Chapter 16

2012 Words
Chapter 16  Halos makalimutan ko na ang existense ng phone ko! Kanina lamang ay grabe ang pag-aaalala ko na baka mawala sa isip niya na may phone siya at mailapag niya lang kung saan ‘yon. Samantalang ako naman ngayon ang nakakalimot na may phone nga pala ako… at nasa kanya iyon! Gusto kong sabunutan ang sarili ko dahil sa mga naiisip. Hindi ko alam kung ipagpapasalamat ko ba na nakalimutan ko ang phone ko pero at least nasa kanya? O mag-aalala dahil na sa kanya ‘yon. Umismid ako sa kanya. “Edi okay? Thanks sa information?” alinlangan kong sagot. Maybe I should just be thankful na safe sa kanya ang phone at hindi ako makakatanggap ng kurot sa singit galing sa aking butihing ina. With that in mind, I decided to be optimistic. Tinawanan nga lang ako ng hudyo. “Nasaan na?” hanap ko sa phone. “Nasa bulsa ko.” napatingin naman ako doon. Agad din naman akong nag-iwas ng tingin. Ipapakuha ko sana iyon kaso may dala siyang dalawang plastic galing sa fastfood chain na pinagbilhan nila ng pagkain. Ang isa ay ‘yung mismong take-out na pagkain at sa kabilang kamay niya naman ang drinks. Wala naman akong dala bukod sa sling bag ni Ash na pinasuot niya sa akin. Dala ni Kuya Ron ang pagkain naming tatlo. Mamaya ko na lang siguro kukunin after naming kumain. “Ibabalik ko na sana kaso nakasakay na kayo ng bus. Tinawag pa kita sa labas at kumaway-kaway, pero hindi mo naman napansin.” natatawang niyang dagdag. “Busy kang makipagdaldalan.” Hindi na ako nagsalita pero may lahing-Ash din yata ang hudyong ito. “Hindi ko alam na madaldal ka pala. Akala ko mataray na mahinhin ka lang!” he added. Napalakas ang tawa niya kung kaya’t lumingon sa amin sina Peter na nauuna sa aming maglakad. Nahiya naman ako kaya binilisan ko na ang lakad papunta kay Ash. Hindi rin nagtagal ang paglalakad namin ay pumasok na si Phoebe sa isang gray na van na binuksan ni Peter. Nanatili naman sa labas ang lalaki para papasukin kami. “Dapat sinulit mo na boss Peter at sa kalapit na hotel na lang tayo kumain! Ang humble humble mo para sa Jollibee!” Dan said. “Mabuti naman at hindi niyo ako pakakainin habang nakaupo sa semento. Na-i-imagine ko pa lang… shocks! Hindi na lang talaga ako kakain!” Iyon ang unang lumabas sa bibig ni Ashtrid at Dan kaysa na magpasalamat na lang na sa magandang lugar kami kumakain ngayon. Nagsimula na kaming kumain dahil maya-maya ay titipunin ulit kami para pumasok na. Isang oras lang ang binigay sa amin para kumain at dalawang oras naman para sa Mind Museum. At ang isang oras na binigay ay halos maubos na sa pagpila at pag-order ng kakainin namin. Nasa kandungan ko ang pagkain at matiwasay na kumakain dahil nagugutom na din talaga ako. I thought Ash will be noisy and talkative while eating… but I guess she’s really hungry, dahil nanahimik siya. Nakasandal at nakatayo naman sa magkabilang bahagi ng nakabukas na pintuan ng van si Kuya Ron at Peter. Si Dan ay nasa front seat. Katabi ko naman sa kaliwa si Phoebe at sa kanan si Ash. On the other side, nakaupo naman sa sahig ng van si Wensley. “Ash,” tawag ni Kuya Ron na tapos na ring kumain. Nilagay niya ang pinagkainan sa plastic. Inabot ko rin sa kanya ang pinagkainan ko dahil tapos na rin naman ako. “Hmm…” she hummed because her mouth was stuffed with food. “Huwag kayong pupunta sa kalsada, mamaya ah. Mahihirapan mag-monitor ang mag teachers dahil panigurado magsasaya at maglalaro ang mga estudyante.” “Huh? Sa Mind Museum lang naman ah?” ani ko. Ako na ang sumagot dahil kumakain pa si Ash. “Sa Quezon Memorial Circle, Gi.” “Huh? Last na ‘to ‘di ba?” “Hindi. May isa pa ah. Hindi ba sinabi sa inyo?” Lumipat naman ang tingin niya kay Ash. “Nag-cutting kasi siya kaya hindi niya alam.” pilosopong sagot naman ng pinsan ko. Natawa naman ako. Bwisit na ‘to. Ipapahamak pa ako. “Hindi, Kuya. Hindi ko lang alam!” I immediately defended myself kahit natatawa dahil baka makarating sa mga magulang ko. Alam ko naman na hindi magsusumbong si Kuya Ron dahil hindi naman totoo…pero kahit na. “Cutting ka pala ah. Ganyan ba kayo sa probinsya?” isa pa ‘tong si Dan. “Hala, kulit ng lahi, ah! Hindi ko nga alam!” “Bad influence talaga ‘yang si Ash. Dapat hindi ka na sumasama diyan.” si Wensley. Imbes na ako ang asarin nila ay si Ash ulit ang pinuntirya nila. Hindi na nman bago na mag-asaran silang tatlo. Ganyan palagi ang nangyayari noong gumagawa kami ng research sa bahay nila. Habang nag-aasaran naman sila ay in-explain sa akin ni Peter at Kuya Ron kung anong gagawin sa Quezon Memorial Circle dahil wala talaga akong ideya na kasama pala ‘yon sa itinerary ng field trip na ‘to. “Para siyang free time for students. Hanggang 5pm ‘yon. Ayon na naman ang last stop then drop off na sa Raja. Diretso uwi na naman na at hindi na i-ga-gather ang mga students upon arriving sa Raja. Phoebe,” paliwanag ni Peter. Napatingin naman ako sa katabi ko. “Try to eat your food faster. Babalik na rin tayo,” Iyon nga ang nangyari. Pagka-pahinga namin ng ilang saglit ay bumalik at pinapila lang kami by section bago tuluyang pumasok na sa loob ng gallery. Halo-halo na rin naman ang mga estudyante pagpasok sa loob kaya nagkasama-sama ulit kami nina Kuya Ron nang makita namin sila sa loob. However, I don’t have any idea how we got separated again. Ang kaso lang… si Wensley ang kasama ko instead na si Ash. Hawak ngayon ni Wensley sa kanang kamay niya ang phone ko habang hila-hila naman niya ako sa kabilang kamay. Malalaki ang hakbang niya kumpara sa akin. Halos patakbo na ang lakad ko dahil doon. “Pi-picturan nga kita dito eh!” pilit niya. Actually kanina niya pa ako hila-hila, hindi para picturan ako… kung hindi picturan siya. Ngayon niya lang naisipan na kuhanan ako ng litrato. “Ayoko nga! May picture na kami diyan ni Ash!” “Solo picture nga eh! Pang-dp din ‘to!” Dinala niya ako sa malaking skeleton ng dinosaur na nasa gitna ng exhibit. Maraming tao doon but he still managed to get a way for us. “Excuse me! Kami naman! Kanina pa kayo diyan” sabi niya sa mga kapwa estudyante namin na nagpipicture. “Kami next, Wensley ah!” sigaw ng isang student. “Hoy, kami muna!” “Bahala kayo!” sagot naman ni Wensley. Hinayaan ko siyang sandaling makipag-batian sa ibang students. Active SSG officer nga pala ‘tong lalaking ‘to kaya maraming nakakakilala sa kanya. Pinagmasdan ko siya habang nakikipag-usap sa ibang tao. He has this aura na palakaibigan at madali lang pakisamahan. His brown eyes is so expressive na kapag ngumingiti at tumatawa siya ay sumisingkit ito. The moment he does that, the stars in his eyes explode. Kinuhanan niya ako ng sandamakmak na litrato kung saan saan. Nagkuhaan lang kami ng pictures sa isa’t isa sa buong gallery. Kahit napapagod na ang paa ko makipagsabayan sa paa niya, hinayaan ko na lang dahil minsan lang naman ‘to at nasa isip ko pa rin ang sinabi niyang wala siyang phone. Aside from that, cellphone ko naman ang gamit niya at hindi ko naman i-po-post sa f*******: ang mga pictures. “Bakit ba sa’kin ka nakadikit? Asan mga kaklase mo?” tanong ko habang nakaupo sa parang round capsule. Pagod na talaga ang paa ko, buti na lang at nakaramdam siya at pinagpahinga ako. Nakatayo naman siya sa harap ko at pumipindot-pindot sa phone. “Nagsasawa na ako sa kanila. Ni-logout ko pala f*******: mo ah.” paalam niya. Tumango na lang ako at muli siyang hinayaan sa gusto niya. Habang nagpapahinga at nahagip ng tingin ko si Ash na hila-hila ang Kuya niya sa ‘di kalayuan. “Ashtrid!” tawag ko sa kanya. Lumingon naman siya at lumapit sa amin. Medyo nakakunot pa ang noo. Medyo sabog na ang nakalugay niyang buhok pero maganda pa rin siyang tingnan. “Where did you go? Kanina pa kita hinahanap! Nalibot na namin buong gallery at exhibit. It’s so nice! Na-try mo na ‘yung sa may static?” agad niyang tanong ng makalapit sa akin. Umupo siya sa tabi ko. Tumango naman ako. May sasabihin sana ako sa kanya pero nagkwento na siya ng nagkwento. Natatawa naman ako dahil binabash na naman niya si Eric at ang ibang mga kaklase namin. Naagaw naman ng atensyon ko ang pinag-uusapan ng mga nakatayo sa harap namin. Nanatili ang tingin ko kay Ash habang ang tainga ko’y nakikinig kina Wensley. “Wala sa mood si Phoebe. Hindi ko alam kung bakit. Maganda naman ang mood niya kanina.” ani Kuya Ron. “Hayaan niyo kasi siya.” walang kwentang sagot ni Wensley. Nakita ko sa peripheral view ko na gamit niya pa rin ang phone ko. “Paanong hayaan? Alam mo naman na—” “Oo, alam ko nga kaya nga sinasabi ko na hayaan niyo lang siya. O ano? Nasaan siya ngayon? Kasama na naman ni Dan? Si Dan na naman ang bume-baby?” putol niya kay Kuya Ron. Gusto kong ikunot ang noo ko pero baka magtaka si Ash na hindi ako nakikinig sa kanya. Naririnig ko naman siya at medyo naiintindihan. Pinatili ko ang hilaw na ngiti ko sa kanya. Tumatango-tango pa ako. Narinig ko naman ang buntong hininga na Kuya Ron. “Tingnan mo, pati si Peter hinahayaan lang siya. Kakambal niya ‘yon ah? Ginagawa niyo kasing big deal kaya—” “Kasi nga baka ma-feel niya na na—” “Bahala nga kayo.” he said with a dismissive tone. “Nasa growing stage siya. Hindi lang naman siya, pati rin naman tayo. Kung ipipilit niyo na ganyan niyo siya itrato, wala na akong magagawa diyan.” “Are you even listening?” Doon ko lang napansin na nakayuko na ako at hindi na tuluyang nakikinig sa katabi ko. Pumasok sa isip ko ang nangyari kanina sa sasakyan. Hindi nga nagsasalita si Phoebe. Tahimik lang siyang kumakain sa tabi ko. Pero noong lumabas naman sila sa Jollibee ay nakita kong tumatawa-tawa pa siya kasama ni Wensley. So what happened? “M-May iniisip lang…” sinundan ko ‘yon ng mahinang tawa. Inirapan niya lang ako. Nagtagal naman ang tingin ko sa pinsan. Hindi ba ayaw niya kay Phoebe? Sa tuwing binabanggit si Phoebe ay hindi ako nagtatanong kung bakit ayaw niya sa babae. Hinahayaan ko lang talaga siyang magsabi ng saloobin niya. Ngayon…I had the urge to ask her why… “Well, anyway. It’s almost time na. Pwede na naman siguro bumalik sa bus. We should rest para may energy tayo maglaro mamaya.” Wala pa ako sa sarili nang tumayo kami. “Are we allowed na ba to go back na sa bus namin?” she asked her brother while she stood up. “I’m not sure pero pwede na yata. Bakit? Babalik na kayo? Mamaya na.” Habang nagdidiskusyon ang magkapatid ay nilahad naman ni Wensley ang phone ko sa akin. Kukunin ko na sana ‘yon pero binawi niya rin agad. Sinamaan ko naman siya ng tingin. “Hihiramin ko ulit mamaya sa Memorial Circle.” “What if huwag mo muna ibalik?” sabay irap ko sa kanya. “Akin na! Baka nag-message si Mama.” “May message nga kaya ko nga ibabalik.” Nagulat naman ako doon. Hinablot ko agad sa kanya ang phone. “Kanina pa ba? Bakit ngayon mo lang sinabi?!” “Let’s go, my beautiful cousin! Pwede na daw bumalik!” She then wrapped her arms around my shoulder and proceeded to walk towards the exit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD