MITCH' P O V " Ito na ang isa sa pinaka masayang araw ko, Love! " bakas sa boses ni Dax na galak na galak nga s'ya. " I'm happy for you! " masayang tugon ko naman, " Ako naman noon halos lahat napuntahan kong peryahan at arcades kasama ang mga magulang ko kapag walang work si Papa. " nabahiran naman ng kaunting lungkot ang boses ko sa pagkaka- alala sa aking mga magulang. " Mabuti ka pa! " tila may inggit namang wika n'ya, " Ako, ayaw payagan nila Mommy at Daddy, kaya ko lang na- experience noon ang mga larong kalye dahil sa Papa mo. No'ng minsang dumaan kami sa bahay n'yo dahil may binili s'yang gatas at diaper para sa'yo e may nakita akong mga naglalarong bata sa kalye. Naki- usap ako noon kay Mang Robert kung pwede ba akong makipag laro kahit sandali lang. Ayaw pa nga n'ya noong un

