Naghiwalay kami noong Valentine's Day ngunit para sa akin ay walang kahulugan iyun. Pagkatapos ng isang linggo kung saan aking kaarawan ay naghiwalay kaming muli. Gusto kong makipagbalikan ngunit inaasahan kong maghihiwalay na naman kami sa susunod na linggo. Opo, hindi pa rin kami nagpapansinan kahit muntik na kaming magsubuan kagabi. “Nawasak na siguro ang kweba ni Montefalco,” pang-aasar ni Jerdy habang kami ay nasa labas ng guidance. “Ang aga pa,” sabi ni Onse kahit nagagalit sa akin. “Eighteenth birthday niya tapos walang nangyari? Huwag kami ang lokohin ninyo. Cassanova ka pa!” Saloobin naman ni Kian na tawang-tawa. “Wasak na si Montefalco!” “Hindi kami magkatabing natulog noong birthday ko, sapat na ba iyun?” Pangangatwiran ko at dumating si Jing. Napatingin ako kay Onse at

