Buwan ng Disyembre nang mangyari ang aming pangunguhing pagsusulit para sa aming finals. Bago kami magsimula ay ibinigay muna ni Sir Markus ang kaniyang mga patakaran. Isa na rito ang nakakatuwa ngunit hindi kaaya-aya na rules. “Whoever be included in the top ten for this final examination will be already passed this semester!” Kahit hindi ka pa pumapasok o kahit sobrang mababa ka sa mga naipon mong outputs. Isang oras ang panahon para matapos namin ang pagsusulit. Halos isang-daan kaming Nursing students. Hindi naman ako handa sa magiging final examination. Sa kadahilanan na nawawalan ako nang gana pagka't situational ang items at wala sa once in a blue moon na lecture ni Sir. Bago magsisimula ang klase ay napatingin na ako sa mga cheating arrangements at nararamdaman ko ang mga kodigo

