MITCH' P O V " Are you sick, Love? " concern na tanong ni Dax sa akin habang kumakain kami ng dinner, hinawakan pa nito ang noo ko at leeg. " Hindi naman ah! Bakit matamlay ka? " usisa pa nito Uminom muna ako ng tubig sa basong nasa harapan ko, " Napagod lamang siguro ako sa pamamasyal namin ni Josie. " kiming saad ko naman sabay iwas nang tingin sa kan'ya. Nangingilid na kasi ang mga luha ko at baka makita pa n'ya kaya naman uminom ulit ako ng tubig para mawala ang nakabara sa aking lalamunan. Pinilit ko nga lamang kumain para hindi s'ya mag- usisa pa dahan kanina pa kami naka uwi ni Josie. Kaya alam n'yang gutom na ulit ako ngayon. " Ubusin mo na iyang nasa plato mo para makapag pahinga na tayo agad. " malambing naman n'yang wika kaya naman tumango lamang ako at nakagat ko pa ang

