KABANATA 007: FALLING IN TWO YOU

2592 Words
Bago ko simulan ang kabanata na ito ay nais ko munang ikwento ang unang naging kamalian ko para sa aming propesor. Sabihin natin na unang engkwentro namin. Ang dahilan kaya galit na galit siya ay noong nag-post ako ngunit may nauna pa. Dahil sa ilang beses ko na rin siyang nabanggit ay papangalanan na natin. Siya ay si Sir Markus Ricardo Concepcion, bukod sa siya ang advisor namin sa lahat ng major subject ay siya rin ang chairperson ng Nursing. Noong first year pa lang kami ay halos umiyak ako sa unang pagsusulit namin sa aming major subject na Theoretical Foundation of Nursing. Halos kabisado ko na ang buong mga lesson ngunit ako ay lubos na nahirapan. Nang dahil doon ay may nagawa akong nakakaloka sa aking test paper. “Guys, ang hirap ng exam!” Sabi ko habang sila ay hindi natutuwa. “Matalino ka, Lint. Hindi kami naniniwala na mahirap iyun para sa'yo. Isa pa ay paano naman ang scores namin kung ganiyan ang naiisip mo?” Salaysay ni Freya nang lumabas si Jing. “Mukhang patungo si Sir Concepcion sa ating kinaroroonan,” hinala ni Jing habang pinagmamasdan ang isang lalaki. Lagot! “Ikaw ba si Mr. Montefalco?” Katanungan ni Sir kay Jing na nakatayo sa labas ng kubo. Kami kasing magkakaibigan ay tumambay muna sa kubo habang hinihintay ang susunod na klase. “Ikaw ah, ano iyung nilagay mo sa test paper mo?” Makita pa lang namin si Sir ay kinakabahan na kami. Lahat nga kami sa kubo na iyun ay takot na takot sa kaniya. Nagtawanan din pagka't napagbintangan niya nga si Jing. “Ako po si James Grey at siya naman po si Daniel Montefalco,” pagpapakilala ni Jing kaya nilapitan ako ni Sir. “Ah, hello po Sir!” Pagbati ko habang nakayuko at gusto kong tumakbo pero nasa bunganga siya ng kubo. “Napansin pa po pala ninyo iyun?” Ako ay napatingin sa aking mga kaibigan at ang pulso ko ay sobrang bilis nang pintig. “Bakit mo naisulat iyun?” Napatingin ako kay Sir at napakamot pa sa ulo. Ang hirap nga kasi talaga ng examination at wala sa naging lesson niya. Nagawa ko tuloy magsulat sa last page, sa itaas mismo ng qoute ang isang phrase. TFN SUCKS! “Ang hirap po kasi Sir talaga ng exam ninyo pero hindi na po mauulit.” “Tatandaan kita!” Pagbibiro ni Sir at umalis din pagkatapos ay ipinaalam ko sa aking mga kaklase ang aking ginawa. “Ang puso ko kanina,” sabi ng isa kong kaibigan na kabado pa sa amin ni Jing. “Pero mukhang tama naman ang mga nakopya ko,” sabi naman ng isa. Sa maniwala kayo sa hindi ay nakasali pa ako sa top ng exam na iyon pero kinakabahan na rin. Inaasahan ko na sa susunod na mga araw ay magiging laman ako nang paksa ni Sir. Masyado kasi talaga akong isip-bata kaya hindi ko napipigilan ang aking mga ginagawa. Napagbintangan naman si Jing dahil sa madalas kasi na nalilito ang mga tao sa amin pagka't may pagkakapareho raw kami. Ang katangian na iyun ay hindi ko nagugustuhan. Iniisip ko na lang na kami ay matalik na magkaibigan. Ang nais kong ipaalam ay ang madalas na husgaan ang aming pagkatao. Siguro noong unang pagkikita namin ay nahusgaan niya rin ako. Halimbawa noong araw na niyaya kami ni Aira na magtungo sa canteen ng Education. Kami raw kasi ay ililibre niya at hahanapin namin ang crush ko. “Si Daniel Montefalco nga pala,” pagpapakilala niya akin sa mga kaibigan niya sa nasabing college. “Kaklase ko na kaibigan at baka isipin na naman ninyo na boyfriend ko pero single siya.” Ang dami talagang endorsement ng friend ko kaya hiyang-hiya na ako. “May itsura din pero....” sabi ng isa ang napatingin kay Jing. “Ano?” “Eh, Aira naman kasi. Bakit lahat nang ipinapakilala mo sa amin ay katulad ni James?” “Hindi bakla ang mga kaibigan ko mga sis, parang lang,” sabi ni Aira at tumawa pa. “Ikaw ang nagsabi.” “Ang totoo ay naghahanap nang magiging girlfriend si James at si Daniel naman ay nais makita ang crush niya,” paglilinaw ni Aira at nagkatinginan ang kaniyang mga kaibigan. “Ede, ikaw na talaga ang may mga kaibigan na gwapo!” Pagpaparinig ng isang babae nang dumating ang kaklase nilang lalaki na may gusto sa kaniya. Nagkatinginan na lang kami ni Jing at para bang gusto na rin niyang umalis. Lalo pa kaming hindi naging komportable pagka't naghahanap pa lang ng boyfriend ang mga kaibigan niya. Hindi naman talaga siya naghahanap nang girlfriend. Pasensya na rin kasi study first ang goal ko at saka hinahanap ko si Crush. Mabuti na lang din at masaya talagang kasama si Aira. Sa paglipas ng mga araw ay ang Squadrangles na ang parati kong kasamang kumain ng lunch kasama rin sina Ate Bella at Ate Kylie. “Nora, ilan na ba ang naging boyfriend mo?” Bigla kong katanungan pagka't gusto ko lang. “Bakit gusto mo bang maging boyfriend kita?” Kasagutan niya at ako ay nilapitan. “Eh, para kasing ang dami na, kasi ang dami mong gusto.” “Maganda lang ako pero no boyfriend since birth ako,” sabi niya ngunit hindi ako naniniwala. “Parang si Joda pero mas maganda ako.” “Dapat pala talaga ay si Jing ang naging close natin kasi single din siya since birth,” singit ni Joda. Si Jing naman kasi talaga ang unang naging close namin pero loyal siya sa Koshi. Minsan nga ay niyaya namin siya na sumama pero hindi niya gusto ang ugali ni Onse. Hindi na rin namin pinilit. “Eh ikaw ba, Lint? Ayaw mo na bang maging single?” Katanungan naman ni Joda at pipikunun ko siya. “Alam namin na gusto mo nang magka-boyfriend pero hindi pumasa sa standards namin na boy bestfriend mo ang nanliligaw sa iyo,” sumbat ko pagka't sa dami nang manliligaw niya ay pinapakialaman namin ni Onse. “Ano ba ang feeling na magkaroon ng boyfriend, Kuya Enrique?” Katanungan ni Joda at nagkatinginan kami ni Nora. “Single ako kaya huwag mo akong sinusubukan,” medyo na-offend na nang-asar pa si Onse. “Kumain na nga tayo,” yaya ni Ate Bella matapos silang magbanyo ni Ate Kylie. “Ito kasing si Montefalco ay kahit anong topic ang gustong pag-usapan,” pang-iinis ni Nora at naglakad na kaming anim ngunit pinagtripan namin siya Ate Bella. Ang kaniyang ex-boyfriend na malaking lalaki na siyang kapatid na aming kaklase ay dumaan. Kahit mahilig sa babae si Ate Bella ay nagkaroon siya ng boyfriend. Nagsigawan nga kami dati noong sinundo siya. Sa canteen ng CIT kung saan kay raming mga estudyante ang nakapila para sa sampung piso na pastil. Ang iba naman ay naghahanap ng bakanteng mauupuan ng kanilang grupo at naghihintay na matapos kumain ang iba. Nang makahanap kami ng upuan ay nagpresenta ang dalawang ate na pumila matapos mag-abot ng bente ang bawat-isa at pang-cheap in ng isang litrong pepsi. “Huwag tala kayong umalis dito at baka maagawan pa tayo ng pwesto," paalala ni Ate Kylie bago pumila. Sa aming kinauupuan ay may nakasalamuha kami na kapatid ng kaibigan ko noong high school. “Oy, jowa mo siya?” Tanong ni ate na akala mo kung close kami. Hindi ko pinansin pa si Ate kasi hindi nga kami close. Isa pa ay sobrang judgemental niya. Hanggang sa magulat ako nang umupo si Onse sa aking harapan. “Lint, may itatanong ako sa'yo.” Napatingin lamang ako sa kaniya pagka't ayaw kong magsalita dahil sa nakatingin si Ate. “Paano kung ma-fall ako sa'yo?” Tangina, lokohan! Ako ay nagalit pagka't nakakahiya. Ipinapapahiya niya ako at nakatingin si Ate na judgmental. Itong sina Nora at Joda naman ay kumantyaw. Ano bang nakain ni Onse para ako ay pagtripan sa maraming mag-aaral? “Gutom lang iyan!” Nakakabweset! It's really embarrassing. Kami ay kapwa na lalaki. Hindi ko kayang ilabas ang aking tunay na nararamdaman sa mga oras na ito. Hindi ko alam ko ako ba ay magagalit o hindi kasi kami ay matalik nang magkaibigan. “Mabuti naman at umalis na sila,” sabi ni Ate Kylie nang makabalik. Tumulong na si Onse sa pagkuha ng mga patil habang si Joda naman ay kumuha ng tubig at baso. “Oh, bakit tahimik na naman itong abnoy?” Pagtataka ni Ate Bella. “Bweset kasi si Onse, ang daming tao!" At napatingin pa ako sa lahat. Nag-usap si Nora at si Ate Bella nang mata sa mata. “Yeeeee!” Pang-aasar pa ni Ate Bella. “Guys, tigilan ninyo na si Lint at kumain na lang tayo,” sabi naman ni Ate Kylie pagkatapos ay nagtawanan ang aming mga kaibigan. Habang naglalakad kami pabalik sa Nursing ay muli pa nila akong napagtripan. “Lint, what if ma-fall talaga ako?" “Montefalco, oo o hindi lang naman at saka may mawawala ba?” Pakikisabay ni Ate Bella sa kalokohan. “Seryoso ako, Lint!” Napatingin ako sa kanila at napansin kong kanina pa tahimik si Joda. Nilapitan ko siya ay hinawakan ang kamay. Nauna kaming umalis pagka't ako ay sobrang naiinis na. Nang makarating kami sa Nursing ay dumeretso sila sa labas ng guidance upang magpalamig. Ako naman ay nagtungo sa silid-aralan doon sa ikalawang palapag. Iniisip ko pa rin ang kahihiyan na dulot nang pang-aasar ni Onse. Naisipan kong balikan sila sa Guidance room matapos akong maging okay. Sa hagdan pa lang ako ay naririnig ko na ang kanilang mga hiyawan na para bang kinikilig. Nagtungo muna ako sa banyo bago dumeretso. Nadatnan ko sa isang upuan si Joda na napipikon at namumula rin. Pagkatapos ay nagkatiyawan muli ang lahat nang lumabas si Onse mula sa room ni Ma'am Guidance. Siya ay umupo sa harap ni Joda na hindi alam ang dapat gawin. “What if ma-fall ako sa'yo?” Katanungan ni Onse para kay Joda at naghiyawan muli ang lahat. “Kuya, magkaibigan tayo!” “Pero crush mo siya,” kampi ni Nora kay Onse at ang lahat ay pinipilit si Joda na sumagot na. Bagay na bagay raw sila. Nagpatuloy naman ako sa pagpasok at sumali na rin sa kantiyawan. Aminado akong ako'y nakaramdam nang sakit ngunit dahil iyun sa kahihiyan kanina sa canteen. Masaya ako na si Joda ay natanong ni Onse. Bagay talaga sila! Hindi pa rin makapagsalita si Joda kaya pinili na maging tahimik hanggang sa ako ay nakita na ni Onse. “Nagkakatuwaan lang naman tayo,” paliwanag ni Onse kaya umalis si Joda nang dahil sa naramdaman na hiya. Kung tunay kasing may pagtingin si Onse sa kaniya ay mutual sila. Naiintindihan naming apat ang nararamdaman ng bawat isa. May pagtingin si Joda kay Onse kahit hindi niya pa sabihin. “Joda...” tawag ko ngunit pinigilan ako ni Ate Bella. “Ang gago kasi ng joke mo!” Sumbat ko kay Onse dahil nasasaktan ako para kay Joda. “Nagseselos ka yata?” Pang-aasar ni Kian at pinigilan ako ni Ate Kylie na sumagot pa. “Wala kang alam!” Ako ay umalis upang sundan si Joda na tahimik sa loob ng silid-aralan. “Ayos ka lang?” Katanungan ko at hindi niya ako pinapansin. “Be matured, aso! Ang panget mo kapag nakasimangot!” At pinagtawanan ko siya kasi alam kong magsasalita siya. “Mag panget ka!!!” “Huwag mo nang isipin ang pambubweset niya, ako nga ay sobrang mas naiinis dahil sa kanina.” “Ang kapal niya, feeling sobrang gwapo,” at dumating ang iba namin na mga kaklase. “Akala ko pa naman ay friends lang tayong apat! At dahil doon ay ayaw ko na siyang maging friends. Aalis na ako sa grupo,” at ako ay natatawa sa kaniyang pagiging isip-bata. Ang cute. Nilapitan na siya ni Nora upang mapatawa at ako naman ay nagtungo sa kinauupuan nang mga kaibigan kong Koshi maliban kay Cassy. Pumunta ako sa Koshi na nagpapahinga sa kubo at hindi nila ako pinapansin. Nagtatampo na talaga sila sa akin. Ngunit ako ay makulit kaya wala silang magawa kundi ang kausapin ako. Kaibigan daw nila ako kaya welcome ako sa kanilang barkada kahit minsan ko na lang sila maalala. “Ano bang nangyari kay Joda?” Katanungan ni Freya sa akin. “Pinagtripan din ni Onse matapos akong pagtripan kanina sa canteen ng CIT!” “Alam mo hindi talaga namin siya gusto, tignan mo at nawawalan nang oras si Nora sa amin,” sabi naman ni Issah. “Ano ba kasing trip niya?” Hindi ko na nasabi pa pagka't malalaman din nila sa iba. “Parang gusto nina Joda at Onse ang isa't isa pero Lint may tanong ako. Kaibigan mo kami kaya sagutin mo kami nang totoo. Ano ba talaga kayo ni Onse?” “Freya naman!” Tanging nasabi ko at ako ay napikikon na talaga. “Ede ba, parati mo siyang nakikita na may kasamang lalaki? Ipinaalam mo sa lahat kung anong klase siyang lalaki. Kaibigan ka naman namin kaya hindi mo kami maloloko.” “Tama na baka mapikon pa siya,” pagtigil ni Jing sa aming usapin na maging siya ay pinagduduhan nila ang kasarian. “Kung ganoon ay sa amin ka tumabi ngayon,” nais ni Freya hanggang sa dumating na ang propesor namin sa minor subject. Ako nga po si Daniel Montefalco at nang dahil sa mga pangyayari sa araw na ito ay labis akong naguguluhan. Hindi ko alam at hindi rin ako sigurado. Mali ang naiisip ng aking mga kaibigan na ako ay isang bakla ngunit hindi ko rin kayang maging matikas. Halina't samahan ninyo akong alamin pa ang aking pagiging curious sa aking sarili. “Mauuna na kaming umuwi ni Joda,” paalam ko kay Nora na sasabay uuwi sa aming barkada na Koshi. “Hindi ninyo ba talaga siya papansinin?” “Nora, matagal na tayong makakaibigang tatlo kaya hindi natin siya kailangan,” paliwanag ni Joda sa sumakay na kami sa sikad. “Lint, sana hindi ka magalit sa akin,” bigla niyang sabi nang kami ay makaupo. “Bakit naman ako magagalit? Natutuwa pa nga ako!” “Nakita mo ang reaksyon niya nang dumating ka.” “Joda... friends lang tayong apat. Okay?” Nasasaktan talaga ako para sa kaniya pagka't babae siya ngunit alam namin na lalaki ang gusto ni Onse. “Oh, ako na magbabayad ng pamasahe mo,” sabi ko nang mapangiti ko man lang siya. Sana naman ay maging maayos din kaming apat matapos ang kagaguhan ni Onse kanina. Bakit niya na kasi naisip na gawin at sabihin amg mga bagay na iyun? Gusto kong maniwala na naglalaro lamang siya. Naguguluhan kasi talaga ako pagka't ang totoo ay may pagtingin din ako kay Joda kaya walang pumapasa sa mga manliligaw niya. Gusto ko rin magtapat sa kaniya ngunit mas matimbang ang aming pagkakaibigan. Isa pa ay alam kung sa paglipas ng mga araw ay mawawala rin ang nararamdaman ko. “Montefalco, mabuti at dumating ka pagka't mukhang na-fall na ang kaibigan natin,” salubong ni Gigi na kinikilig para sa aming kaibigan. “Kapag ako lagi ang mainis ay magtago na kayo.” Sabi ni Nova na pikunin talaga. “Akin na ang mga bigas ninyo bago pa magbago ang isip ko.” “Sana may manligaw rin sa akin,” nakangiting sabi ni Gigi na wala ring kasintahan since birth. Naalala ko tuloy ang pagpapahiya ni Onse kanina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD