Sino ka ba talaga, Sir Kiefer?
Daryl and Angel.
When Kiefer and I talked about my Kuya's case, may pinakita siyang footage na galing sa CCTV ng Arezzo. They captured a human figure moving around in different parts of the whole building, at ito ay very similar sa mga katawan ng dalawang iyon.
"Walang iwanan hanggang kamatayan."
Bigla na lamang bumalik sa isipan ko ang mga salitang iyon. That event happened in the police station when I visited Melody and Grace. May sinasabi talaga sa akin ang insidenteng iyon, pero hindi ko matukoy ano?!
Posible ba talagang isa sa pamilya ko ang pumatay kay Kuya Ricky?
Nabalik ako sa reyalidad ng muling sumakit ang aking tiyan at nararamdaman kong masusuka ako. I immediately let them know na gagamit muna ako ng banyo. Saktong pagdating ko sa banyo malapit sa paglilibingan ng aking kuya, ay nagsuka agad ako sa isang lababo. My pregnancy is getting worse. Kailangan ko na talagang ipaalam ito sa pamilya ko dahil alam kong mapapansin nila pag lumaki na ang tiyan ko.
Agad kong inayos ang sarili ko at bumalik sa tent namin. I can see from here the backs of our guests as they are standing dahil kaunti lamang ang nilaan nilang upuan. Habang naglalakad ako papunta sa kanila, may naaninag ako sa gilid ng aking kanang mata, sa may puno.
Gee?
Pero nang lingunin ko iyon, ay wala namang tao doon.
Hays, stress ka lang, Cathy. Masama iyan sa kondisyon mo, sabi ko sa sarili ko. Bumalik na lamang ako sa aking kinauupuan. Nakita ko si Daryl na nakatayo sa harap ng kabaong ng kuya ngunit nakaharap sa mga nakilamay at may hawak siyang mic. Oras na para sa mga last message naming sa aming kuya.
"Kung may nanakit sa iyo, lumaban ka kahit lugi ka, at least nagalusan mo siya..." Panimula ni Daryl. "That's the advice that I will never forget galing kay kuya. Kahit alam kong ayaw niyang maging bakla ako, still tinanggap niya ako at nirespeto... siya lagi yung nagtatanggol sa akin tuwing inaasar o may nakikipag-away sa akin nung high school ako... siya mismo ang nagsabi sa akin na hindi basehan ang hulma ng katawan para makipaglaban." Unti-unti ng nagiging ngarag ang kanyang boses; nagtutubig na rin ang kanyang mga mata.
"I-I won't deny that my kuya did bad things sometimes, b-but... he's heart is good... hindi siya gagawa ng ikakamatay niya..." Tuluyan ng tumulo ang kanyang mga luha. Ako rin ay napapaluha na. "...mahal na mahal ko ang kuya... kahit wala na siya sa mundong ito, mananatili siya dito." Sabay turo sa kanyang dibdib, sa may bandang puso.
Napangiti ako dahil doon habang ako'y patuloy sa pag-iyak. Inosente ang kapatid ko, alam kong hinding-hindi niya kayang gawin iyon. I wiped the tears from my eyes and hugged my little brother nang makabalik na siya sa katabi kong upuan. He was just crying in my arms.
Binigay niya rin kay Kristel ang mic kaya naman agad na pumunta ito sa harap ng kabaong ng kuya. "Sinabi sa akin ni Kuya Ricky noon..." Panimula nito. "...na kung makikita niya lang akong kasama ang boyfriend ko, makikita ko daw ang hinahanap ko..." But she smiled but there were tears in her eyes. "...napagbuhatan niya ako ng kamay noon, pero kasalanan ko rin naman... alam kong mali ako... mula pagkabata ko, hindi nagkulang ang kuya sa pagpayo sa akin kaya kahit pinagsasabihan niya ako sa ganoong paraan, nagpapasalamat ako dahil alam kong ginagawa niya iyon para hindi ako mawala sa landas..." She added and her voice grew thick. "...inaamin ko na nagtanim ako ng sama ng loob kay kuya noon..." Ngunit ng sabihin niya iyon, ay doon ako nangunot ng bahagya ang aking noo at napatitig ako sa mga mata niya.
Sama ng loob?
"...pero naiintindihan ko na dahil gusto niya lang akong umasenso at mapabuti ang kalagayan ko..." dagdag pa niya.
"Anong klaseng sama ng loob, Kristel? Bakit hindi mo sinabi sa akin noon? Pero hindi! Hindi kayang gawin ng kapatid ko iyon."
"Ikaw, Daryl?! Hindi ba't may galit ka rin sa Kuya Ricky mo?"
Bigla kong naalala ang sinabi ng Mama ko doon sa panaginip ko, pero si Daryl ang pinagsasabihan niyang may galit kay kuya. Pero ano itong sinasabi ni Kristel ngayon? May kahulugan ba talaga o pinapahiwatig ang panaginip na iyon?
"...mahal na mahal ko ang kuya at mananatili siya sa puso ko." Pagtatapos ni Kristel, umiiyak pa rin ito habang papunta sa kinauupuan ko para ibigay sa akin ang mikropono. Ako naman ay napatitig lamang sa mukha niyang pinupunasan ng kanyang kamay. Nagising lamang ako sa pag-iisip ko nang tawagin niya ako. Kinuha ko na lamang ang mic at siya ay bumalik na doon sa kabilang row ng mga upuan habang umiiyak. Pumunta na ako sa harap ng kabaong ng kuya, ngunit imbis na humarap ako sa mga kasama namin, humarap ako sa kabaong niya.
"Hindi ko ma-imagine na ito ako, magpapaalam sa iyo, kuya..." Panimula ko. Iyon pa lamang ang aking binabanggit, pero nagpapatakan na muli ang aking luha. Hanggang sa naalala ang lahat ng ginawa niya para sa akin.
"Kuya, gusto ko non!" Sabay turo ko sa doll na napakalaki. Hindi ko alam kung nasaan kami, pero nabasa ko ang "Toy Kingdom" doon sa itaas bago kami pumasok sa maraming laruan. Tinuruan kasi ako ng kuya ko kung paano magbasa kahit little girl pa lang ako, hihi.
"Iyon? Wait... Uhm, Miss?!" Pagtawag niya doon sa babaeng katabi nung doll na tinuro ko. "Magkano yan?" Tapos tinuro din ni kuya doon.
"1,499 pesos po, sir, high-tech po kasi iyan." Sagot naman ni Ate kaya naman napasimangot ako. Hmp! Ang mahal naman niyan. Sabi sa akin ni Mama huwag daw mahal ang ipabili ko kay kuya, eh.
"Oh sige, Miss, bilhin ko na." Sabi ulit ni Kuya doon kay Ate. Napatingin ako kay Kuya, ang tangkad niya. Napatingin din siya sa akin. "Oh, bakit ka naman nakasimangot dyan?" Tanong ni Kuya sa akin. Hindi ako sumagot. Nagpakarga muna ako sa kanya tapos bumulong ako sa tainga niya. "Kuya, huwag mo na lang po bilhin, ang mahal eh!" Bulong ko sa kanya, pero natawa lang siya. Kiniss niya ako sa pisngi ko tapos pininch niya yung ilong ko kaya lalo akong napasimangot. Hmp! Bakit siya tumatawa?
"Silly, ako naman ang magbabayad basta huwag mo na sabihin kay Nanay ang presyo para hindi tayo mapagalitan." Nagsmile ako ulit dahil sa sinabi niya.
"Really?!"
"Hmm." Tapos tumango siya. "Yehey! Thank you, Kuya! I love you!" Tapos kiniss ko din siya sa pisngi niya.
Pinunasan ko ang luha mula sa aking mga mata at nag-smile bitterly habang nakatingin sa kabaong niya. Tumingin ako sa kalangitan.
"Siya ba yung sinasabi mo?" Tanong sa akin ni Kuya habang hawak ang likod ng polo shirt ng lalaking sumampal sa akin kahapon sa classroom namin.
Tumango lamang ako kay Kuya. Medyo natatakot din ako kasi si Kuya parang galit, eh.
Nagulat na lamang ako at medyo napaatras dahil dinala niya yung lalaki. Medyo may katangkaran siya sa akin, pero mas matangkad pa rin si Kuya sa akin kaya napaatras din ako ng kaunti dahil baka saktan na naman ako niyan. Pero bakit parang natatakot yata yung mukha niya?
"Don't be afraid! Halika dito!" Utos sa akin ni Kuya na agad ko namang sinunod. Nakita ko ulit ang mukha ng lalaki, pero mukhang miserable siya. Buti nga! Hmp!
"Sabunutan mo." Medyo cold na utos ni Kuya nang mapalapit ako sa kanya. Umiling-iling ako, pero natakot akong muli nang sumigaw siya. "Sabunutan mo! Magpapatalo ka ba dito?! I didn't teach you to be a coward, Cathy!" Sigaw ni Kuya. Marami nang napapatingin sa amin na ibang estudyante dahil malapit lamang kami sa gate ng school namin at uwian na. Inabangan niya talaga itong pangit na ito. Walang nangangahas na pumigil kay Kuya dahil kilala siya bilang basag-ulo at bully dito noong nag-aaral pa siya dito kaya kahit teachers hindi siya mapigilan.
Dahil sa sinabi niya, muling nanumbalik sa akin ang ginawa ng pangit na ito. Kaya naman imbis na matakot, nabuhay na naman ang galit ko, and without a warning, I punched his stomach kaya naman napabend siya. At tinake ko ang chance na grab ang buhok niya habang hawak pa rin siya ni Kuya.
"Araw! Aray! Tama na!" Pakiusap niya, pero hindi ko pa rin siya tinigilan. "Kulang pa iyan! Lagi mo akong inaaway kahit wala naman akong ginagawa sa iyo, kaya kulang pa iyan! Heto pa!" Sabay hila ulit sa buhok niya na sinabayan ko ng suntok.
Napatigil lang ako nang marinig ko siyang umiiyak na, kaya naman sinabihan ko na si Kuya Ricky na pakawalan niya. Si Kuya naman ay nakangisi at patapon na binitawan yung pangit. Naawa ako sa sinapit niya, pero... kasalanan niya naman iyan! Hmp!
Agad na lumapit sa akin si Kuya at inakbayan ako. "Ito ang tatandaan mo, Cathy. Hindi habang-buhay ay nandito ako sa tabi mo, kaya kailangan mong ipagtanggol ang sarili mo. Nagkakaintindihan ba tayo?" Sabi sa akin ni Kuya. "Aye aye, Captain!" Agad kong sagot kay Kuya at sumaludo pa ako, dahilan para matawa siya at guluhin ang buhok ko.
"Tara, kain tayo sa Jollibee." Sabi niya. Si Kuya naman ay napangiti talaga ako ng maluwang. Ang bait kasi ni Kuya, hindi na nga siya pumasok sa trabaho niya tapos ililibre pa niya ako.
Napahawak at napaluhod na ako sa kabaong niya habang umiiyak. My voice was raspy and my hand was shaking as I held the mic.
"Sigurado ka ba talagang wala ka nang naiwanan?" Tanong sa akin ni Kuya. Nandito kami ngayon sa Cubao bus terminal dahil naghihintay kami ng bus ko papuntang Baguio. Doon kasi ang OJT ko. "Yes, Kuya, salamat sa pagdadala ng gamit ko ah. Sabi ko naman sa iyo, kaya ko na, eh, isang bag lang naman iyan, oh!" Sabi ko sa kanya. He messed up my hair again, which he always does dahil matangkad siya. "Silly, aalis ka na nga, ayan pa rin ang iniisip mo." Sabi niya sa akin.
Si Nanay ay nagbanyo habang ang iba ko namang kapatid, especially si Daryl, ay hindi na pinasama ni Nanay dahil baka umiyak na naman iyon at hindi na ako paalisin.
"Yung sinabi ko sa iyo, huwag mong kalimutan iyon." Sabi ulit sa akin ni Kuya, kaya naman napatingin ulit ako sa kanya habang nakangiti. "Kuya, ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na study first ako at wala akong oras para sa mga jowa-jowa na iyan?" Saad ko sa kanya kasi ilang beses niya na sa akin binabanggit yung paalala niya.
"Alam ko, pero hindi mo masasabi iyan dahil hindi ka pa kasi tinatamaan ng pag-ibig. At isa pa, hindi kita pinagbabawalan as long as may nagmamahal sa iyo na lalaki. Kailangan niyang patunayan sa iyo pati na rin sa amin ng pamilya mo. Cath, iba mag-isip ang mga lalaki kaya kahit ilang beses ko nang sinabi sa iyo ito ay sasabihin ko pa rin... huwag kang magtitiwala agad sa mga nanliligaw sa iyo. Nagkakaintindihan ba tayo?" Binanggit niya na naman yung linya niya, dahilan para mapasimangot na naman ako, pero deep inside, masaya ako dahil may overprotective akong Kuya.
"Yes. Yes." Sagot ko na lang at saktong dumating na si Nanay.
Hinding-hindi ko malilimutan sa utak at sa puso ko ang mga ginawa mo sa akin noon, Kuya. We will never forget you. Hanggang sa muli nating pagkikita." Pagtatapos sabay halik sa kabaong niya.
Hindi ko kayang pigilan ang luha ko dahil hindi ko talaga matanggap, pero kailangan. Sigurado akong nakangiti siya ngayon sa kalangitan habang pinapanood ako. Lagi siyang natatawa kapag umiiyak ako sa harapan niya. Ang pastor naming ay muling pumunta sa harapan at ako naman ay bumalik na sa kinauupuan ko. Pinagdadasal niya ang kuya. Matapos magdasal, ang mga panauhin naman naming ay nagsimula nang magsipili sa harap ng kabaong ng kuya habang may kanya-kanyang dala ng puting rosas. Kaming magkakapatid naman ay nagpahuli at sinadya kong ako mismo ang pinakahuli sa pila.
When I was about to drop the white rose, hinalikan ko muna ito. "Mahal na mahal kita, Kuya, kaya hindi ako titigil sa paghahanap ng walang hiya na pumatay sa iyo." Bulong ko sa rosas sabay hagis sa kabaong niya habang binababa na ito.
Nagsialisan na lahat ng mga nakilamay. Nakita ko ang mga pamangkin ko at si Kristel na magkakasama, pero hindi nakaligtas sa paningin ko ang dalawang tao sa likuran ng mga ito. Si Daryl at Kiefer. Bigla na lamang niyakap ni Daryl si Kiefer at inabot pa nito ang pisngi para halikan dahil matangkad ito bago umalis. Nangunot ang aking nuo dahil doon. Anong ibig sabihin non?
Tumingin akong muli sa kabaong ng kuya na sinisimulan nang tambakan ng lupa. Ngumiti ako bago ko nilisan ang tent at pumunta na sa mga kapatid at pamangkin ko.