Isa rin si Jing sa maaga na dumarating sa eskwela kung saan ay madalas niya akong yayain na kumain ng almusal. Hindi naman ako umaalis sa bahay nang hindi kumakain. Maagang gumising ang lola ko para maghain sa kaniyang mga apo na iniwan.
Iniwan ng mga tatay para mag-ibang bahay. iniwan ng mga nanay para mag-ibang bansa.
“Mukhang nagiging close na kayo ni Onse,” sabi niya sabay subo nang patil.
“Gusto ko rin na maging close kayo dahil sa pareho kayong mabait,” sagot ko habang umiinom ng softdrinks kahit sobrang aga pa.
“Siya nga pala, nakasagot ka na sa assignment natin?”
“Oo naman.”
Kapwa namin na inilabas ang aming mga workbook upang siyasatin ang bawat sagot ng isa. Magkakaroon nang diskusyon at kahit may sagot na kami ay babaguhin namin. Hindi naman sa kopyahan kundi tulungan kasi sinisiguro na lang namin.
“Pero, Lint may napapansin ako...” mahinahon niyang sabi habang nakatitig ako sa aking mga sagot.
“Mali ba ang number 10 ko?”
“Nawawalan ka na kasi nang time sa akin,” sabi niya at napatingin ako sa kaniya upang tawanan. “Bakit ka tumawa? Napapansin din nila Freya iyun, ng buong Koshi na hindi ka na madalas sumama sa amin.”
“Mamaya ay magtatabi tayo ng upuan,” sagot ko at dumating ang isa pa namin na kaibigang si Clita.
Ang friend kong dahilan kaya dapat ay perfect score ako mamaya.
“Pataasan tayo ng score mamaya, Lint ah! Ang talo ay manlilibre,” masaya niyang hamon habang nakapila para sa kaniyang almusal.
“Pero kumusta na pala ang crush mo sa Engineering?”
“Hindi mo ako ma-di-distract!”
Study first pala ang aming goal.
Nakasanayan na namin ni Clita ang magpataasan ng score sa mga pagsusulit. Hindi lang masaya ang naibibigay sa amin nang aming paghahamunan. Nagiging pursigido rin kami na mag-aral nang mabuti. Higit sa lahat ay nakakasama kami sa mga top students.
Pagkatapos nang naging klase namin sa audio visual room ay niyaya na ako ng Koshi upang magtungo sa Plang.
“Sa kanila muna ako uli na sasabay kakain,” pagpapaalam ko sa barkada kong Koshi.
“Hindi ka na nga tumabi sa klase,” pagtatampo ni Freya.
”Ngayon lang naman ‘to, saka kasama ko naman si Nora.”
“Isa pa iyun at halos hindi na namin makasama.”
“Hayaan na natin sila, darating din ang araw na babalik silang muli,” pahayag ni Issah at umalis na sila.
Sa pagdaan ng mga araw ay tuluyan ko nang nakakalimutan ang aking barkada na Koshi. Kaming dalawa ni Nora ay nawawalan nang oras sa kanila. Nang dahil na nga sa pagkabuo ng grupo namin nina Joda at Onse.
Ang aming barkada ay tinawag namin na Squadrangles!
Hindi dahil sa naglaro kami sa oval quadrangle ng University habang umuulan. Isang komplikado na bagay o pangyayari ang dahilan nito. Quadrangles kasi hindi triangle! Ito ay binubuo naming apat na labis ang pagiging isip bata.
Ang mahalaga ay masaya kaming apat.
Quadrangles kasi hindi nga triangles!
O, ‘di ba? Sa pangalan pa lang ay ang komplikado nang aming pagkakaibigan. Bakit nga ba?
Nasabi ko na ito dati at uulitin ko lamang upang maging malinaw.
“Crush mo lang ako, yak! Be matured, Lint!” Pang-aasar ni Joda habang nakalagay ang kaliwang kamay sa beywang.
“Duh, si Nora talaga ang crush ko!” Pagtanggi ko nang dumating si Nora.
“Crush, ka raw ni Lint! Ayieee!"
“Nagseselos ka yata!” Pambabasag ni Nora kay Joda. “At saka maganda naman talaga ako pero huwag na kung si Lint lang!”
Alam nang lahat na may crush ako sa dalawa nang dahil sa mga group messages ko noong hindi pa kami close.
“Eh, sino bang crush mo? Sumagot ka, aso!” Pang-aasar ni Nora sa napipikon nang si Joda.
“Basta crush mo rin si Lint!”
“Oh, siya! Kung iyan ang ikakatuwa mo pero sagutin mo ako!” Namimikon talaga si Nora at kumantiyaw siya nang dumating si Onse na galing sa banyo. “Joda, sinong crush mo?”
Parang kanina lamang ay akin silang dalawa. Ngayon naman ay nakatingin si Nora kay Onse at naiilang si Joda. Nagseselos na ako ngunit hinihintay ko ang kasagutan nang pikunin namin na kaibigan.
“Ako ba?” Sambit ni Onse at nilapitan si Joda. “Crush din naman kita,” at nakangiti sa harap ng aming kaibigan.
Tumili naman itong si Nora.
“Kung hindi ako ay si Onse!” Sabi ko at nagtawanan kaming tatlo maliban sa napipikon.
“Oo nga nga guys! Masaya na kayo? Paulit-ulit na lang! Be matured ba!" Pahayag ni Joda at ayun, iniwan niya kami.
“Ikaw kasi Lint!” Paninisi nang magkasundo na si Nora at si Onse dahil ako raw ang nahuling nagsalita.
Ako ay umalis din bago pa sunod na maging pikon.
Hindi naman talaga komplikado ang aming barkada. Sadyang tunay na isip bata pa lang kaming apat. Ang mahalaga ay masaya kami kahit madalas na nag-aasaran.
Naririnig namin sa aming mga kaklase na ang perpekto raw kung maging dalawang couple ang aming samahan. Ngunit nag-usap na kami na magkakaibigan lang kaming apat. May paghanga man ngunit hanggang doon lang.
Si Ate Bella at si Ate Kylie ay kasapi rin ng aming barkada. Ang dalawang nagpapayo sa amin. Silang dalawa ay sobrang malapit sa isa't isa. Araw-araw na napapagod!
Hanggang sa nagtungo sa unang pagkakataon si Onse sa aking boarding house. Masaya namin siyang pinatuloy kasama sina Ate Nena. Ang ate namin ay sobrang maraming balita tapos walang nasagot kanina sa essay.
“Ilang lalaki na ang nadala mo rito, Lint?” Katanungan ni Onse nang pumasok siya sa aking lungga habang pinagmamasdan ang buong paligid.
“Wala!”
“Imposible.”
“Akala ko ba ay magkaibigan na tayo?” Pagiging pikon ko at ibinigay ko ang aking puting uniporme.
“Ayieee!” Pang-iinis ni Ate Nena na abala sa pagsasaing.
Ang totoo ay niyaya ko siya rito matapos niyang masabi na hihiram siya ng uniporme para sa aming clinical class. Nagpatahi raw siya pero pang-chef. Nang maibigay ko ang damit ay nagtatanong pa rin siya.
“Ikaw pa lang!” Sumbat ko pagka't nainis na ako.
Nagkaroon nang panandaliang katahimikan sa buong bahay.
“Magandang magtambay dito, babalik ako sa sunod,” nasabi niya at inilabas ko na ang aking laptop.
Nanood kami ng mga music video na aking na-download. Hanggang sa masaya siyang kumakanta kung saan kinikilig si Ate Nena. Magaling kumanta si Onse. Nang maluto ang saing ni Nova ay kumain na kami at pinilt pa namin ang bagong salta.
Nagsimula ang hindi pagkakaintindihan nina Cassy at ang itinuturi niyang kapatid na si Nora.
Ang dahilan ay ang unang beses na makitulog kaming apat. Tanghaling tapat nang kami nina Joda at Nora ay nagpumilit na magtambay muna sa boarding house ni Onse sa Plang Village. Ilang beses kaming nagpumilit at ngayon pa natuloy. Malayo raw kasi sabi ni Onse ngunit nalaman kong ilang metro lang mula sa bahay nina Freya. Ikinakahiya niya lamang pagka't lupa ang kaniyang tinitirahan. Wala namang mayaman sa aming apat kaya kami ay tumuloy kahit ayaw niya.
“At dahil sa pinilit ninyo ako ay makikita talaga ninyo ang abs ko,” pananakot niya hanggang sa makita namin ang roommate niyang kumakain.
Isang rice cooker pero parang isang baso kasi para lang sa kaniya. Mabuti at kami ay kumain na. Hanggang sa napagkasunduan namin na makitulog doon sa bagong boarding house ni Junjun. Hindi na rin kasi sa Plang Village mananatili si Junjun pagka't siya ay kinausap ng aming propesor na lumipat sa Bonifacio Street.
“Pasensiya na kung mainit, ang hot ko kasi!” Pang-aasar ni Onse at maghuhubad na ito nang pigilan siya.
“Kuya, aalis na kami kasi kukuha pa kami ng damit para gamitin makitulog. Si Lint na lang ang makakakita niyan,” sabi ni Joda habang nakapikit pagkatapos ay umalis na sila.
Nang makaalis sila ay naghubad na si Onse. Ako ay kaniyang binibiro ngunit wala naman akong nakikita na abs. Ang kapal niya po talaga!
Matapos ang klase sa hapon ay bumalik na kami ni Onse sa kaniyang lugar upang kumuha ng bigas. Hanggang sa kaming apat kasama si Junjun ay nakarating na sa boarding house. May kasama pa kaming dalawa at ito ay sina Melai Loberana at Kian Cabral.
“Montefalco....” hirit ni Nora na nagsisimula sa pang-aasar.
Eh kasi naman, may roommates si Junjun at isa na ang aking idolo. Ako ay kanilang pinagtripan ngunit parang ang trip ni kuya idol ay si Onse. Nakatingin siya parati sa aking kaibigan hanggang sa siya ay lumabas muna.
“Tumatawag sina Ate Cassy, naghihintay raw siya sa gate ng Plang. Kailangan ko raw umuwi dahil sa isusumbong niya ako sa aking nanay,” balita ni Nora.
“Hindi ka pala nagpaalam?”
“Kasi kaibigan ko rin naman kayo.”
Unang beses niyang makitulog kaya hindi siya papayagan. Lahat kami ngunit minsan lang ito. Narinig pa namin sa phone si Issah na hindi raw alam ni Nora ang kaniyang ginagawa. Baka raw mabuntis siya kung kaya't naging kontrabida sa aming mga mata ang dalawang barkada namin na Koshi. Wala rin silang tiwala sa kaibigan namin na si Junjun.
Labis ang pag-aalala nila para kay Nora.
Matapos iyun ay naligo na kami. Matapos ang mga babae ay sumunod naman ako. Itong si Onse ay nagmamadali at kung pwede raw ay sabay na kami. Nanghiram pa ako ng shorts kay Junjun.
Madali lamang akong natapos nang dahil sa pagmamadali niya at nang siya na ay nagtataka si Junjun at nagbiro.
“Nagjakol pa siguro si Cassanova!”
Ilang sandali naman ay naging tahimik kami nang magsimba si Kuya. Nagtalo pa sila dahil sa mali raw ang direksyon ng pagdarasal ni Kuya. Wala akong alam basta ako ay natatawa. Tumatawa pala!
Hindi naman ako demonyo, isip bata lang!
Hanggang sa magulat kami at kabahan nang may kumatok habang si Onse ay walang hiya na naka-boxer lang. Nang buksan ang pinto ay nakita namin ang aming propesor na lalaki. Nais niya lamang daw na makausap si Onse at wala kaming choice pagka't propesor namin siya sa major subject.
“Anong nagyari?” Tanong namin nang makabalik sa kwarto si Onse.
Ilang sandali pa ay tinawag muli ni Sir si Onse. Hanggang sa matutulog na kami ay hindi pa rin nakakabalik ang aming kaibigan. Alam ninyo na kong ano ang aming iniisip.
“Kawawang, Enrique!” Sambit ni Junjun at nagtawanan kaming lahat dahil sa aming mga pangamba.
Nakabalik din naman si Onse ngunit makikita sa kaniyang kilos ang takot. Hindi na raw siya babalik pa rito. Mabuti na lamang daw at hindi siya napilit.
Matutulog na kami at ako ay naging pulutan pa.
“Oras na para tumabi ka,” panimula ni Kian habang nakahiga na si Kuya sa ibaba ng double deck bed.
Ako naman ay mas naiisip ang nasabi nina Issah pagka't magkatabi sa itaas sina Nora at Junjun. Hanggang sa ako ay naglatag na sa sahig at nahiga. Si Kian din ang tumabi kay Kuya. Labis ang aking panghihinayang na hindi ko makakatabi ang aking idolo.
Hindi ko alam.
“Kayo na lang ni Enrique ang magtabi,” pang-iinis pa ni Kian at niyakap pa si Kuya.
Sa gabing iyon ay nangyari ang unang pagtatabi namin ni Onse. Hanggang sa paglalim nang gabi ay ramdam ko na ang lamig na dulot ng fan. Ang aking katabi naman ay tumayo upang magsuot ng pantalon. Halos gawin ko nang kumot ang aming ginamit sa sahig kasi walang kumot.
Niyakap ko na lang siya at may ginawa akong hindi maganda.
Nang makauwi ako sa kaniya-kaniyang boarding house ay kaagad akong nag-message kay Onse.
“Naramdaman mo ba?”
Habang niyayakap ko siya nang dahil sa lamig ay idinikit ko ang aking pribadong parte.
“Mag-ingat ka sa pagkikita natin!”
Nang makabalik kami sa University ay wala namang nangyari nang kami ay magkita. Pinagtripan niya lang din daw ako. Magkasama pa rin kaming apat.
“Bad influence daw tayo kay Nora,” sabi ko nang makausap ko sina Cassy na hindi nagustuhan ang pakikitulog namin.
Ngunit ang pakikitulog namin doon kila Jun ay nasundan pa at hindi na nga sumama pa si Onse nang dahil sa takot sa aming propesor.
Hindi nagtagal ay hindi na kami mapaghiwalay. Kaming apat ay bente-kwatro oras na magkakasamang humihinga kaya iniisip na tunay nang kilala ang bawat isa. Sabay kaming naliligo, naglalaba at marami pang gawain. Minsan ang toothbrush ng isa ay toothbrush ng lahat. Hindi kami nandidiri sa bawat isa.
Ang patunay na hindi kami naghihiwalay ay iisang bahay kami nang inuuwian. Una kaming nakapunta sa bahay nila Nora, sumunod sa bahay nina Onse, hanggang sa aming bahay at panghuli ay sa lugar nina Joda. Nang dahil sa kanilang tatlo ay unti-unting nagbabago ang aking behavior sa bahay.
Marami pa kaming naging karanasan ngunit ang kwentong ito ay hindi sa aming pagkakaibigan nakasentro.
At ang lahat ay may twist!
“Crush mo lang ba siya?” Katanungan nang isa sa amin.