Chapter 17
Hindi ko na iyon naisip nang bumaba kami sa Quezon Memorial Circle. Ang nasa isip ko na lang ay ang maglaro. Something must have been triggered in me because I am really excited. That’s when I realized that physical playing has been my routine in the past years. Tila nakalimutan na siguro iyon ng katawan ko dahil hindi naman ako nakakapaglaro ng ganito sa condo or kahit na sa school these past few weeks and months.
Para tuloy akong bumalik sa nakaraan habang naglalaro kami ng patintero—iyon pala ang tawag dito sa Maynila sa nilalaro naming tubig-tubigan.
Habang naglalaro at binabalikan ang feeling noong Grade 6 pa ako, na-realize ko na last year lang pala iyon! It feels like so many years have passed by.
I assured myself naman na…it is okay to feel that.
Dahil na rin siguro sa daming nangyari nitong mga nakaraang buwan. Sa school man o sa buhay ko, in general.
First, I met my father. Bigla ko na lang siyang nakita sa harap ng bahay namin ng hindi inaasahan. I thought that in this lifetime, me being with my father will be just a faraway dream. Then all of a sudden, we left the province where I grew up. Where I had my life together…as a child. It feels like I have to leave my comfort zone and I don’t have any right to complain. From the fresh air and green scenery, I am now living in a city…as a growing teen.
“Madaya! Nakahawakan ko ‘yong buhok niya!”
“Hindi kaya!”
“Wala naman sa rule na kasama ang buhok, ah!”
“Even so! Wala na! Kayo na taya!”
Kahit na may reklamo ang grupo namin ay pumwesto na lang din kami. Sa first base ako pumwesto. Nang makita ‘yon ni Ash ay ngumisi siya.
Ngumisi rin ako sa kanya. “Ako pa ngingisian mo diyan ah. Isang taon ang training ko dito sa Lucena. Hindi pa kasama ‘yong Grade 3 hanggang Grade 5” sambit ko.
“Try me, then.”
“Okay, newly recruited batang hamog.” asar ko sa kanya.
Halata naman sa mukha niya na naasar siya. I faked a laugh. Pinahalata kong tinatawanan ko siya…para lang mas lalo siyang maasar.
Nang magsimula ay agad kong dinipa ang dalawang braso ko para tayain at harangan ang mga gustong lagpasan ang first base. May mga nakaligtas sa defense ko pero may mga nataya rin ako. Ngunit hindi naman sila ang pakay ko…itong nasa harap ko na hindi makapasok-pasok.
Si Ash na lang ang hindi pa nakakalagpas sa akin kaya sa kanya nakatuon ang atensyon ko. Wala akong balak na palagpasin siya. Wala lang, para lang maasar siya.
“Come on, Gigi! Paglaruin mo ako!” reklamo niya. Pang-apat na round na kasi namin ito. Sa tatlong beses na laro namin ay sila ang taya o defense at kami ang offense o sumusubok na lagpasan ang mga bases. Kaya halos makipag-away na sila sa grupo namin kanina para sila naman ang makapaglaro.
“Oh ano? First base pa lang ‘to, Ashtrid.” I emphasized her name para mas maasar pa siya lalo. Habang nang-aasar, pinakiramdaman ko rin ang likod ko dahil baka may pabalik na siyang teammate. Kailangan ko rin iyon depensahan kasi kapag nalagpasan nila ako ulit ay mananalo sila.
Habang dinedepensahan ko ang mga tangka ni Ash ay lumagpas ang tingin ko sa taong nasa malayong likod.
Nakangiti siya habang nakatapat sa amin ang camera ng phone ko at mukhang nag-vi-video. Napakunot naman ang noo ko. Bago pa kami maglaro ay natanaw ko siyang malayo sa amin at busy makipag-usap at mag-picture sa mga kaklase niya. Ngayon naman ay bigla siyang nandito.
Naalala kong ganoon din ang nangyari kaninang umaga. Biglang nasa likod ko na lang siya habang hinahanap ang pinsan ko.
Bukod yata sa lahing makulit at mayabang, may lahing kabute rin yata siya.
Nakuha ni Wensley ang phone sa akin dahil nahanap niya ako kanina nang makababa kami ng bus at agad na hiniram ang phone ko. Binigay ko naman iyon sa kanya at tinakbuhan niya na ako para sumama sa mga kaklase niya.
Ngayon ko na lang ulit siya nakita pagkatapos niya kunin iyon at matanaw sa ‘di kalayuan kaya nagulat ako at nasa harap ko na siya.
Nahalata siguro ni Ash na nawala ang atensyon ko sa laro dahil wala na ang tingin ko sa kaniya kaya tumakbo siya sa kanan ko. Naagaw ng mabilis niyang galaw ang atensyon ko kaya nagulat ako. Agad ko siyang hinabol. Nakita kong nakapasok na siya sa imaginary line ng first base. Kaya gamit ang maiksi kong biyas ay malaki ang hakbang ko pakanan para maabot ang balikat niya.
Pero napalaki yata ang hakbang ko dahil buhok niya ang nahablot ng kamay ko imbes na balikat niya lang. Halos lumabas siya ng first base at matumba pahiga dahil sa pagkakahigit ko sa buhok niya.
“Aray ko!” agad niyang sigaw niya. Napaatras siya sa gawi ko at napahawak ang dalawa niyang kamay sa kamay kong nakakapit sa buhok niya.
Nanlaki naman ang mata ko. Agad ko siyang niyakap kahit natatawa ako dahil sa hitsura niya!
“Hala, sorry!”
Natigil naman ang laro dahil doon.
Tawa nang tawa ang mga kaklase namin. Kitang kita nila kung paano ko nasabunutan si Ash. Hindi rin ako maka-move on dahil talagang nahigit ko siya. Kahit naman natatawa ay paulit ulit ang paghingi ko ng tawad kay Ash.
“Hindi ko aawayin ‘tong si Gigi! Talagang sagad hanggang anit ang sabunot!”
“Wagwagan pala ang talent mo!”
“Walang-wala ka pala Ash eh! Hablot lang ni Gigi, lukot agad mukha mo!” si Eric na isa rin sa naka-witness sa nangyari kahit hindi naman siya kasali sa laro namin.
Yakap yakap ko pa rin si Ash.
Nang hindi siya sumagot sa mga asar ng mga kaklase ay sinilip ko siya. Humiwalay naman siya bago yumuko. Natawa naman ako sa hitsura niya kaya niyakap ko na lang ulit dahil mas aasarin siya kapag nakita nila na naiiyak ang pinsan ko.
“Tama na! Time out na kami ni Ash!” sabi ko sa kanila. Mabuti na lang at sumang-ayon sila. Ang iba ay nag-aya pang maglaro ng ibang klase ng laro habang ang iba naman ay muling binalikan at pinagtawanan ang nangyari.
Nang makalayo ang kaklase ay binitawan ko na si Ash. “Hoy…sorry na nga eh. Hindi ko naman sinasadya.” natatawa ako kahit na pilit kong sineseryoso ang sitwasyon. Talaga kasing naiiyak siya! Mukhang masakit at malakas talaga ang pagkahigit ko sa buhok niya.
“Nakuhanan ko ‘yon ng video!”
Lumapit naman sa amin si Wensley. Hawak niya pa rin ang phone at mukhang naka-video pa rin dahil tinapat niya ‘yon kay Ash nang makalapit. “Hindi ko talaga sinasadya, promise! Nagulat na lang ako at buhok niya ang nahigit ko!”
“Stop! It’s not funny!”
Napansin kong papalapit din sa amin ang natatawang si Kuya Ron. Nakita niya rin siguro ang nangyari. Pumasok sa isip ko na baka marami ang nakakita dahil maingay kaming naglalaro kahit na open space naman.
“Hindi ko talaga sinasadya, Kuya!” sabi ko habang nakangiti. Tinaas ko pa ang dalawa kong kamay.
Lumingon naman si Ash sa kausap ko at patakbong niyakap ang kapatid. “Everon!”
Sinalubong naman siya ni Kuya. “Hey…bakit ka umiiyak?” Nakita ko ang paggalaw ng mga balikat ni Ash kaya mas humalaklak ako habang papalit sa kanila. Umiyak na siya!
“Hoy! Hindi umiiyak ang batang hamog.”
“Ito po ang may kasalanan,” sabi ng boses sa likod ng camera. Itinapat niya ang camera sa batang ako. Kita naman sa aking mata ang kasiyahan habang umiling-iling—tinatanggi ang akusasyon.
I was happy.
Ang kasiyahan na naramdaman ko sa video ay kabaligtaran naman ng nararamdaman ko ngayon habang pinapanood ang video sa cellphone sa hawak ko.
Bahagyang naka-angat ang hospital bed kaya sumandal ako doon habang nanatiling nakaupo.
I stopped playing the video and closed my eyes. The moment I closed my eyes, the unshed pool of tears in my eyes started to flow.
Kinuha niya ang cellphone na nasa kandungan ko. Nanatili akong nakapikit dahil hindi ko matanggap.
“Do…Do you remember a-anything?” maingat niyang tanong.
Hindi ko matanggap na wala akong maalala.
Bakit? It should trigger something in my brain because…technically, it was my own memory! A core memory!
It was supposed to be a nostalgic feeling that I am feeling while watching that video. I was supposed to be laughing…and not crying.
Why can’t I remember anything?!
All the frustrations…the loneliness…sadness…and all other feelings and emotions I cannot name…it all came at once. Then, I broke down.
Sinapo ko ang mukha ko at doon humagulgol. “I-I’m sorry…” I dramatically shook my head to emphasize the frustrations I am feeling.
I cannot fathom…how come I am experiencing this kind of pain?
Naramdaman ko naman ang yakap niya. Somehow, the hug feels so familiar. It was like…a safe zone in the middle of my own battlefield.
“Don’t feel sorry for the things you don’t have control with. We’ll get by…hmmm?”