Iniwan akong nag-iisa ni Onse sa aming kwarto. Kung saan ako ay nilalagnat at inuubo habang siya naman ay makikipagkita sa isang kaibigan. Ano man ang kaniyang sabihin ay iisipin ko pa rin na may mangyayari sa kanila. Kahit pagtayo ay hindi ko kaya hindi niya ako masisi. “Binilihan kita ng softdrinks,” sabi ni Joda nang makapasok sa kwarto. “Kumain ka na ba?” “Hindi ako nagugutom,” sabi ko habang iniinom ko ang kaniyang dala. “Hayaan mo na si Onse at babalik din siya.” “Sa tingin mo ba ay kaibigan niya lamang iyun?” “Kilala natin siya pero huwag mo muna siyang isipin dahil baka lalo pang lumala ang sakit mo.” Naninibago ako na siya ay may malasakit pala. Hindi iniwan niya naman ako iniwan sa aking kwarto. Siya ay nasa kama lamang ni Onse habang hawak ang kaniyang phone. Labis ang ka

