Totoo nga ang mga nakakakilabot na pangyayari sa dormitel. Madalas akong magkulong sa kwarto at mahuli na umakyat. Nang maramdaman at mapagtanto ang mga bagay na iyon, dahil na rin sa mga ekwentro ng iba ay medyo bumalik ako sa dati. Naging maayos talaga ako ng ang grupo ko ay muling na-assigned sa buong activity. Kakarating lamang namin sa dormitel at sa paggising namin matapos magpahinga. Imbes na live drama ang gagawin namin ay kailangan namin na mag-video. Naging impromptu nga ang lahat. Kaagad umandar ang aking utak para sa aming script. Sa hapon na iyun hanggang gabi ay kaagad kaming nag-shoot. Kailangan kasi bukas na kami sasalang at mamalengke pa kami para sa pagkain. Ako ang writer, ang editor, ang director at minsan ay cameraman. Ako na rin ang naging lead actor. Baliw-baliwan

