Sa pasilyo ng Nursing nang biglang magtago sa silid-aralan ang kinakabahan na si Joda. Itong si Nora naman ay tumitili at para may pinagmamasdan sa malayo. Dumaan pala ang crush ni Joda kaya siya ay mapipikon na naman. “Bakla man ‘yun!” Sambit ni Onse at tumawa pa. “Ang gwapo pa rin niya at bagay sila ni Joda,” paliwanag ni Nora na pumasok na rin sa loob. “Mabuti na iyun kaysa sa'yo pa ma-fall tapos pinapaasa mo lang!” “Ako paasa?” “Oo!” Sumbat ko habang ako ay nakatingin sa workbook. “Kung mag-study kaya kayo? Baka may surprised quiz mamaya.” “Papakoyahin mo naman kami,” pagbibiro ni Nora hanggang sa magkatinginan sila ni Onse. Ako ay nilapitan ni Onse pagkatapos ay kinuha ang workbook. Ang inaakala ko ay mag-study rin siya at naiwan lang ang workbook. Ilang sandali pa ay nakangiti

