Chapter 18

1861 Words
Chapter 18 “Rest, Gigi…” Iyon ang huling sinabi ng doctor na nagbabantay sa akin dito sa Korea bago siya tuluyang lumabas. Ang nurse na kasama na nagbabantay sa akin simula ng dumating ang bisita ko ang tumawag sa doctor nang mag-breakdown ako. I was assessed and checked for some fluctuations in my health. Okay na naman ang pakiramdam ko kaya hindi rin nagtagal at umalis na sila. I was now comfortably lying in my bed while my cousin was sitting in a hospital stool beside me. Kami na lang dalawa ang nasa kwarto ngayon. And she’s holding my hand…tightly…as if she was praying on it. Dumating siya kanina noong katatapos ko lang mag-lunch. She hurriedly embraced me and cried on my shoulders. I immediately recognized her even though she has now possessed a bright red haired color and my recent memory of her was when we were still in high school. She kept saying sorry…na wala siya sa tabi ko noong na-hospital ako. She said sorry for so many things that I don’t have any idea. I don’t know how to respond to that because I literally do not remember anything about what happened to me…so I just smiled at her…in the hope that my smile assured her that she will relax. She also mentioned that before she came here and barged in my hospital room, she was briefed on my condition, latest update on my recovery, and the things I already remember. Good thing was…naaalala ko na siya kaya pinayagan siyang mabisita ako. “But it was a risk. The doctor told me to be careful because you might faint upon seeing me. I’m sorry, sinunggaban agad kita ng yakap…I just really…missed you.” Marahan akong ngumiti. “Ayos lang ‘yon. Ano ka ba.” Silence enveloped us. Natawa naman ako. “From what I remember so far, you are talkative. What happened now?” Magaan na ngiti ang binigay niya sa akin ngayon unlike from previous smiles she gave me, she looked very…tensed. She somehow eased herself at the moment. “I’m just being careful, okay? Baka sa kadaldalan ko ay may masabi ako at bigla kang mawalan ng malay.” “You literally just showed me a video I don’t yet remember.” I reminded her. Hindi ko alam kung ipagpapasalamat ko na hindi ako nahimatay o hindi sumakit ang ulo ko habang pinapanood ‘yon or what. “Of course, I asked permission ‘no before shoving it in your face. I’m not dumb anymore…” umirap siya at saka binitawan ang kamay ko. She crossed her arms in her chest at lumipat ng upuan sa sofa sa ‘di kalayuan. Sumandal siya doon habang nakahalukipkip pa rin at pinatong ang kanang paa sa kaliwa. “Anymore?” tanong ko. Gustuhin ko mang maupo para makausap sya ng maayos, hindi ko magawa dahil inaantok na rin ako sa kaiiyak kanina. “I-alog mo utak mo para maalala mo. i will not f*****g give you a bedtime story here.” Napatingin naman ako sa kisame. “Sleep, my favorite cousin. You’ll need the energy…soon...” “Ako lang ang pinsan mo.” She scoffed. “You better retrieve your memory when you wake up later, or ako na lang mismo magkwekwento sa’yo ng talambuhay mo.” “Oh, sure I will.” I let myself relax. And then I drifted into sleep. “Gising na, b***h. Paparating na ang mga bwisit.” siniko niya ako. Sumilip ako sa pagitan ng braso ko at tiningnan kung sino ang tinutukoy ni Ash. Nakita ko na naglalakad papasok ng library si Wensley na nakikipag-tawanan sa isang lalaking kaklase niya. “Manliligaw mo, Gi!” malakas na sabi ni Eric na nakaupo pala sa harap namin. Umayos naman agad ako ng upo at pabulong na sinaway siya. “Hoy! Ano ba?!” “Gane Georgia!” tawag sa akin ni Wensley. Tuluyan na akong napapikit na mariin. Napaka-wrong timing talaga ng pagsulpot ng lalaking ‘to! Matutulog ako eh! Inayos ko na ang mga nakalabas kong notebook at mabilis na pinasok sa bag ko. Hindi na ako nag-abala pang ayusin ang pagkakasalpak ko. Aayusin ko na lang siguro sa bahay. Nagpasya akong tumayo at tumingin kay Ash. “Hindi pa ba tayo aalis?” nagtatakang tanong ko sa kaniya. Usually, kapag ganitong darating na ang grupo nina Wensley ay lilipat kami ng matatambayan. Minsan ay magpapalipas kami ng oras sa canteen o sa mismong tapat ng TLE classroom na kami maghihintay. Ngayon Grade 8 na kami, hindi ko pa rin alam kung bakit malaki ang inis o galit ni Ash sa kambal. Kasa-kasama kasi ni Wensley iyon palagi—sila sila ni Kuya Ron, Dan, Peter, minsan kasama si Phoebe, at ang iba nilang kaklase o kasama sa SSG. Hindi ko naman tinatanong kung bakit siya nagagalit sa kambal at hindi niya rin naman sinasabi kaya hindi ko na siya pinapakialaman sa usapin na iyon. Baka sa inis niya sa kambal na ‘yon ay madamy ako kapag nagtanong at ‘yon pa ang maging dahilan kung bakit magalit din siya sa akin. Iyon ang rason niya kung bakit kami lumilipat ng pwesto. On the other hand, ang rason ko naman ay si…Wensley. After ng field trip namin September last year, hindi niya na ako nilubayan. I thought it was because of the phone. I was willing to let him borrow naman if he needed it badly, pero ni isang bese ay hindi niya nabanggit ang tungkol sa phone kaya nagtaka na ako. At first, ang napapansin ko lang ay kahit na sa third floor ng Building A ang classroom nila, palagi ko siyang nakikita na dumadaan sa classroom namin sa second floor kapag papasok. I thought it was normal. Sumasabay din siya sa amin na mag-lunch, pero tuwing nandyan lang si Kuya Ron. Kaya naisip ko na baka sumasabay lang siya kay Kuya Ron. However pagka-sembreak ng October, sa f*******: niya na ako hindi tinigilan. Halos araw-araw siyang nag-c-chat. Ang mga chat niya pa ay mga walang kabuluhan like magtatanong siya if kumain na ba ako? Anong ginagawa ko? Malugod ko naman siyang sinasagot dahil kapag hindi ako nag-reply ay sunod-sunod na ang chats niya. Gigi Tandoc: Akala ko ba wala kang cellphone? Wensley Daluz: Wala nga : Nasa computer shop ako dito sa Gate 3. Pero mamaya ay mag out na rin ako. Huwag mo kong mamiss agad hahahaha ^_^ Oonline ako mayang gabi :* I just let him do what he wants. Buhay niya naman ‘yan. Hindi naman siya nakakaabala sa mga ginagawa ko sa pang-araw-araw kaya hindi ko na siya sinaway pa. Even during the Christmas break, nag-chat pa rin siya. I forced myself to believe that it was all normal. I justified his action unconsciously. Nag-me-message rin naman ang iba kong mga kaklase at kaibigan, kaya bakit sa kanya ay ma-bo-bother ako? Bakit ko lalagyan ng meaning? “Happy Valentine's Day, Mama!” I shouted pagkalabas ni Mama at Papa sa kwarto nila. Around 5am ay gising na kami ni Papa para i-surprise si Mama. He planned the surprise early in the morning para dinner-out and relax na lang daw kami mamayang gabi. Supposedly, kaming dalawa ni Mama ang i-su-surprise ni Papa. Naalimpungatan ako at nauhaw kaya bumangon ako para uminom ng tubig. Nakita ko siyang nagdidikit ng letter balloons sa sala kaya tinulungan ko na lang siya. “Hay nako! Sabi ko huwag na mag-surprise!” sabi ni Mama pagkatapos niya yakapin si Papa at halikan sa pisngi. Lumapit na rin ako dala-dala ang malaking bouquet ng flowers para kay Mama. “Sabi mo huwag kang i-surprise sa office. So…I surprised you here!” palusot ni Papa. I started the morning right that day. Kahit na may pasok kami nang araw na iyon ay naging magaan lang naman ang mga lessons at wala assignments na binigay para sa kinabukasan. “Kakain din ba kayo sa labas mamaya?” tanong ko kay Kuya Ron habang papalabas na kami ng school. Maaga ang uwian namin ngayon dahil wala kaming TLE class at wala ring klase sina Kuya Ron kaya nag-decide kaming magpipinsan na magsimba muna sa Binondo Church bago umuwi. “I’m not sure. Baka sina Daddy lang din kasi may gagawin ako pag-uwi.” tamad niyang sagot sa akin. Kung anong kinadaldal ng kapatid niya, siya namang kinatamad magsalita nitong lalaking ‘to. Lumingon naman ako sa isa ko pang pinsan na nasa likod ko. “Ikaw, Ash?” Kumibit balikat naman siya. “Ma-OP lang ako kapag sumama ako at wala si Ku—Everon.” Marahas naman na bumaling si Kuya kay Ash. “You called me what?!” gulat na gulat ang mukha niya kaya natawa ako. Inirapan lang siya ni Ash kaya mas lalo akong natawa. I decided na asarin pa siya para mas lalong mahiya. “Tinatawag ka kaya niyang Kuya kapag kami lang dalawa!” Mas lalo namang nanlaki ang mata ng lalaki. “Wow! Nagbabago ka na talaga! Hindi ka na conyo, alam mo na rin ang ibang slang words, mataray ka pa rin medyo modulated na tapos ngayon… wow, just wow, Astrid Heaven!” OA na sambit ni Kuya Ron. Nakalabas na kami ng gate at papaliko na sa may bakery nang may tumawag sa akin. Napatigil kaming tatlo at sabay-sabay na lumingon sa likod. “Kuya Wensley! Savior ka talaga! You’re showing up at the most difficult times!” Galing sa gate ng Raja ay patakbo siyang lumapit sa amin. “Saan kayo?!” “Magsisimba lang bago umuwi.” nang makalapit na siya ay naglakad na muli kami. “Sama ako!” maligaya niyang anunsyo. Nanlaki naman ang mata at tututol sana pero mas pinili ko na lang manahimik. “Sinong magbabantay sa Lolo mo?” Kuya Ron asked. Nauuna na silang dalawa maglakad at nasa likod naman kami ni Ash. Tiningnan ko naman ang babae at ang gaga ay inirapan lang ako bago sumabay ng lakad sa dalawang lalaki sa unahan. “Ay oo nga!” natawa naman siya. “Dyan na lang ako hanggang sa kanto.” Nakikinig lang ako sa usapan nila dahil badtrip sa akin si Ash kaya wala akong makausap…or walang kumakausap sa akin. Mabilis lang din naman ang lakad namin kaya nakarating agad kami sa kanto. “Sige p’re! Ingat pauwi!” kumaway na ang magkapatid kaya ganoon na rin ang ginawa ko. “Sige, ingat din kayo!” Nagsimula na muling maglakad ang magkapatid kaya susunod na sana ako pero biglang hinila ni Wensley ang bag ko. Magrereklamo na sana ako nang makita kong nakasukbit na lang sa isang balikat niya ang strap ng bag at may kinukuha siya sa bag niya habang nakatingin sa akin. May hinugot siyang puting card. I immediately recognized that card so I looked at him with wide eyes. “Talikod ka, ako na maglagay sa bag mo.” he said while smiling so cheerfully. Wala sa sariling tumalikod naman ako. Naramdaman kong binuksan niya ang zipper ng bag ko ay nilagay ang card doon. “Chat mo ko ‘pag nabasa mo na.” he whispered right beside my ear.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD