Nakakamiss, nakakainis.
Hindi ko makakalimutan ang araw nang pagbabalik namin sa eskwela. Matapos ang isang semester ay natuwa ako sa aking kaibigan na si Jing. Kausap ko ang ilan sa aming mga kaklase na kaibigan nang siya ay lumapit upang sabihin ang nangyari sa kaniya noong bakasyon. Nakakahiya man daw ngunit ipapaalam niya sa akin ang nakakapagtatakang naranasan niya.
“Hindi ko alam kung bakit ikaw ang namimiss ko noong bakasyon natin,” sabi niya at nagkatinginan kaming magkakaibigan.
“Paano naman mangyayari iyun?”
“Basta na-missed kita!”
Masaya ako sa bagay na iyun nang walang halong malisya. Kami ay magkaibigan at kapwa na lalaki. Isa pa ay ganoon din naman ang nasasabi ng mga ilang kaklase ko noong nasa sekondarya pa ako.
Hanggang sa nagkaroon nang pangalan ang aming barkada at ito ay tinawag nga namin na Koshi. Nang dahil lang daw iyun sa aming paboritong three times a day na food pagka't wala kaming choice. Iyun ang ang patil, patil sa umaga, patil sa tanghali hanggang sa gabi. Ang tunay na naging myembro lamang na aming barkada ay sina Freya, Cassy, Jing, Nora, Issah, Taylor, Jamina, Liel, Junjun at si ako. Isang masaya na barkadahan ang nabuo namin.
Ang Koshi ay hango sa salitang Moro na ‘kusi’ at ang ibig sabihin tagpasin, hatiin, gisihin o ano pa. Amin lamang na pinasosyal ang spelling at pronunciation. Simbolo rin na lahat kami ay virgin pa. Wala pang tagpas!
“Isang patil lang muna sa akin,” sabi ng nagtitipid na si Jamina.
“Libre mo ako, Issah!” Hiling naman ni Cassy na siyang matutupad.
“Patil is life,” pagbibiro ko at sabay na kaming kumain sa bahay nila Freya at syempre may tig-sampung pesos na ulam.
“Huwag ninyong kalimutan na tagpasin ang dahon nito,” paalala ni Freya baka raw kasi ulitin na ipambalot at muling nagtawanan ang lahat.
Nang dahil sa hirap nang pagbibiyahe ko sa paaralan. Kung saan kailangan kong gumising nang sobrang aga pagkatapos ay halos dalawang oras naghihintay nang masasakyan. Wala na kasing school bus kasi college na. Pagkatapos ay gabi na nakakauwi pagka't maaga umuuwi ang mga sakyan papunta sa amin. Ako ay nagdesisyon nang maging independent o mamalagi sa isang boarding house.
Isang boarding house na sobrang malayo rin sa aming Unibersidad. Nangyari iyun pagka't doon ko nais nang dahil sa dalawa kong matalik na kaibigang sina Nova Salgin at Gigi Prado. Silang dalawa at dalawa pang boarders ay siksikan sa maliit na kwarto habang ako ay may kasama rin sa mas maliit na kwarto. Nagkaroon ako ng bagong pamilya kung saan ang aking pagiging malayo sa tao ay nabawasan.
“Lint, saan na ang bigas mo at ako na ang magsasaing ngayon?” Presenta ni Nova at kaagad kong ibinigay ang isang baso kong share na bigas.
“Ako ang maghuhugas ng plato,” sabi naman nang abala sa cellphone na si Gigi.
“At dahil diyan ay manlilibre ng ulam si Lint," bola ni Nova at nagtawanan kaming lahat sa bahay.
Ang ilan sa aming mga kaibigan ay madalas na dumalaw lalo na kapag lunch time kahit pa malayo ito. Ito ay sina Jing, Joda, Digra at si Ate Nena Perez. Sa isang oras lamang na mayroon kami ay kaya pa namin na magsaing at magkwentuhan. Ngunit napapansin ko ang pagbabago nang ugali ni Nova este sadyang minsan ay sinusumpong siya.
“Guys, musically tayo!” Yaya ko at best in sayaw sina Jing at Gigi hanggang sa iba na talaga ang mga ikinikilos ni Nova.
Patuloy kong naging matalik na kaibigan ang mga taong nabanggit ko. Hanggang sa tumuntong kami sa ikalawang semester ng second year. Kami ay magkakaklase pa rin naman.
Tatlong kubo ang nasa harap ng Nursing kung saan nakaupo ako at ng iba ko pang kaklase sa isa nito. Si Onse ay umaaligid pagka't may nais siyang patunayan. Hanggang sa sumilong na rin siya at kaagad na umupo.
“Huwag kayong mang-aaway ah! Iyung iba diyan ay maging mabait,” ikinagulat kong mga pagpaparinig niya.
“Ano bang problema mo?” Tanong ng isa aking mga katabi.
“Lumipat na kasi ako sa Section A!”
Ako ay kinabahan sa aking narinig. Parang hindi raw niya feel ang kaniyang mga kaibigan sa Section B. Ayun pa sa aking mga narinig ay madalas daw siyang lumiliban sa klase. Sayang daw pagka't may ibubuga siya sa klase.
Napatunayan kong madalas siyang hindi pumapasok o hindi kaya ay huli sa klase.
Ito naman akong parang tanga na kapag may absent ay sobra kong naiisip. Ako kasi itong early bird at perfect attendance! Mula elementary ay pahirapan ako sa pagbibiyahe tulad ng aking nasabi kanina. Ang dahilan kaya napakahalaga ng attendance sa akin.
Tuwing CWTS day nga namin ay madalas absent ang kaaway kong si Kokoy pero attended. Bestfriend kasi sila ng president namin na si Edgar Asuncion. Parati akong nagwewelga kaya kaaway ko rin silang dalawa.
“Wala na naman si Onse?” Katanungan ko kay Cassy.
“Oh, bakit mo siya hinahanap?”
“Baka naman kasi lumipat iyun dahil sa kaniya,” pang-aasar ni Nora.
Hinayaan ko sila at ako ay nagsulat na lang. Ngunit wala silang kaalam-alam na kinuha ko ang aking cellphone at hinanap ang contact number ni Onse. Hindi ko pa naman binura ang kaniyang number kaya nag-text ako sa kaniya.
“Mr. Cassanova, kanina pa dumating si Sir! Saan ka na? Late ka na!”
Kinakabahan pa ako para sa kaniya. Ako ay nagtataka kung bakit nag-aalala ako sa kaniyang pag-aaral. Siguro ay bumabawi lang ako sa aking mga naging kasalanan.
“Papunta na ako. Nakatulog po kasi ako.”
“Basta, pumasok ka!” At lumipat ako ng upuan na malapit sa may pinto upang siya ay pagmasdan sa labas.
“Opo.”
“Bantay ka lang, Enrique!”
“Paano kung ‘di ako pumasok?” Katanungan niya at sobrang nainis ako pagkatapos ay napasilip ako sa labas.
Nakita ko siyang nakangiti at tawang-tawa sa akin.
Masaya ako na pumasok siya.
Pagkatapos ay nag-focus na ako sa aking papel pagka't marami nang isusulat sa board. Hanggang sa naramdaman ko na siyang umupo sa aking tabi. Napatingin ako sa nakangiti niyang mukha.
Hinawakan niya ang aking kuwaderno at napatigil ako sa pagsusulat ng aralin.
“Ako na ang magsusulat bilang pasasalamat na ako ay iyung sinabihan,” sabi niya at ibinigay ko na ang aking kuwaderno.
Madalas din naman kasi talagang walang guro o late sila ng mga fifteen minutes at kapag lampas pa roon ay nagsisiuwian kami. Ngunit ang totoo ay wala talaga siyang dala na ballpen. Kahit ganoon ay gusto ko pa rin kahit ang pangit nang writing niya. Mas pangit naman kasi ang writing ko.
Naalala ko bigla sa kaniya sa Katarina. Noong high school kasi ay mahilig kaming magpalitan ng notebook sa tuwing may kokopyahin sa board. Habang nagsusulat kaming dalawa ay nagkukulitan din kaya natutukso ng buong klase.
Dalawang beses ko nang naalala si Katarina sa kapwa kong lalaki ngunit sa magkaibang tao nga lang.
Sa mga nagdaan na araw ay nakakalimutan ko na ang barkada kong Koshi.
“Ah guys, hindi muna ako sasabay sa lunch uli,” pagpapaalam ko sa aking barkada at pumayag naman sila.
Gusto ko naman na mapalapit pa nang lubusan sa aking naging kaaway. Maraming akong kadahilanan. Una sa lahat ay relihiyoso nga siya at nais kong matoto kung paano ang magdasal. Naramdaman ko rin na gusto niyang mapalapit sa akin nang dahil sa aking pagiging one of the average student.
Minsan ay nalalagay naman sa top ang aking pangalan.
“Top 6 ka, Lint!”
Nang dahil sa pagiging malapit namin sa bawat isa ay nakalimutan namin ang aming naging alitan. Naging maayos kami at sinimulan na maging konektado sa isa't isa. Bukod sa aming dalawa ay naging malapit din kami kay Joda at Nora. Hanggang sa napapadalas na kaming apat na sabay ng kumakain tuwing lunch.
Partida na crush ko pa rin ang dalawang babae. Sina Enrique at Joda naman ay kapwa may panghanga sa bawat isa. Habang si Nora naman ang nagsisimula nang katuwaan sa aming grupo.
Ang rason kung bakit naging malapit kaming apat sa isa't isa ay dahil sa kaklase namin na si Ate Bella Severino. Siya ay magandang sobrang maliit na babae. High school pa lang ay kilala ko na siya ngunit ngayon ko lamang nakausap.
“Samahan ninyo ako mamaya sa rooftop kasi balak kong i-surprise si Becky,” nais niya pagka't ang gusto niya ay kapwa niyang babae.
Hindi man siya mukhang tomboy at sobrang liit man niya ay desidido pa rin siyang ligawan si Becky. Halos ang buong section ay nakisama sa trip ni Ate Bella. Marami sa amin ang naninibago sa ganoong klase ng pag-ibig.
Babae sa babae?
Ngunit kahit ganoon ay suportado ang karamihan. Nagtungo kami sa rooftop ng Nursing upang mag-decorate. Nagdikit-dikit pa kami ni Aira nang mga ginupit na hearts sa semento. Nang maging handa ang lahat sa rooftop ay tinawag na nila ang nililigawan. Si Becky nga ay lumakad sa daan na may mga puso hanggang sa makarating sa mga nakatayo namin ng mga kaklase.
“Nandiyan na si Becky, ready na kayo mga classmates!” Sambit ni Ate Bella na nakatayo sa may mga puso.
Ang bawat isa ay may hawak na bond paper na may letter at sabay-sabay na binaligtad ang mga hawak.
W-I-L-L-Y-O-U-B-E-M-Y-G-I-R-L-F-R-I-E-N-D-?
Ang lahat ay kinikilig para kay Ate Bella at naghihintay nang kasagutan ni Becky.
Ilang sandali pa ay nadismaya ang lahat at hiyang-hiya si Ate Bella nang umalis ang nagagalit na si Becky. Nasupresa raw siya ngunit hindi siya magkakagusto kailanman sa kapwa niya babae.
“It's a very no!”
Marami naman ang dumamay sa basted at ang mga plastik ay hinusgahan siya.
“Sabi na namin sa'yo, sayang lang din ang effort namin!”
Nang dahil sa panliligaw ni Ate Bella ay naging super close nga kami nina Onse, Joda, Nora at kasama rin siya. Ika-anim sa aming grupo ay si Ate Kylie Torres. Pagkatapos ay bumalik na kaming lahat sa silid-aralan.
Pagkatapos ng klase ay uuwi agad sa boarding house ang katulad kong inosente na estudyante. Biglang ang aking cellphone ay nag-ring. May tumatawag at ito ay si Onse kaya napapaisip ako. Hindi ako mahilig makipag-usap sa tawag. Ngunit iyon ay nang dahil sa aking childhood memories sa tuwing tumatawag nga ang aking ina.
Ang tao ay nagbabago o sadyang siya ang unti-unting binabago ng isang tao.
Sinagot ko na ang tawag.
“Hello, Onse?”
“Kumain ka na?”
“Oo, ikaw?”
“Ano?” At parang natatawa pa siya.
“Ikaw ay wala ba talagang kasintahan ngayon?”
Nagtawanan na lamang kaming dalawa sa aming unang pag-uusap sa cellphone. Kapag walang klase ay araw-gabi kaming magka-usap sa cellphone ngunit hindi ko naman isinasantabi ang aking mga takdang-aralin. Masaya lang talaga ako na parati kaming nag-uusap.
Isang beses ay tumawag siya habang umiiyak at sobrang kailangan daw niya ng karamay. Naghiwalay raw kasi sila ng kaniyang kasintahan. Wala naman akong alam sa pag-ibig kaya hindi ko siya mapapayuhan. Tanging oras lang ang kaya kong ibigay.
“I miss you, Lint!”
“Nagkabalikan na ba kayo?”
“Malabo na kami at saka hindi mo ba ako namimiss?”
Ako ay nasasabik na pumasok sa eskwela upang makita ang kaibigan kong katulad niya.