X. HER VISITOR

2833 Words
"Bakit?" Tanong ko kay Jeremy habang nasa tawag pa rin kami nag-uusap. "May kailangan kang malaman tungkol sa—" Pero bigla na lamang naputol ang linya kaya hindi niya natuloy ang sasabihin niya. Anong kailangan kong malaman? Pagtingin ko sa phone ko, naputol na nga ang tawag. Ngunit maya-maya pa ay muli itong nag-ring. Agad kong sinagot ang tawag dahil ang kapatid kong bunso iyon. Si Daryl. "Bakit, Bebe?" Tanong ko agad sa phone. "Ate, may mga bagong bisita tapos hinahanap kayo ni Pastor." Sabi ni Daryl kasabay ng pagputol ng linya. Sasagot pa sana ako, kaso nga lang baka nagbabawas iyon kaya hindi ko na itinuloy. Nakaburol kasi si kuya sa bahay ngayon, at iniwan ko muna sila doon para asikasuhin ang kaso ng kuya. Hindi ako titigil hangga't hindi ko nahuhuli ang walang hiyang gumawa sa kuya ko ng ganoong bagay. Muli akong pumasok sa presinto at agad kong nakita si Nanay, at katulad kanina, matamlay na siya. Pero naisip ko agad ang sitwasyon namin ngayon. Namatayan siya ng anak, at simula ng mamatay ang kuya, unti-unti na rin siyang nagiging matamlay. Noong unang araw ng burol, umiiyak lang siya sa tabi ng kabaong ng kuya, habang ako naman ay nasa likod lang niya at umiiyak din. Pero noong araw na iyon, may humaplos sa batok ko kahit walang tao sa likod ko. Nagpaalam muna kami kay Kiefer at nagpasalamat na rin bago namin nilisan ang presinto. Wala kaming imikan ni Nanay habang nasa loob kami ng kotse at bumabyahe. Sino ba naman kasi ang makakapagsalita sa amin matapos ang nangyari doon sa presinto? Alam kong parehas kaming maraming tanong sa isipan namin tungkol sa mga nangyayari, pero sa ngayon ay kailangan ko munang asikasuhin ang burol sa bahay. At isa pa, sino kaya yung bagong bisitang sinasabi ni Daryl? Nang makarating kami sa bahay, agad akong nagbayad sa grab dahil si Inay ay lumabas na lamang kusa pagkatapos iparada ang sasakyan sa harap ng gate ng bahay namin. Nang makababa ako, natanaw ko agad ang mga kasamahan namin sa simbahan na nandoon sa labas ng bahay. May mga nakita pa akong kotse na nakapark sa harap ng puno ng balete, pero ang nakapukaw ng atensyon ko ay ang isang taong nakatayo sa ilalim ng puno ng balete. Nakasuot siya ng itim na hoodie pati na rin jeans. Pamilyar sa akin ang hoodie na ito. Nakayuko siya habang nagtitipa sa phone niya, pero nang umangat ang tingin niya, awtomatikong nagtagpo ang tingin namin at ganoon na lang muli ang pagsikdo ng galit at sakit sa dibdib ko dahil kilalang-kilala ko ang taong ito. The person who left me suddenly... si Raiko. Flashback... *Past... "Amber, are you sure okay lang sa ibang friends mo? Nahihiya ako eh!" Tanong ko kay Amber. Makikisama kasi ako sa bonding ng circle of friends nila. I don’t know, pero sobrang gaan talaga ng loob ko dito sa babaeng ito. Parang tunay ko talaga siyang kapatid. "Pang ilang beses mo nang tinanong yan, nakakaloka ka ah! Di ba sinabi ko na sa'yo na alam na nila, isasama nga kita?" Sabi naman nito, tapos hinila na ako papasok sa bahay ng classmate namin. "Teka, si kuya Ricky nasaan?" Maya-maya'y tanong niya. Imbis na sagutin siya, agad ko na lang inilibot ang paningin ko sa mga tao dito sa loob. Kasama namin si Kuya Ricky dahil nagbakasyon siya dito sa Baguio para naman makagala daw siya. Dapat nga hindi siya kasama sa birthday na ito, pero para na rin hindi ako paghinalaan nila Nanay, sinama ko na lang siya. Saktong tumapat ang paningin ko sa pintong pinasukan lang namin kanina, at iniluwa rin noon si Kuya Ricky. Nagtapat ang aming paningin at siya na mismo ang lumapit sa akin. "Saan ka ba galing?" Kuway tanong ko dito nung lumapit ito. "May tinignan lang ako sa labas." Sagot naman niya. Akala ko ay nawala na si Amber sa tabi ko, pero pagtingin ko dito ay nakanganga pala ito habang nakatingin sa kuya ko. Syempre kuya ko 'yan kaya gwapo 'yan. Crush kaya ni Amber 'yan. Natawa na lang ako ng saglit at nailing. "Besh, tumutulo na laway mo." Pagkasabing-pagkasabi ko noon, doon lamang siya natauhan at agad na nagpunas ng laway na akala mo naman talaga may tumulo. Nang mahulaan niyang niloloko ko lang siya, inirapan niya ako bago maglakad sa kung saan. Agad naman kaming sumunod. May mga nakabanggaan pa nga ako ng ibang tao pero hindi naman masyadong masakit. Nasa likod ko si Kuya Ricky. Habang naglalakad kami sa gitna, may sumalubong sa amin na lalaki. Nakasalamin. Siya si Jeremy Tobias. Ang may birthday at ang may-ari nitong bahay. "Finally, dumating rin kayo!" Bungad sa amin ni Jeremy at tinaas pa talaga ang dalawang kamay. Agad kaming pinakilala ni Amber kay Jeremy at nagkamayan kami, pero isa lang ang napansin ko. Habang nakikipagkamay kasi si Jeremy kay Kuya, hindi siya makatingin sa mukha ni Kuya Ricky na para bang isa itong multo. Matapos noon, sinabihan na lang kami ni Jeremy na dumiretso sa kusina dahil nandoon daw yung isa pa nilang kaibigan, si Raiko. "Anyare don?" Naguguluhang tanong ni Amber habang nakatingin sa likod ni Jeremy habang naglalakad ito papunta sa gitna ng mga taong nagsisiyahan. Obvious kasi na tila naging balisa si Jeremy. Nagkibit-balikat na lang din ako. "Kayo na lang ang pumunta sa kusina, Cath. Iihi lang ako, saan ba ang restroom nila dito?" Sabi ni Kuya Ricky sabay baling kay Amber. Agad namang tinuro ni Amber ang daanan papuntang restroom kaya naiwan lang kaming dalawa ni Amber at nagulat na lang ako dahil walang warning niyang hinila ang kamay ko papunta sa tinuturong kusina ni Jeremy. Pagkapasok namin, nakita namin ang maskuladong lalaki na nakatalikod sa gawi namin habang nakayuko. And wait nga! "Ahhh...m-more baby...uhmm...ahhh...you're so big..." Bakit may naririnig akong ungol ng babae? Don’t tell me... "Aray!" Daing nung lalaki dahil sa hindi ko malaman na dahilan, nandoon na si Amber sa tabi niya at walang babalang binatukan yung lalaki. "Hanggang dito talaga hindi mapipigilan yang libog mo!" Bulyaw sa kanya ni Amber. "Eh bakit ka nangbabatok?! Nag-eenjoy yung tao dito eh—" Tas napatingin sa gawi ko. Hindi ko alam ah, pero parang nag-slow motion ang lahat ng tumingin siya sa akin. Tas ako naman natulala din sa kanya. Kasi naman! Ang gwapo! Para siyang Koreano! "Baka naman matunaw si Cathy niyan Rai?" Doon na ako pinamulahan ng mukha at ako na mismo ang napaiwas ng tingin dahil sa sinabing iyon ni Amber. My god! Nakakahiya! "Hindi mo naman sinabi na kasama mo si Angel." Rinig kong sabi nito kay Amber, pero nang marinig ko ang last word niya, napatingin muli ako sa kanya. Sinong Angel? "Sinong Angel? Adik ka?" Tanong sa kanya ni Amber. Imbis na sagutin niya si Amber, tumingin muli siya sa akin tapos ngumiti. Ang gwapo! Maghunos-dili ka oy! Sigaw ng isang bahagi ng utak ko. Lumakad siya papunta sa akin at ayon na naman! Slow motion na naman! Ano bang nangyayari sa'yo, self?! "Hi! I am Raiko Sanchez!" Nakangiti niyang greet sa akin, tapos sabay lahad ng kamay. "C-Cathy Quezon." Sabi ko at nautal pa talaga ako, pero nakipag-shake hands din ako. "It's nice to meet an angel like you!" Walang kagatol-gatol niyang sabi sa akin kaya napayuko ako. Pinamulahan yata ako ng mukha because of those words! "Hoy! Hoy! Hoy! Tigilan mo yung bestfriend ko sa mga banat mo! Nandito kami para makikain, hmp!" Bulyaw muli sa kanya ni Amber, tas hinila na ako palabas ng kitchen. Doon lang ako nakahinga ng maluwag. What is happening to me? "Huwag mo na pansinin 'yon! Bolero lang 'yon." Sabi sa akin ni Amber. Napatango na lang ako sa kanya tas pinakilala niya na rin ako sa ibang friends nila. 3 years later... (N/A: Bilis di ba? HAHAHHAHAH) "I love you." Bulong niya sa akin matapos namin gawin ang bagay na iyon. Two years na kaming magkasintahan. Ang bilis nga naman ng panahon. Sinong mag-aakalang magiging boyfriend ko ang isang Raiko Sanchez? Ngayon ay ibinigay ko na ang sarili ko sa kanya ng buo dahil sa tagal ng pinagsamahan namin, masasabi kong siya na nga yung the one. (A/N: Ang korni HHAHAHHA) "I love you too." Sabi ko na lang, sabay siksik ang sarili ko sa katawan niya. "Sleep tight baby, I promise that I won't leave you." Bulong niya, pero rinig na rinig ko iyon. "Thank you." Tugon ko, pero hindi ko pinarinig sa kanya. Nakatulog kaming kayakap ang isa't isa. End of the flashback... "What are you doing here?" Walang gana kong tanong sa kanya. Nandito kami sa garden namin ngayon. I don't know kung paano niya nalaman na nandito ako, pero hindi na mahalaga iyon dahil hindi ko siya kailangan. Ayoko rin siyang makita ng pamilya ko, lalo na si Nanay. "Kamusta ka?" Imbis na sagutin, siya pa talaga ang nagtanong. Napatawa ako ng bahagya dahil doon. "As if naman na may pakialam ka, tssk." Sagot ko sa kanya ng pabalang. Akmang lalapit siya sa akin, pero agad akong umatras. "Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko, bakit ka nandito?" Medyo iritado kong tanong sa kanya. Alam kong sa sarili ko na hindi ko pa siya nakakalimutan, pero mas nanaig ang galit sa puso ko. "To see you." Sagot niya, at nakita ko sa mga mata niya ang pangungulila, pero tama na ang lokohan. Hindi na ako magpapauto sa mga salita niyang puro kaplastikan lang ang laman. "To see you?" Tapos tumawa ako ng bahagya. "Bakit? Dahil hindi ka pa tapos sa panggagago mo sa akin?" Sa tanong kong iyon, hindi ko maiwasan na makaramdam ng kirot sa dibdib ko. Unti-unti na namang bumalik sa alaala ko ang nangyari noong araw na iyon. Flashback... Nagising ako dahil may naririnig akong nagsasalita. Pagmulat ko, wala na si Raiko sa tabi ko. Napabangon na lamang ako dahil may naririnig talaga akong nagsasalita. Hindi ko na nagawang magsalita dahil mas nanaig sa akin ang pakinggan ang nagsasalita. Kasalanan ito ni Amber eh! Nahawa na tuloy ako sa pagiging tsismosa noon. Since nakaawang naman ang pintuan ng kaunti, sumilip ako doon. Namataan ko si Raiko na may kausap sa phone. Hindi ko naman maiwasang magduda dahil alam kong madaling araw pa lang at ang aga naman yata ng trabaho niya. Napangiti na lang ako at akmang ibubuka ko na ang pinto at pupunta sa kanya para yakapin sana siya nang marinig ko ang mga salitang binitawan niya na sumaksak ng ilang libong beses sa puso ko. "Oo baby, sorry na, pero don't worry babalik na din ako dyan sa Laguna. Alam mo namang gagawin ko ang lahat para sa iyo, di ba?" Kusang tumulo ang luha ko dahil doon. Naalarma ako dahil tapos na siya sa tawagan niya kaya nagpunas ako ng mga luha ko at nagmadaling bumalik sa kama. All this time, Raiko, niloloko mo lang pala ako? Nangako ka na you won't leave, pero ano 'yon? Ang sakit! I hate you, Raiko. End of the flashback... Hindi ko na napigilan at tumulo na ang mga luha ko, pero agad ko iyong pinunasan. Hindi siya worth it para iyakan. Pero mahal mo siya, di ba? Tanong ng isang bahagi ng utak ko, pero hindi ko na lang pinansin ang thought na iyon. Nagising na ako sa katangahan ko at hindi na ako magpapadala sa mga sasabihin, puro kasinungalingan lang ang laman. Hindi niya rin dapat malaman na may anak kami. Kaya kong palakihin ang anak ko mag-isa. "Umalis ka na, at sana huwag ka na magpakita pa," sabi ko sa kanya. "Hindi mo ako naiintindihan, Love. Hayaan mong magpaliwanag ako!" Pigil niya sa akin, pero nang marinig ko ang endearment na iyon, lalong nabuhay ang galit sa puso ko. "Wala kang karapatan na tawagin ako ng ganyan, at anong paliwanag? Sapat na ang narinig ko noong araw na iyon, Raiko. Hindi ako bingi, at lalong hindi ako tanga para hindi maintindihan iyon." Bulyaw ko sa kanya. Nakita ko sa mata niya na parang nasaktan siya sa mga sinabi ko. Tssk, siya pa talaga ang nasaktan, ah? Ang kapal ng mukha niya. "Umalis ka na," pagtataboy ko sa kanya. "Babalik ako, Love. Kailangan kitang protektahan." Hindi ko alam, pero parang may nabuong pag-asa sa puso ko sa sinabi niyang iyon, pero hindi. At protektahan? Saan niya ako poprotektahan gayong siya mismo itong nagwasak sa puso ko? Tama na ang katangahan, Cathy. Gumising ka na sa kabobohan mo. Pagsaway ko sa sarili ko. "Wala ka nang dapat balikan." Malamig na sabi ko sa kanya bago ko siya tinalikuran at muling pumasok sa bahay. "Ate," tawag sa akin ni Daryl. "Hmm?" Nandito ako ngayon sa kusina, naghuhugas ng mga pinggan. Si Daryl naman ang nagpupunas ng mga pinggan tapos ilalagay sa platuhan. "Sino 'yung kausap mo sa labas kanina?" Natigilan ako sa tanong niya, pero saglit lang at nagpatuloy ako sa paghuhugas ng pinggan. "Kaibigan ko lang," sagot ko sa kanya sabay abot ng plato. "Bakit hindi mo man lang pinapasok para makakain? Sayang naman pagpunta niya dito," sabi niya dahilan para mairita ako. Pero hindi niya na dapat malaman. At isa pa, walang kinalaman si Daryl, kaya hindi ko dapat idamay ang kapatid ko sa problema namin. "Takot 'yon sa patay, tsaka sumaglit lang naman 'yon dito kasi nagpaalam na babalik na sa kanila," pagsisinungaling ko. "Kumain na ba si Nanay?" Pag-iiba ko ng usapan dahil matanong pa naman ito at baka lalo lang akong mairita kapag nagtanong pa ito patungkol sa lalaking iyon. "Lumabas siya, then kumuha lang ng pagkain nung may kinakausap ka sa labas, tapos pumasok din, hindi nga ako pinansin, eh." Sabi niya at naramdaman ko 'yung lungkot niya ng sabihin niyang hindi siya pinansin ni Nanay. "Hayaan mo na 'yan, pagpasensyahan mo na lang, bebe," sabi ko sa kanya tapos ginulo ang buhok niya. Nang matapos kami sa mga gawain sa kusina, sabay na kaming lumabas ng kusina. May mga bumati sa akin at nagsabing nakikiramay sila, na tinugunan ko naman. May dumating na bagong makikiramay na naman. Last day na kasi ng lamay ngayon dahil bukas ay libing na ni kuya. Masakit man isipin, pero wala na akong magagawa, pero hindi ako titigil hangga't hindi ko nalalaman ang tunay na salarin. Nakita kong may kausap sa phone si Daryl. "Really? Where are you?" Rinig kong tanong niya sa kausap niya sa phone. "Sige, sige, I'm coming!" Sabi pa niya, tapos agarang lumabas. "Tita Cathy, may nagpapabigay po pala ng abuloy." Si Michael sabay abot sa akin ng isang sobre. Si Angel naman ay nakaupo lang sa isang upuan sa gilid. Si Miguel naman ay nakikipag-usap sa ibang bisita. Himala yata na hindi ko nakita ang dalawa kong kapatid at si Daryl lang ang nakita ko ngayong araw? Di bale, lalabas din 'yang mga 'yan. "Kanino galing?" Tanong ko kay Michael. "Hindi niya po sinabi 'yung pangalan niya, eh, pero kilala niya daw po kayo," sagot naman nito kaya hindi ko maiwasang pangunutan ng noo. "Sige, sige, anong oras pala kayo aalis pagkatapos ng libing?" Pag-iiba ko ng usapan. "Pagkatapos na pagkatapos po ng libing, tita." "Sige, pasensya na. Naibayad sa iba pang bayarin ang pera, tapos 'yung pagpapalibing pa, kaya hindi ko na kayo mabibigyan ng pamasahe," sabi ko dito. "Ayos lang po, tita," sabi nito tapos tumalima na. Mabuti na lang at maunawain ang mga pamangkin ko. Itinabi ko na lang muna ang sobre sa bulsa ko at sinundan si Daryl sa labas, pero hindi na pala kailangan dahil nandiyan na siya sa pinto kasama ang isang babaeng parang teenager at ang amo ng mukha. Morena. Nakasuot siya ng itim na dress at itim na sandals. "Ate, si Ecy nga pala. Siya 'yung bestfriend ko when I was studying in Sagad High School. Ecy, si ate Cath." Pakilala nito, pero parang may sumagi na alaala sa isip ko nang marinig ko ang Sagad High School. "Promise na kahit anong mangyari, I will be there for you!" "Promise 'yan, ah. Sige, I'm always here for you din no matter what." "Decelyn Sarmiento po pala. Nice to meet you po," sabi nung Decelyn sabay bow. Japanese? "Nice to meet you din. Hala, pakainin mo muna 'yan, Daryl." Sabi ko kay Daryl. Tumango naman ito. Pumunta silang dalawa sa kabaong ni kuya para tumingin. Ako naman ay pumunta sa kwarto ni Kristel at sinabing siya muna ang tumulong sa baba dahil magpapahinga muna ako, at agad naman tumalima si Kristel kaya pumunta na ako sa kwarto ko, pero nung madaanan ko ang kwarto ni kuya Ryan, nakaramdam muli ako ng humaplos sa batok ko at nagsitaasan bigla ang mga balahibo ko. Hindi ko na lamang pinansin iyon. Siguro dala lang 'yon ng pagod. Pero pagkapasok na pagkapasok ko sa kwarto ko, nahilo ako bigla at naduduwal. Agaran akong pumunta sa banyo. May kanya-kanyang banyo ang kwarto namin kaya hindi ko na kailangan makibanyo sa baba. Patuloy lang ako sa pagsusuka kahit wala naman akong maisusuka. Buti na lang hindi ako inabutan ng pagduduwal ko sa labas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD