Happy Freshmen Day!
Where everyone is still virgin, innocent and don’t know how to f**k.
Ako ay nag-aaral dito sa University of Southern Mindanao kung saan ito ay nahahati sa labing isang colleges. Ang tawag sa college kung saan nabibilang ang nursing, midwifery at pharmacy ay College of Health and Sciences. Sa kasalukuyan ay dalawang section ang nursing, isa ang sa midwifery at wala na sigurong pharmacy.
Ngayong araw ay magaganap ang aming freshmen kung saan may magaganap na patimpalak. CHS Mr. & Ms. Freshmen! Ang bawat baitang ay may representative at ang tatanghalin ay sasabak para sa Freshmen Day ng buong unibersidad.
“Lakas mong maka-one piece,” pang-aasar ng aking mga kaklase.
Ang lahat ay nasasabik at naghanda ng kanilang kasuotan na siyang naayon sa tema na K-pop ngunit Japan nga ako. Isang hood kasi na one piece ang suot ko. Alam ninyo bang pagmamay-ari pa ng pinsan ko? Hindi ko pa kasi kayang bumili ng sarili kong kasuotan.
Isa sa aking mga naging unang kaibigan ay si Cassy Diwa na labis ang pagkasabik sa araw na ito. Ang kalahok na lalaki sa isang baitan ng Nursing ay crush na crush niya. Ngunit wala akong pakialam pagka’t abala kami sa pagsuporta ng aming kandidato.
Ilang sandali pa ay napuno na ang audio visual room ng college. Hindi kalaunan ay nagsimula na ang okasyon. Agaw-atensyon ang intermission number ng bawat section. Hanggang sa lumabas ang mga kalahok para magpakilala.
“Go, section A!!!”
Ang lakas nang sigawan para sa mga kandidata hanggang sa lumabas na rin ang mga kakalakihan. Naunang naglakad ang pambato ng aming section hanggang sa maging agaw-pansin ang ikalawang kalahok. Ang lahat ay nagsigawan nang dahil sa mga ngiti at abs niya.
“I love you, crush!!!” Hindi mapigil ni Cassy ang kaniyang kilig.
Habang ako ay napapatanong kung bakit ganoon na lang ang kanilang reaksyon. Napatingin ako sa ikalawang kalahok at hindi talaga nawawala ang mga kontrabida.
“Nahihiya siyang kandidato, sana ay hindi na sumali pa,” opinion ng iilan.
Ako ay naging sang-ayon pagka’t ako ay nagagalit at naiinis na lang sa kaniya. Kahit ang kaniyang pangalan ay hindi ko nalaman nang dahil sa utal-utal niyang pagpapakilala. Kahit ang pangit ko ay hindi ako maiingit sa kaniya basta ay nakakainis siya.
Ang kaganapan sa aming college ay nagtapos din. Syempre ang nanalo ay ang representative ng aming section. Nagbunyi kami!
Lumipas ang ilang buwan at isang okasyon na naman ang magaganap.
Acquaintance Party!
Where everyone is still stranger to each other, time to have picture with your crush and a little bit exposure of talent and beauty.
Ito na nga ang panget ko po at ang panget pa nang kasuotan ko pagka’t ako ay sobrang payat. Ang venue ng party ay sa Waterland Resort na super affordable tourist spot para sa aming contented. Hindi naman iyun para sa mayaman kundi para sa mamamayan. Ang pinamalapit na resort sa aming bayan. Ako ay hinatid patungo roon at kasama kong tumuloy sa loob ang iilan sa aking mga kaibigan.
Maging sa Mr. CHS ay napansin ang crush ni Cassy at ako ay naiinis nang hindi ko alam. Hindi ko naman talaga sinasabing may inggit ako sa kaniya. Hindi ko alam ang aking tunay na rason. Naging masaya ang party nang dahil sa mga pakulo at pagkain na pinangunahan ng aming mga kuya at mga ate sa higher years.
Ako nga pala ay may dalang camera kung saan nagpapicture na ako sa lahat ng kaibigan ko. Ngunit hindi maaring matapos ang araw nang hindi ako nakakapapicture sa aking idol na kuya sa ikatlong taon. Siya ay si Chino Mejia na ipinangkukutya sa akin ng aking mga kaklase. Siya raw ay aking crush. Hindi maari! Siya kasi iyung lalaki na napagtanungan ko ng room. Ngunit natapos na ang event at nagsi-uwian na ang marami ngunit hindi pa rin nangyayari ang aking nais.
Nang dahil sa pangungulit ko sa kaklase kong si Faith Cassandra ay natupad ang aking nais.
“Friend, picturan mo kami ni Kuya Chino!”
“Ako ang bahala sa’yo my friend,” at nilapitan na namin ang aking idolo. “Kuya, pwede raw po bang magpapicture sa’yo?”
Ako nga ay natulungan ni Faith na magkaroon nang larawan kasama ang aking idolo. Matapos ang naging picture taking ay kaagad na akong umalis sa lugar. Ayaw kong ako ay mapagtripan pa.
Sa aking paglabas ng resort ay kadiliman ang naghihintay. Ang aking sundo ay hindi pa dumarating. Nagagalit na ako at hindi naiisip na galing pa iyun ng bukid-bundok tapos ay sobrang dilim na. Hawak ko ang aking camera habang nakatayo sa gilid. Pinagmamasdan ko ang mga larawan pagka’t wala akong load.
Nililibang ang sarili sa isang tabi.
Ilang sandali pa ay nagulat ako nang ako ay lapitan at tanungin ng isang lalaki.
“May mauuwian ka ba?”
“Hinihintay ko lang ang sundo ko,” sagot ko habang nabibigla pa rin pagka’t hindi kami close.
Nagdulot ang unang pag-uusap namin upang maging iba ang tingin ko para sa kaniya dahil sa kaniyang pagtatanong tungkol sa aking kalagayan.
“Sige, ingat ka! Mauuna na kami sa’yo,” napaalam pa hanggang sa nakangiting sumakay sa tricycle.
Mabait pala ang tao na aking kinaiinisan nang hindi ko alam ang dahilan.
I met you in the dark.
Kinabukasan nang buksan ko ang aking mobile data upang mag-f*******:.
“Onse Cassanova sent you a friend request!”
Hindi ko inaasahan na magkakaroon ako nang notification na ganoon. Kaagad ko naman tinanggap ang kaniyang friend request. Parang nawala na kasi talaga ang inis ko sa lalaking iyon. Nalaman ko rin na isa siyang relihiyosong tao at parating may kwentas na rosaryo.
Ako naman ang tao na hindi nagsisimba dahil sa maaring nahihiya ako o walang nagtuturo sa akin. Gusto kong mapalapit sa diyos kaya biglang sumagi sa aking isipan na maaring matulugan ako ng lalaking iyon. Ngunit hindi pa ako handang maging isang makadiyos.
Ako ay maagang dumarating sa aming college dahil nga sa malayo ang aming bahay. Early bird kaya parating nagmumuni-muni. Iisang bayan lang ang aking pinag-aaralan sa aming tirahan ngunit papasok mismo ito. Sabihin na natin na ako ay nakatira sa bundok o sa bukid.
Sa mga sumunod na araw ay hindi napigilan ni Caasy ang kaniyang kasiyahan. Malayo pa lamang siya ay ipinangalandakan na niyang mayroon siyang larawan kasama ang kaniyang crush noong acquaintance. Akala mo kung nanalo sa lotto!
“Ang saya-saya ko talaga! Ang gwapo niya! Ang mga labi at dimples niya. At saka mga classmates, sobrang bagay na bagay kami!” Mga salaysay ni Ms. Diwa habang ipinapakita ang soft copy ng kanilang picture.
“Patingin nga!” Sabi ko sabay abot nang larawan sa akin. “Eh, mas mukha kayong mag-nanay!”
Ang lahat ay tumawa dahil sa aking pang-aasar kay Cassy.
“Mr. Montefalco!!!” Sigaw niya pagkatapos ay tumakbo ako sa pasilyo ng ikalawang palapag hanggang sa hagdan pababa dahil nga sa napikon ko siya.
Subalit kami ni Cassy ay lubos nang malapit sa isa’t isa kaya hindi niya naman lubos na dinibdib ang aking pagbibiro.
Isang gabi nang pagtripan ko pa siyang muli habang ako ay nasa bahay. Gusto ko siyang pagtripan pa tungkol sa kaniyang crush. Kinuha ko ang aking phone upang siya ay i-text.
“May number na ako ng crush mo!”
“Paano ako maniniwala sa’yo?”
“I-text mo ang number niya sa akin para maikumpara ko kung parehas ba,” at ako ay tawang-tawa kasi syempre matagal na niyang nanakaw ang number ng kaniyang crush.
Wala pang isang minuto ay lalo pa akong tawang-tawa upang ipaalam sa aking kaibigan na ang bobo niya. Ang tanga niya kasi matapos ibigay ang phone number ng kaniyang crush. Ayun, kinabukasan sa college namin ay napagtripan ko na naman siya. Ipinaalam ko ang kabobohan ng aking kaibigan na baliw sa kaniyang crush.
Nakuha ko tuloy ang numero!
Hanggang sa hindi ko iisipin na ako pala ay maiisahan.
“Para-paraan ka Daniel,” sabi ng isa sa mga kaklase namin matapos kong makuha ko ang number ng crush ni Cassy.
Hindi ako makapagsalita pagka’t wala iyun sa aking isipan kahit naka-saved na sa contacts ko.
Ako nga ang nabully!
Mahilig akong makipagtext ngunit never akong sumasagot nang tawag. Halimbawa na lamang sa pamilya. Ako ay naglalaho kapag nais akong kausapin ng aking nanay.
“Pwede pakausap kay datu?” Nais ng nanay ko tuwing tumatawag ngunit nagtatago nga ako.
Medyo traumatized kasi ako sa tuwing tatawag ang nanay ko noong ako ay maliit pa. Hindi ko sinasagot ang tawag niya kapag gusto niya akong kausap. Naiinis ako sa mga tao sa aming bahay.
Nais ko pong linawin na hindi ito family story kaya back to topic!
Halos araw-araw akong mag-text as a group message sa lahat ng nasa contacts ko. Madalas nga laman ng group messages ko ang kaklase kong maganda na si Joda Riche at si Nora Amigo na maganda rin pero may nonal sa mukha. Medyo crush ko kasi silang dalawa kaya katulad ni Katarina ay napalapit ako sa dalawa bilang kaibigan. Kaya hindi totoo na gusto kong makuha ang number ng crush ni Cassy.
Best day ever, pinansin ako ni Crush! #JODARICHE!
Ngunit madalas mag-reply ang crush ni Cassy sa mga group messages kong walang kwenta kaya minsan ay texting kami. Ang totoo ay nag-sent message talaga ako sa kaniya after maibigay ng kaibigan ko sa gabing iyon ang number niya. Hindi ko na maalala kung anong nasabi ko basta ay napangiti ako.
Ako ay aminadong naguguluhan sa tuwing nakikita o naiisip ko si Enrique Cassanova o si Onse.
“So, anong ulam ninyo ngayon?” Tanong niya sa akin at pwede ko bang sabihin na asin?
Mukhang may kaya pa naman ang kaniyang pamilya.