Maaga pa lamang ay kausap ko na sa chat ang kasintahan ni Liel na si Amaya Urduja. Siya rin ay kaklase at kaibigan namin nina Digra, Taylor, Julia at Sandara noong high school. Kinausap ko siya pagka't ngayon ay kaarawan ng crush kong si Sandara. “Sure ka na ba talagang pupunta ka?” Katanungan ko pagka't kinakabahan na ako kaagad. “Malapit lang ang bahay nila sa amin ngunit pupunta ako kung may kasama ako.” “Oh sige, kakausapin ko muna ang ibang mga kaklase natin.” Pagkatapos ay lumabas na ako ng kwarto at sinalubong ako nang pagiging simangot ni Nova. Nagdadabog pa siya at hindi maayos ang pananalita. Naiinis kasi siya na madalas makitulog sina Onse, Joda at Nora pagkatapos ay nag-iingay pa kami. “Bakit hindi rito natulog ang mga new best friends mo?” “Nagkaroon ka lang ng boyfriend

