KABANATA 003: STRANGER ENEMIES

1550 Words
Buwan ng Wika! Kahit malayo ang aming bahay at pahirapan sa pagsakay ay hindi ako nagpapaliban sa anumang kaganapan sa aming university Ang okasyon na nabanggit ay nangyari sa Municapal Gym kung saan ako ay mag-isang nanonoond ng pageant. Nakaupo ako sa isang tabi upang tapusin ang lahat nang nangyayari. Ako ay isang ulirang student eh! Lagpas alas-kwatro nang matapos ang event nang ako ay mapangiti pagka’t may nakita akong kakilala ko. Hindi ko kasi alam kung nasaan ang mga kaklase ko. Ang tatatamad na mag-attend ng mga events! “Sinong kasama mo Mr. Montefalco?” Katanungan ni Mr. Cassanova nang kami ay magkita at kaagad na siyang tumungo sa pwesto. Ilang sandali lang ay muli ko siyang nakita habang paalis na sa gym. Ngunit ako ay nagtataka sa nasisilayan ng aking mga mata. May kasama siyang lalaki habang sila ay magkahawak-kamay sa harap ng maraming tao. Nagmadali silang dalawa habang ako naman ay umalis na rin upang maghanap nang masasakyan pauwi. Nang dahil sa aking pagkabagot sa paghihintay nang masasakyan ay gumawa ako ng group message. GOOD AFTERNOON, EVERBODY! BREAKING NEWS, MAY DAPAT KAYONG MALAMAN. SI ENRIQUE CASSANOVA AY ISANG BAKLA! #GM #SHOCKED #CONFIRMED! Ang alam ko lang sa mga oras na iyon ay muli akong nagalit sa kaniya. Nang magkita kami ni Cassy ay hindi siya naniwala sa akin. Wala raw katotohanan ang aking mga nakita dahil sa relihiyoso si Onse. Naging masama nga ako pagka’t nakikialam ako ng buhay. “Daniel, wala kang karapatan na siraan ang tao dahil wala kang patunay,” sabi ng isa kong kaklase. “Ngunit nakita ng aking dalawang mga mata.” “Hindi kayo magkakilala kaya habang maaga pa ay tigilan mo ang ugali mong ganiyan at isa pa ay huwag mo na kaming isali sa mga group messages mong immature!” Matapos ang unang semester ay nagkaisa kaming magkakaklase na mag-outing. Malapit lang naman sa aming university. Ayaw pa nila akong ipasama dahil nga sa anti-kodigo ako. “Isasama ba natin si Montefalco? Baka pati iyun ay magiging isyu pa!” Katanungan ni Kokoy ngunit sasama ako. Section A bonding ang usapan e! Ako naman itong gusto talagang magkaroon nang kaibigan kahit maraming kaaway. Nahati sa tatlong grupo ang aming section upang magdala ng kaniya-kaniyang pagkain. Sa Plang Village kami nagtungo ni Cassy kung saan nananatili ang magpinsan na sina Freya Mendoza at Liel Alcala. Walking distance lang sa Nursing building ang bahay ng kanilang lolo. Kasama pa namin sina James Grey, Jamina Abejar, Issah Santos, Nora Amigo, Junjun Martinez, ang kaklase ko sa high school na si Taylor Atayde at ang bago sa grupong sina Heraya Madis at Aira Hermosa. Ito ay aking isinali pagka’t dito nagsimulang mabuo ang aming barkadahan na Koshi. Malamang sa malamang ay mababanggit ko nang paulit-ulit ang barkadang ito kaya mas mabuti nang malinaw. Naging masaya ang aming outing kahit iilan lang ang nagpunta. Nagkaroon na talaga ako ng maraming kaibigan. Sa paglipas ng mga araw ay sumapit ang kaarawan ng aming kolehiyo. CHS Foundation Day! Ang dami talagang kaganapan sa aming batch. Ang pagdiriwang ng aming college ay nagsimula nang maaga para maisagawa ang parada. Naging makulay at masaya ang selebrasyon. Natapos iyon ng madaling gabi nang dahil sa may foam party pa ta siyang nagpasaya sa amin. “Guys, pigilan ninyo sina James dahil baka malunod sa bola!” At nagtawanan kaming lahat. Nalaman namin na magaling palang sumayaw si James at si Faith na ang mga mukha ay sunog na dahil sa chlorine ng bola. “Pwede ba kaming makitulog sa inyo, Freya?” “Anytime!” Dahil sa gabi na nga kami nakauwi ay tumuloy kami sa bahay nila Freya. Ang buong Koshi maliban kay Heraya, kay Cassy at kay Aira ngunit may bago kaming kasama. Si Prince Lopez na aking nakatabi at sa kalagitnaan nang mahimbing na tulog ng lahat ay dumikit ang notch ko sa kaniyang hita. Ngunit maaring normal lamang iyon katulad sa unang pakikitulog ko rito kung saan magkatabi kami na Liel ay siya naman ang dumikit. Pangalawang pakikitulog ko na talaga rito kasi mabait ang magpinsan. Ako ay maagang umuwi pagka’t malayo pa ang aming bahay. Mag-isa akong naglakad patungo sa gate ng Plang ngunit may mga aso. Hanggang sa mabuti na lamang at may dumating. Si Onse na may kasamang panibagong lalaki na halatang nakitulog sa kaniyang boarding house. Hindi ako sigurado kung bago ba ngunit ngayon ko lamang nakita ang wangis. “Babe, si Daniel Montefalco!” Ako ay nagtatakang ipinakilala niya ako sa kaniyang kasama na bagong gising. Ngunit tama bang marinig ko ang kaniyang tawag? Muli kong ipinagkalat ang aking nakita na siyang at hindi pa rin naniniwala ang kaibigan kong si Cassy. GOOD MORNING, EVERBODY! BREAKING NEWS! NAKITA KO NA NAMAN SI ENRIQUE CASSANOVA WITH ANOTHER GUY! SINO NGAYON ANG STORYMAKER? #GM #SHOCKED #CONFIRMED! “Hindi bakla ang crush ko,” pagtanggi ni Cassy ngunit wala naman akong sinasabing ganoon. “Sige, sana lang!” “Nahahalata ka na namin,” sabi niya nang nakangiti at medyo nainis ako. Hanggang sa isang araw habang naglalakad kami ni Cassy kasama ang kaklase pa namin na si Amy Aragon sa highway. Nanggaling kasi kami sa isang store nang matanaw ko sa harap ng supermarket si Onse. Hindi ako makapaniwala sa aking nakikita. Bakit parati kong nakikita ang mga pagtatagpong ganito? “Cassy, ngayon mo sabihian na straight ang iyong crush,” sabay hila ko sa kaniya upang ipamukha na marami ang lalaki ng kaniyang gwapong crush. Gulat na gulat ang nanay kong kaibigan habang nasisilayan namin na pinupunasan ni Onse ang lalaki gamit ang isang tela. Hindi siya nahihiya na ipakita ang kaniyang pagiging malambing sa kaniyang kapwa lalaki sa harap ng publiko. Hindi ko siya naiintindihan. Ako ay muli na naman na nagkalat nang tsimis tungkol kay Onse na siyang pinaniwalaan ng lahat dahil sa witness na ang kaniyang admirer. GOOD AFTERNOON, EVERBODY! BREAKING NEWS, SI CASSY NA MISMO NA MAY PAGHANGA KAY ENRIQUE CASSANOVA ANG WITNESS! THE CAMPUS CRUSH IS HAVING AN AFFAIR WITH A MAN. #GM #SHOCKED #CONFIRMED! “Hindi ako makapaniwala na papatol siya sa lalaki dahil sa nagsusuot siya ng rosaryong para sa Muslim,” reaksyon ng babae mula sa isang silid na hindi ko pa kilala. Enrique Cassanova is a cute singer boy! Siya ay crush nang lahat ng babae sa buong college kaya maraming dismayado. Sa kaniyang looks, body at pagiging malapit sa diyos ay gugustuhin talaga nang kahit sino. “Classmates, ngayon natin malalaman kung totoong lalaki ang nag-iisang Enrique Cassanova.” Si Jannah Muroz ang magsasagawa ng plano habang ang lahat ay abala sa general cleaning day. Susubukan daw niya kung hahalikan siya ni Enrique. Ang kawawang binatilyo na naglilinis ay aming nilapitan at tumayo upang lapitan naman ang wangis ng kaklase namin na kinikilig agad. Nagkatitigan sila hanggang sa naglalapit na ang kanilang mga labi. Nakaabang kami! Hindi natuloy ang halikan hanggang sa ako ay kabahan pagka’t nalaman na niyang ako ang may pakana ng lahat. Hindi ko kasi siya isinasali sa mga breaking news ko. “Wait, may tsimis kasi kaming nariring na bakla ka raw!” “Kung sino man ako ay wala kayong karapatan na pakialaman ako,” mahinahon na salaysay ni Onse at kaagad akong nawala sa eksena. Naglaho ako sa takot! Sa mga sumunod na araw habang ako ay naglalakad sa pasilyo mula sa hagdan ay kinabahan ako. “Mag-usap nga tayo sa harap ni Ma’am Guidance,” sabi ni Enrique na kanina pa ako inaabangan. “Ano ba ang kasalanan ko sa’yo, Mr. Montefalco?” Hindi ko siya pinansin dahil sa ako ay natatakot. Natatakot din akong mapunta sa guidance. Naisip ko nga na huminto na sa pag-aaral dahilan lang doon. Wala siyang kasalanan sa akin at napakalaki nang kasalanan ko sa kaniya. Wala rin kaming dapat pang pag-usapan dahil sa hindi ko alam ang sagot sa kaniyang katanungan. “I will revenge on you, Daniel Montefalco! Maghintay ka lang nang iyong karma. Magpasalamat ka na lang at ayaw kong madagdagan pa ang masamang imahe ko na ibinigay mo sa lahat.” Ang kaniyang pagbabanta ay aking isinaisip ngunit wala sa aking isipan ang paghingi nang tawad. Ganoon siguro talaga kapag hate mo ang tao sa una pa lang. Kung ayaw sa iyo ay ayaw niya talaga. Minsan ay nagkita pa kami sa admin upang magbayad ng books tapos naglakad lang kami ng daang metro pabalik sa Nursing at sinundan ko siya. Feeling close kasi ako sa kanilang section at mas kaibigan ko pa ang mga kaklase niya. Nakarating ako sa practice nila sa physical education ngunit ako ay kaniyang sinita. “Umalis ka nga rito kasi puro section B kami!” Nang dahil sa aking mga pakikialam ay naging magkaaway kami. Sinubukan ko siyang kausapin sa text ngunit nakagawa na talaga ako nang kamalian. Hindi ko rin siya kayang harapin. Natatakot kasi ako sa mga salita niyang siya ay maghihiganti. Hindi na naulit pa ang mga group messages ko patungkol sa kaniya ngunit natatakot talaga ako. Inuulit kong wala sa aking bokabularyo ang humingi nang sorry. Seventeen years old pa lang ako kaya hindi ko naiintidihan ang aking mga nararamdaman at maaring hindi ko pa kilala ang aking tunay na sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD