MITCH' P O V " Over fatigue, need mong mag- rest muna ng dalawang araw. Bago ka mag trabaho ulit, Ms. Torres. " masuyong paliwanag sa akin ng Nurse sa clinic ng company na pinagta trabahuhan ko. Mayroon na akong malay tao at naka upo sa silya sa harap ng table n'ya. Katatapos n'ya lamang akong tulungan na makaupo rito mula sa hospital bed. Bumalik na rin sa department namin ang co- worker kong nagdala sa akin dito. " Thank you! " kiming saad ko naman, nagbilin pa s'ya ng mga dapat at hindi dapat gawin. " Kaya mo bang umuwing mag- isa? Absent ka yata ang kaibigan mo? Wala ka bang makakasabay? " sunod- sunod nitong tanong pero nandoon ang concern n'ya. " I'm okay, thank you, ilang taon na akong orphan. Ito pa bang pag- uwi kong mag- isa ang hindi ko makakayanan? " pilit ang

