KABANATA 006: CASSANOVA'S CHARACTERS

2682 Words
Isa rin sa aking matalik na naging kaibigan ay si Karen Cruz. Minsan ay magkaaway kami ngunit tunay na magkaibigan. Kaming dalawa ay may tawagan at ito ay bitchfriend. She's my bitchfriend! Isang araw habang nasa area kami ng college kung saan isinasagawa ang aming return demonstration classes. Papasok pa lang ako sa room habang hinihintay namin ang aming clinical instructor. Napansin ko silang dalawa ni Jing sa loob at nang buksan ko ang pinto ay lumabas siya. “Lint, may sasabihin ako sa'yo tungkol kay Jing,” sabi niya at hinawakan niya ang aking kamay pagkatapos ay dinala niya ako sa isa pang room. Mukhang may something silang dalawa at iniisip ko na siya ay pinagsamantalahan ni Jing. Ngunit ang harsh naman nang bagay na iyun. Bukod sa Koshi kasi ay isa rin siya sa matatalik na kaibigang babae ni Jing. “May dapat kang malaman tungkol sa bestfriend mo.” “Crush niya si Joda?” “Hindi lang si Joda,” at hinawakan niya ang dalawa kong kamay pagkatapos ay tinitigan ako. “Nagtapat siya ng feelings sa akin.” Hindi ko alam ang aking sasabihin sa mga oras na ito. Isa pa ay bagay naman silang dalawa. Ngunit masisira ang kanilang pagkakaibigan at single naman si Jing. “Eh, hindi ba't may kasintahan ka? Iyung nang-aaway sa akin sa social media?” Nasabi ko pagka't sa sobrang closeness namin pati sa social media ay nagseselos ang kaniyang nobyo. Sanay naman na akong maging reason nang hiwalayan mula pa noong high school. May isa pa akong bestfriend na aking babangitin pagka't maaring hindi ko siya maikukwento sa mga susunod. Siya ay si Flora Hermosa na aking dalagang bukid. Medyo naiinis lang ako na baklang bukid ang tawag niya sa akin. Ganoon kami naging closed. Nabanggit ko lamang siya pagka't madalas akong pagselosan ng kaniyang nobyo. Partida, black beauty ang bestfriend kong si Flora. “At saka alam natin na crush niya si Ashie,” at ang tinutukoy niya ay si Ashie Bordador na shifter student. Pakiramdam ko pa naman ay magiging kasundo ni Karen si Ashie pagka't sila ay kapwa na Iranun. Itong si Jing kasi ay napakatahimik pero nakakatakot. Sana lang talaga ay nagkakamali ako sa unang impression ko tungkol sa kaniya. Ako naman itong sobrang maligaya kapag may ganitong mga pangyayari. Tila ba ako ay nasasanay nang unang nakakaalam ng mga sekreto. Ang saya ko kapag may mga isyu. Ilang sandali bago kami lumabas ay nagbanta siya. “Atin lang talaga ‘to kasi hindi pa sure, bantay ka lang talaga Lint. Masisira talaga ang trust sa'yo ni Jing,” at ako ay natawa lang pagkatapos ay lumabas na kami. Sa aming paglabas ay kinilabutan ang lahat sa pagdating ng isang babae. Nandito na rin pala ang dalawang instructors namin ngunit hindi pa nagsisimula ang klase. Itong dumating ay ngayon ko lamang nakita at parang sino. Lumapit siya sa aming nang walang pagpapakilala at may nais siyang ipahayag. “Malapit nang maganap ang inyong emergency first aid training at kailangan ninyong magbayad ng one thousand five hundred pesos each” at siya ay kaagad na umalis. Ang lahat ay nagulat sa bayarin at nang dahil sa paniningil lang ang ginagawa ng babaeng iyun. Hindi namin alam kung ano ba siya sa college. Pumasok na lang kami sa loob para sa pagsisimula ng aming klase. “Jing, may nalaman ako tungkol sa inyo Karen,” sabi ko habang siya ay nagsusulat matapos akong lumipat sa kaniyang tabi. Ako ay napangiti habang siya ay naging seryoso ang wangis. “Kanino mo nalaman?” “Sa kaniya, e!” “Lint, may tiwala ako sa'yo. Huwag mo talagang sirain ang tiwala ko sa'yo. Tandaan mo iyan!” Matapos ang aming aralin ay muli ko siyang inaasar. Hindi kasi ako makapaniwala na magkakagusto siya sa isang babae. Magkaibigan kami at hindi ko rin naman siya hinuhusgahan. Ako ay nagugulat lamang at sinusubukan siya. “Huwag mo talagang sirain ang tiwala ko sa'yo,” banta niya at nagsiuwian na kami. Nagpaalam na ako sa Koshi at maging si Nora pagka't kasama namin sina Joda at Onse. Ako ay nagpaalam din kay Gigi at kay Nova na hindi muna ako matutulog sa boarding house. Napagkasunduan namin na umuwi sa bahay nila Onse. Sa unang pagkakataon ay nakasakay kami ni Joda ng bangka. Itong si Nora ay best actress kahit maraming bangka sa kanilang lugar. May bahay naman sina Onse sa gilid ng highway ngunit hindi pa natatapos kaya tatawid muna kami. Mga pusa at kaniyang step-mother ang aming nadatnan. “Salam, ate!” Pagbati namin nang kapayapaan sa kaniyang step-mother at nakita na rin namin ang nakababata niyang kapatid na babae. “Huwag kayong manlait ng bahay ah,” sabi ni Onse kasi ngayon pa lang kami nakapunta rito at wala namang mayaman sa amin. “Sino sa inyo ang kasintahan ng anak kong si Enrique?” Tanong ng tatay niya na biglang dumating habang nasa balikat ang armas. “Natutuwa akong may dinala siyang babae rito sa bahay.” Sina Joda at Nora nga ay kinakabahan at nagtutulakan. “Tay, huwag mo na silang pagtripan!” Maging ako ay kinakabahan habang naiisip ko ang bayarin namin. Nakangiti kami nang malaman namin na malakas pala ang signal dito sa tabing-ilog. Hinawakan ko ang aking cellphone para mag-post tungkol sa nasabi nang nakakainis na propesor. Isa rin sa mga hindi ko kaaya-ayang ugali ay ang mag-post nang sobrang haba at detalyado sa isang social media platform. Nakasanayan ko na noong ako ay high school pa at dulot na rin nang walang napagsasabihan sa bahay. Lahat nang reklamo ko sa bahay ay sa publiko ko inilalabas. Sa paniniwala na marami man ang mag-iisip na katatawanan iyun ngunit kahit papaano ay may nakakaalam at may kahit isa man lang na makakaintindi. ANO TO? PERA PERA LANG? Iyan ang aking post at marami ang nagsabi na burahin ko lalo na ang mga sipsip kong kaaway. Natuwa naman ang Koshi kaya kakampihan nila ako. Ang dalawa sa mga kasama ko ay tutol ngunit si Onse ay hindi. Dapat lang daw na ako ay nag-post dahil ngayon lamang namin nakita ang babaeng iyun. Ang tagal bumangon ni Nora kaya muntik na kaming ma-late tapos ay kailangan pa namin na sumakay ng van. Syempre si Onse ang magbabayad kasi naman may sarili siyang ATM. Hawak niya ang ATM ng kaniyang tatay kaya marami siyang pera. Natutuwa kaming mapera at kaya niya kaming buhayin. Ngunit marami siyang katangian na tunay na dahilan kaya kaibigan namin siya. Hindi pa namin nalalaman ang iba pang ugali ng bawat isa kahit sobrang closed na kaming apat. “Lagot ka kay, Sir!” Salubong sa akin ng isa kong kaklase ngunit kampante ako pagka't nandiyan si Onse. “Galit na galit si Sir sa post mo! Pumunta ka raw ngayon sa kaniyang office,” ulat pa nang isa at syempre ay kinakabahan na ako. “Kasama rin daw si Onse!” Nadamay siya nang dahil sa aking kagagawan at iyon ang isa sa mga dahilan na mas higit siya kasya sa una kong kaibigang lalaki na si Jing. Dalawa kami ay takot na nagtungo sa chairperson office. Isa sa mga mabait namin na clinical instructor ang unang nagsalita. Siya ay galit na galit pagka't wala raw siyang kinalaman sa sinasabi kong pera pera. General daw kasi ang post ko. Aalis daw siya ng Nursing nang dahil sa kahihiyan na aking ginawa. Papatunayan daw niyang malinis ang kaniyang konsensiya. Sumunod na nagsalita ang aming lalaking propesor upang ipaalam pa lalo ang aking pagiging-isip bata at walang hiya. “Siniraan mo ang pangalan ng ating college nang dahil sa pagiging makitid mo,” galit ni Sir na halos maputol ang ballpen habang ako ay nakangisi. “At ikaw Mr. Cassanova ay konsentidor! Dapat ay tinuturuan ninyo si Mr. Montefalco ng tama. Masaya pa naman kami nina Dean sa pagkakaibigan ninyong apat tapos ganito ang gagawin ninyo sa amin!” “Lint, huwag kang tumawa ba!” Pagkainis ni Onse at mukhang ikinakahiya na ako. “Ngayon ay magsalita ka Mr. Montefalco pagka't ikaw pa lang ang student na gumawa nito!” “Eh, bakit po ba kasi nagpakita lang siya para maningil?” “Ilang taon ka na ba? Hindi mo pa alam ang iyong mga sinasabi. Pangalawa na ito Mr. Montefalco! Galit na galit ako sa'yo kaya ipapa-ban kita sa buong hospitals ng Kabacan!” Ipapa-ban? Nang dahil doon ay naluha ako pagka't makakapasa nga raw ako kahit one take pa kasi matalino naman ako pero hindi raw ako matatanggap sa anumang institusyon. Ang karamihan sa aming mga kaibigan ay naghihintay sa labas lalo na ang mga kaaway ko tuwing pagsusulit. Nag-usap kami ni Onse at kinausap na rin ako ng iba ko pang kaibigan. Huwag ko na raw uulitin pa ang pag-post sa social media kasi hindi iyun makakatulong sa amin. “Tignan mo, ikaw lang ang kawawa kasi natatakot din kami na ikaw ay kampihan,” sabi ni Ate Nena. Sa kabila ng lahat ay nagpapasalamat akong nandiyan si Onse. Hinahanap ko ang presensiya ni Jing ngunit maaring siya ay nagtatampo pa rin sa aking pang-aasar kahapon. Sa araw na iyon ay tunay ko nang pinagtitiwalaan si Onse pagka't hindi niya ako iniwan sa harap ng aming propesor. Siya ay parating nandiyan upang ako ay protektahan at maging ang dalawang kaibigan namin na babae. May isang pangyayari pa nga sa clinical area habang klase. Ang aming paksa ay tungkol sa kalkulasyon ng intravenous fluid o dextrose. Kaniya-kaniyang sigaw kami nang kasagutan. Itong si Joda ay nagpupursige na sumagot kahit mali kung saan siya ay pinagtatawanan nina Edgar at lalo na si Kokoy. “Onse, kawawa naman si Joda!” Hindi namin mapagsabihan si Joda kasi malayo siya nang upuan. Syempre doon pa rin siya sa mga girls umupo. Patuloy pa rin sina Kokoy kaya naiinis na kami para sa aming kaibigan. Matapos ang klase ay kinausap namin si Joda at habang pauwi na kami ay kinompronta namin sina Kokoy. Ito kasing bestfriend kong si Aira ay kakampi pala kay Kokoy dahil sa kagwapuhan. Nang dahil sa aking inisip ay halos magkaroon nang pisikalan sina Kokoy at Onse. Nang dahil sa akin ay naging magkaaway sila kahit hindi pa lubos na magkakilala. “Huy, Montefalco ko! Ang kitid talaga ng utak mo. Close namin si Joda Riche at parang kapatid na ang turing ko sa kaniya,” bwelta ni Kokoy at nagtawanan silang magkakaibigan. “Pasalamat kayo at kakalipat ko lang ng section kundi ay nakatikim na kayo sa akin,” sabi ni Onse at umalis na sina Kokoy. “Tara na nga, mga isip-bata iyan!” Sabi pa ng kaibigan ni Kokoy. “Teka, may amoy kili-kili. Sino ba iyun?” Dagdag nito sabay amoy sa sarili. Ang baho ko po talaga at aminado ako na walang proper hygiene. Sa kabila ng lahat ay nagpatuloy ang aming alitan hanggang gabi dahil sa aming groupchat. May mga kakampi ako pero natatakot silang lumaban. “Pasensya na kayo, guys! Be matured na lang tayo. Hayaan na natin sina kuya,” saloobin ni Jodi habang nakahawak sa beywang. “Mas gwapo pa rin si Kuya Onse kay Kuya Kokoy!” Wala talagang kwenta itong si Nora. Ang isa pa sa mga katangian ni Onse ay ang pagiging maalaga at maalaahanin. “Lint, binilihan pala kita ng gamot,” sabay abot sa akin ng medisina at ako ay nakakaramdam nang kakaiba. “Akin ba talaga 'to?” “Kaninang umaga ko pa napansin na maganda ang pakiramdam mo kahit hindi mo pa sabihin.” Hindi maari! Ako ay hindi umiinom ng gamot. May tiwala ako sa immune system ko na kayang talunin ang bad infections. Ibinigay pa niya ang kaniyang tubig kaya wala akong magawa kundi ang uminom na. Pumapasok kasi ako sa klase kahit pa ako ay may sakit. Sobrang halaga ng edukasyon sa akin. Kahit malayo man ang loob ko sa aking nanay ay naiisip ko pa rin siya. Nag-ibang bansa siya para ako ay makagpagtapos nang pag-aaral kaya hindi ko iyun sasayangin. At higit sa lahat ay sobrang napakabait nang nag-iisang Enrique Cassanova. Ngunit isang araw matapos ang aming lunch ay nanatili muna ako nang mag-isa sa pasilyo ng clinical area. Ilang sandali pa ay dumating sina Ate Kylie na abala sa cellphone habang si Ate Bella ay lumapit. Siya ay umupo sa aking tabi at pinagmamasdan ako. “Ate, umaasa ka pa rin ba na magiging kayo?” Katanungan ko dahil sa mukhang may dinadala siya. Nadatnan kasi namin si Becky noong isang araw sa kaniyang boarding house. Mayroon siyang kausap na lalaki sa cellphone. Ibig sabihin ay hindi talaga siya papatol sa katulad ni Ate Bella. “Lint, may napapansin ako.” “Pansin ko rin na parang nagiging katulad mo na si Ate Kylie,” pang-aasar ko pagka't may textmate na babae si Ate Kylie nang dahil sa kaniya. “Hindi naman sa kaniya o sa akin ang nais kong ipaalam sa'yo,” paliwanag niya at napatingin ako sa kaniya nang malalim. “Hindi ka pa ba na-fall kay Onse?” Ako ay tumawa. “Napapansin kasi namin ni Kylie na masyado kayong malapit at magkaibigan tayo kaya alam namin ang tunay na ikaw,” at nawala na ang aking mga ngiti. “Hanggang maaga pa ay iwasan mo siya pagka't hindi mo pa siya lubos na kilala.” “Bakit ba lahat kayo ay ganiyan ang naiisip tungkol sa aming pagkakaibigan?” “Misan lang ako magpayo kaya sana ay pakinggan mo na lang ako,” at para bang siya ay nagbabanta. Hindi ko talaga maintindihan si Ate Bella. Mas madali pa ang Biochemistry sa pinapaliwanag niya. Naiisip ko tuloy na gusto niya lang din na maging malungkot ako kasi malungkot din siya. Ngunit wala naman siyang dapat ikabahala pagka't magkaibigan lang kami ni Onse. Ilang sandali pa ay dumating na ang lahat pagka't magsisimula na ang aming klase. Nang dahil nga sa nasabi ni Ate Bella ay kinausap ko ang Koshi. Ako ay tumabi kay Jing ngunit parang may kakaiba na rin akong nararamdaman sa aming barkada. “Tumingin ka nga sa aking mga mata,” nais ni Freya at napatingin din ako. “Magsabi ka nang totoo sa akin!” “Magkaibigan lang ba talaga kayo?” “Pati ba naman kayo?” “Gusto lang namin linawin kasi ang hirap na sasama ka lang sa amin kapag kailangan mo kami.” “O baka naman nag-away silang apat kasama ng mga ate niya,” sabi naman ni Cassy. “Guys, tigilan ninyo na siya at baka tuluyan pa siyang lumayo sa atin. Minsan na lang siya tumabi. Isa pa ay babawi siya upang pakopyahin tayo ng sagot.” Natutuwa talaga akong may kaibigan din akong katulad ni Jing na nariyan kahit ako pa ang mali. Nagsalita pa ang mga babaeng Koshi na naiintindihan pa nila ang pagsama ko sa Squadrangles. Ngunit ang sumama pa raw ako sa grupo nina Marisa at Aira ay nakakatampo na. Nararamdaman ko na gusto nilang ako ay mamili na. “Tignan mo si James, ang bait niya pa rin, parati,” pagkukumpara naman ni Issah. Ang nais ko na magkaroon nang maraming kaibigan ay sobrang tagumpay. Ngunit nahihirapan na rin talaga ako pagka't hindi ko alam kung kanino ako dapat na tapat. Kung saan tatabi ng upuan, kung kanino sasabay kakain at kung sino ang kakausapin. “Ayos ka lang ba?” Katanungan ni Onse matapos ang aming aralin. “May nagawa na naman ba kaming mali?” “Gusto ko lang tumabi sa kanila kanina at ayos lang ako.” “Magsabi ka lang sa akin.” Nagpasalamat ako hanggang sa nakita ko si Ate Bella at ako ay tinitigan nang malalim. Ipinaliwanag niya na hindi ko raw siya kailangan na sundin. Nagbabala lamang daw siya para sa akin. Kung ano raw ang gusto ko ay iyun ang gawin ko. Bago matapos ang araw ay ipinaalala niya kung paano kami unang nagkakilala ni Onse. Marami na raw naging karelasyon ang nag-iisang si Enrique Cassanova habang ako ay wala pa mula nang ipinanganak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD