MITCH' P O V Matamlay pa rin nang magising ako kinabukasan, laking pasasalamat ko nga ng hindi namaga ang gilid ng mga mata ko. Dahil ito pa naman ang first day of work namin ni Josie sa Manufacturing business ng family nila Dax. " H'wag ka na muna kayang pumasok, ipag paalam muna kita kay Ate Dolly. " masuyong anas ni Dax nang maramdaman n'ya sigurong mabagal ang kilos ko. Si Ate Dolly naman kasi ang CEO roon. " N- No! I'm okay! Kaya ko naman tsaka nakakahiya sa Ate mo, first day ko pa naman sa work. " mariing tanggi ko naman, hindi ko lamang nga masabi sa kan'yang broken hearted lamang ako kaya ako walang ka sigla- sigla sa katawan na kung tutuusin sana ay masaya at excited ako dahil nga sa wakas ay mayroon na akong trabaho at hindi Ako nahirapan na maghanap. " Are you sure, hmmm?

