KABANATA 001: DANIEL MONTEFALCO
He’s into him!
Say you won’t let go.
Always a sad story.
Hello, this is Daniel Montefalco, an ugly stupid kid! Meaning to say I’m still innocent, single and virgin. You can call me, Lint!
Who would you choose to stay in your life? Your bestfriend or your boyfriend? What if you’ve realized that you’re just an author in once upon a time that you used to be your happily ever after as a main cast?
Welcome, to the Myth of Baba!
I had a lot of experience trials and explosive tragedies and extreme treasures. I grew up in my grandmother side because of being a broken family. Nag-ibang bansa kasi ang aking nanay at nag-ibang bahay naman ang aking tatay. We all know it’s just a normal and natural case and always a cause of nightmares. Because of everything I am aloof to everyone and rise up with a different standpoint in life.
“Lola, aalis na po ako!”
Ang lola ko lang ang kausap ko sa bahay. Kinakausap ko lang kapag kailangan kong pera at kapag aalis ako ng bahay. I’d never try to eat with my family, minsan, once in a blue moon siguro. Despite of dramas, I didn’t waste my times for studying. But someone changed me and another someone made be better and stronger but it kills internally me after all.
I’m doing to write this mentality crap love story to share and to inspired you. Oh, hindi pala pagka’t puno nang katangahan at kabobohan sa pag-ibig ang kwentong ito. Ang buong kwento ay tungkol lang naman sa unang friendship ko at unang relationship ko.
I will allow you all to do judge me but with justice not with joke!
Magsimula muna tayo sa unang araw ko bilang isang high school student. Kung saan sa aking pagpasok sa aming silid-aralan ay nabighani ako sa isang napakagandang dalagita na nakaupo sa isang tabi. Siya ay nakasuot ng dilaw na damit habang hawak ang isang panyo. Ako nga ay mayroon nang paghanga sa kaniya at gusto ko na siyang maging katipan.
Ngunit anong alam ko sa pagiging isang manliligaw?
“Hi!”
Ako ay sobrang bata pa at pag-aaral lang nang mabuti ang nasa isip. Ngunit sa unang araw ay tinukso na ako ng aking dalawang kaibigan mula sa elementarya na ako ay isang bakla. Hindi ako bakla!
“Mag-ingat kayo kay Daniel, bakla iyan siya!” Sambit ng aking kaibigan at napaupo lang ako dahil sa pagdududa.
Katabi ko na ang magiging una kong kasintahan at unang babae na nagpakilig sa akin. Ang kanyang buong pangalan ay Katarina Leon. Ngunit dumaan ang mga araw at kami ay naging matalik lang na magkaibigan.
Sa tuwing pinapaiyak ako sa klase ay siya ang tinatawag pagka’t alam ng lahat na may paghanga ako sa kanya. “Oh, huwag ka nang umiyak!”
Isang araw nga ay nanghihingi siya ng piso para makabili ng cold water ngunit madamot ako. E kasi naman fifty pesos lang ang baon ko sa buong araw at kung may maiiwan pa ako roon ay ibinabalik ko sa akin lola. Hindi kalaunan ay nahimatay siya sa aking harapan at walang nagawa ang tulad kong patpatin.
“Kasalanan mo talaga kapag mawalan ako ng malay,” salaysay niya nang paulit-ulit bago humandusay sa akin harapa at tumawag ako ng tulong.
May araw din na dalawa lang kami sa silid at sabay na naglilinis. Naghabulan kami hanggang sa magkapatong kaming nadulas. Nagkatitigan kami hanggang sa dumating ang school motor.
Subalit siya ay niligawan at napasagot ng ibang lalaki pagka’t ako ay mahina. Iyon ang iilan sa hindi ko malimutan na pagkakataong siya ay aking kasama. Siya lang din ang tanging nagbigay sa akin ng regalo noong graduation naming. Magpahanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang paghanga ko sa kaniya. Hindi naman iyon maitatago kung kaya’t siya ang panimula nang kwentong ito.
Ang mga aking unang yapak at unang tapak sa hallway patungong gusali kung saan ako matuto tungkol sa programang nursing ay tandang-tanda ko rin. Oo, nursing ang course na napili ko este napili ng aking nanay. Wala akong gusto pa na maging! Hindi rin ako satisfied sa learnings ko right now!
Ayun nga, habang naglalakad ako ay nagkaroon ako nang mga goal sa aking buhay.
I need to maintain my grades, syempre muntik nang maging high school valedictorian ang inyong bida.
I need to make friends not one, not two but many. Eh, kasi po wala akong friends nang dahil sa pagiging top ko. I hated copying on notes and cheating! I’m too honest.
At panghuli kong goal ay walang kwenta.
Opo, walang kwenta! Ngunit hindi ko inaasahan na magiging dahilan iyon para ako ay magbago. Iyon ay ang makahanap ako ng tao na tutulong sa akin upang makalimutan si Katarina. Ang ultimate crush ko sa first day of class pa lang namin noong high school, inulit ko lang. Siya pa lang talaga ang babaeng kinababaliwan ko.
Actually, tatlo na sila ngunit siya ang first. Sa kasawiang-palad po ay buntis na po siya ngayon, mutual understanding pa naman kami. Hindi pa tayo nagsisimula ngunit masakit na talaga ang nararamdaman ko.
“Saan po ang NB1?” Katanungan ko sa isang lalaki at kaagad naman itinuro ang sild sa ikalawang palapag ng gusali.
Ako ay nagpatuloy sa paglalakad patungo sa nasabing silid-aralan at hindi ko inaasahan na makakasabay ko sa pagpasok ang aming magiging professor. Ang taong magpapahirap sa aming buhay ngunit papahirapan ko rin siya. Nabanggit ko po siya kasi unang araw pa lang nang klase ay may inaakbayan siyang dalawa na lalaki. Opo, nakakatakot siya kasi po parang nangangain ng students sa halagang wampipti.
Nang makapasok ako sa silid ay hinanap ko na ang aking kaibigan na si Divina Gracia Manuela pero Digra ang tawag ko sa kaniya. Siya ang pinakamatalik kong kaibigan noong high school, tanging kaibigan at bestfriends talaga kami kaya same kami ng course. Siya ay inutusan kong hanapan ako ng bakanteng upuan pagka’t ako ay nahuli sa klase.
“Lint, may bakante pa roon,” at napatingin ako sa isang bakanteng upuan matapos itong ituro ng kanyang kaliwang kamay.
Isang bakanteng upuan sa pagitan ng dalawang tao. Isa babaeng nakakwelyo na siyang nakaupo sa kaliwa at isang lalaking nakasout naamn ng kulay bughaw sa kanan. Natatandaan ko pa ang kanyang suot.
Teka, lalaki?
Pasensiya pagka’t ako po ay isang dukhang judgmental!
Ang pangit nga nang wangis ng babae at parang tomboy. Kahit sobrang pangit, dugyot at baho ko po ay nasabi kong pangit siya. Hindi po ako marunong manamit nang maayos at kahit hindi ninyo po ako amuyin ay mukha akong mabaho. Kaya nga siguro ay hindi nagustuhan ni crush ang matalinong katulad ko.
I’m super totally judgmental pa!
“I’m Daniel Montefalco, from Pedtad, Kabacan, Cotabato, and for me nurse is assistant of a doctor,” pagpapakilala ko at pagpapaliwanag kung ano ang isang nurse. Partida, nagresearch pa ako. Maling-mali ang sagot ko kasi wala akong pakialam sa course ko.
Sa araw na iyon ay nakilala ko ang mga taong magiging kasama ko sa loob ng apat na taon.
“Ako po si Clita Morgan. . .” pagpapakilala ng babaeng katabi ko. Ang lalaki naman na aking naging matalik na kaibigan ay nagpakilalang si, “James Grey po ang aking pangalan.”
Maliban sa kanilang tatlo ay nagkaroon pa ako ng maraming kaibigan na siyang makilala ninyo sa susunod na mga kabanata at silang may kinalaman sa aking punto sa kwentong ito. Bukod sa maraming kaibigan ay marami din akong naging kaaway dahil sa advocacy ko na bawal ang kopyahan o ang kodigo.
“Hello classmates, Kokoy Balesteros nga po pala!” Isa sa mga una kong kaaway sa usaping pag-aaral na may itsura.
Ako ay biglang napaisip na parang magkapareho nang scenario ang pagtatagpo namin ni Katarina at ang pagtatagpo naming ni James. Ibig kong sabihin ay seatmate tapos naalala ko ang suot nila. Hindi kami magiging talo ng lalaking iyon pagka’t babae ang nasa aking goal. Nagkataon lamang na ganoon ang aming pagkikita at hindi maaring si Clita ang the one.
Hindi!
Isa pa ay napatibok ni Katarina ang aking puso habang si James ay aking hinusgahan sa una. Bakit nga rin kasi ako nagpapaliwanag pa?
And if you want to know me well then explore this novel until the last page and be my lady.