Niyaya ko nang pumasok si Onse sa loob ng audio visual room ngunit dumaan ang kaibigan niyang si Dino Dantes. Ako naman ay tumuloy na pagka't gusto kong magpalamig. Marami nang dumating at ako ay umupo na sa tabi ni Jing. Nag-uusap lamang kaming dalawa at nag-aasaran. Wala, sobrang komportable namin sa isa't isa. Napansin kong tahimik na pumasok si Onse at umupo sa isang tabi. “Kay Jing muna ako tatabi,” pagpapaalam ko kay Onse na sang-ayun naman habang abala sa kaniyang phone. Ilang sandali pa ay naikwento ko ang aming naging alitan ni Nova. May balak na umalis si Jing sa Plang Village kaya paglipat ng boarding house ang naging payo niya sa akin. Nagkayayaan kaming lumapit ngunit pag-iisipan pa raw niya. Matapos ang aming klase sa umaga ay kinausap ko naman si Karen. Away-bati kami

