Chapter 15

1669 Words
Chapter 15 “…And that decision involves letting us go.” Halos nagpanting ang tainga ko sa paulit ulit na pag-echo noon sa utak ko. Nanatili lang akong nakahiga sa kama kahit na kanina pa ako gising. Ang daming pumapasok sa isip ko. Ngayon lang ako nakapag-isip isip dahil mukhang maganda ang kondisyon ng katawan at ng ulo ko. Hindi ko ito ginagawa sa mga nagdaang araw… o linggo dahil madalas na kumikirot ang ulo ko. At ngayong kaya ko dahil wala naman akong kakaibang nararamdaman, sinusulit ko na. So far, hanggang doon pa lang ang naalala ko. Sobrang bata pa ng mukha ko compared sa itsura ko ngayon. I think we were around 12 years old and Kuya Ron was 14 years old. Now, I think I’m around 20-ish. “…And that decision involves letting us go.” Wensley. I hurriedly got up when I thought of him. Did we…eventually end up with each other? Or not? If not, nasaan na siya ngayon? And speaking of where, nasaan na rin kaya ang mga pinsan ko? May sariling buhay na ba sila? Nasaan sina Mama at Papa? Bumukod ba ako noong kaya ko na kaya mag-isa ako ngayon? Bakit wala sila sa tabi ko ngayon? May mga iba pa ba akong naging kaibigan? Ang dami kong tanong sa sarili kong buhay. It’s frustrating. It’s really frustrating. But I was already briefed by the doctors with all the possible things that I might feel and such. They said that it is all part of the process. I just need to be patient and take care of my body. The rest will just follow up. However, what frustrates me the most is my need for a support system. Wala namang nababanggit ang mga doctor at nurse ko sa akin tungkol sa kanila. Natatakot din akong magtanong dahil baka wala rin silang maisagot sa akin. Of course, I already asked the nurses why I am currently in a foreign country. Noong una ay natatakot pa silang sumagot dahil baka hindi ko kayanin but in the end they’ve answered it carefully and in general…para somehow…may ma-trigger sa utak ko at makaalala ako. Hindi rin naman nakatulong sa aking alaala ang sagot nila. It triggered nothing. I remember nothing. They were just notified na may another incoming patient daw. The thing is, I was not rushed through an ambulance but instead, they found me already lying in a bed of a private ICU. Hindi rin nila alam kung paano na-transfer dito. They’re guessing that I was transferred here privately from another hospital. It couldn’t be from another country because if that’s the case, the whole hospital staff should be alerted kasi automatic VIP daw iyon. Actually, pwede na akong lumabas sa kwarto ko. I could go out and spend time in the leisure area or sa natatanaw kong field sa bintana sa kwarto ko. I was advised to relax and…my way of relaxing is just staying in bed at nagmumuni-muni. Muli akong bumalik sa kama at nahiga. Napagod na siguro ang utak ko kakaisip kaya inaantok na ako ngayon. Well at least hindi siya sumakit. Mamaya pa siguro ako hahatiran ng pagkain. Panigurado naman na magigising o gigisingin ako kapag dumating na ang nurse. For that thought, I closed my eyes. At least, I did a great job today. Iyon nga lang, hindi pa nagtatagal ang tulog ko ay nagising ako sa kalabit ng kung sino. Hinihipan pa nito ay tainga ko. “Oo, gising na ako Ash…” medyo garalgal pa ang boses ko dahil kagigising lang. “Wakey na…pababa na tayo!” masaya niyang sambit. Tumango ako at nag-ayos. Uminom muna ako ng tubig bago nanghingi ng candy kay Ash. Napagdesisyonan namin na iwanan na lang ang backpack kong may pagkain namin at ang maliit na sling bag niya na lang ang dalhin namin. Nandoon ang mga essentials niya. “Give me your wallet and phone.” she ordered. Ibinigay ko na sa kanya ang wallet ko dahil hawak ko na iyon. Kinapa ko naman sa bulsa ng pantalon ko ang cellphone pero hindi ko iyon makapa. Nagsisitayuan na ang mga tao sa bus para bumaba na. Tumayo na rin ako, hindi para lumabas kung hindi para tingnan ang upuan ko. Baka kasi nalaglag lang sa bulsa ko pero wala doon! Nagpapanic na ako. “Nasaan ang phone mo?” “Wala nga sa bulsa ko eh!” “Did Kuya Wensley give it back to you? Hindi ba phone mo gamit pang-picture natin kanina?” “Huh?!” Nasapo ko ang noo ko nang marealize na hindi ko nga nakuha kay Wensley. Siguro naman hindi niya iwawala ‘yon ‘di ba? Pero baka kung saan niya lang malagay ‘yon lalo na at wala siyang phone! Baka hindi niya maalala na may phone na siya…at phone ko ‘yon! “Come on. Let’s go na. Baka makita natin sila ngayon, let’s get your phone.” pampalubag-loob niya. Kita niya siguro na halos hindi na maipinta ang mukha ko sa pag-aalala. Syempre mag-aalala ako dahil bigay iyon ni Papa! Hindi ko nga iyon halos ginagamit tapos iwawala niya lang?! Akala ko ay iyon ang alalahanin ko buong paglibot namin sa noodle factory. Halos malimutan ko na iyon pagkababa pa lang namin dahil hindi magkamayaw ang mga kaklase ko sa sobrang excitement. Pinapasok muna kami sa isang showroom kung saan nag-picture kasama ang Noodle mascot, at may pinanood sa amin na video kung paano ginagawa ang noodles ng Lucky Me! hanggang sa pag-pack nito. Hindi na rin naman nagtagal ay umakyat na kami para personal na makita ang step-by-step process nito. Nasa taas kami habang nasa baba naman ang mga machines na gamit sa proseso nito. May salamin nga lang sa pagitan nito pero kitang-kita namin ang pag-usok ng mga machines at ‘yung mga noodles. Nakita rin namin kung paano pinapack ‘yung mga powder at ‘yung toyo at oil sa nilalagay sa packaging kasama ng mismong noodles. Halos isang oras din ang tinagal namin doon. Hindi lang kami nakapag-picture picture sa loob dahil bawal. Kaya doon na lang kami nagpicture sa labas ng building gamit syempre ang DSLR ni Eric. Bumalik na kami sa bus at bumalik din ang ingay ng mga tao. Hindi naman kami sinaway ng mga teachers. Maya-maya ay bumiyahe na ulit kami papunta naman sa American Cemetery and Memorial Park. Hindi naman matagal ang byahe kaya hindi rin kami halos nakatulog. Sa bus pa lang, bumungad na sa amin ang nadadaanan na mga white cross na nasa lupa. Nang makababa ay tinipon kami sa gitna ng field kung saan may hallway na paikot. Sa pinakagitna ng paikot na hallway na iyon ay nakatayo ang matayog na dalawang flag—bandila ng Pilipinas at ng America. Hindi kami nagtagal sa lugar na iyon. Kalahating minuto lang yata dahil wala namang makikita doon bukod sa mga white cross. Hindi rin naman kami naaliw sa mga nakaukit at nakasulat sa mga pader ng hallway. Sa madaling salita, walang interesado dahil mas excited silang makapunta na sa Mind Museum. Nang makabalik sa bus ay pinayuhan kami na dalhin na ang mga mahahalagang bagay na kailangan namin dalhin dahil magtatagal kami sa Mind Museum. Hindi rin kasi pwedeng bumalik sa bus dahil isasara ito. Bago pa kami makapasok sa Mind Museum ay syempre nagpicture muna ulit. Pinayuhan din kami na mag-tanghalin muna bago pumasok dahil bawal kumain at magdala ng pagkain sa loob. May katabi naman na Jollibee doon kaya pwedeng kumain. May mga kaklase kami na may dalang baon na kanin kaya iyon ang kinain nila. Kami naman ni Ash ay hinihintay si Kuya Ron. At dahil nga isa si Kuya Ron sa nag-organisa ng fieldtrip na ito, alam niyang tanghali ang punta namin dito sa Mind Museum. Sinabihan niya rin kami na hintayin siya dahil siya ang bibili ng pagkain naming tatlo. Kausap siya ngayon ni Ash sa cellphone. Naalala ko ulit tuloy ang phone ko na nasa kaibigan ni Kuya Ron. Magkasama kaya sila? “Nasa tapat lang kami ng Jollibee. I’m already hungry na Everon, so can you please walk faster? Bye!” “Nakapag-order na daw sila.” sabi niya sa akin. Nakaupo kami ngayon sa semento s atapat ng Jollibee. Hindi lang naman kami ang nandito. Actually, nagkalat sa buong harap ng Mind Museum at Jollibee ang mga nakaputing estudyante. “Sila?” tanong ko. “Friends niya, duh?” “Kasama si Wensley?” “I think so… Ay oo nga pala, ‘yung phone mo. Nawala na rin sa isip ko. Dapat tinawag ko na siya kanina sa Memorial Park, I saw him eh.” kumibit-balikat naman siya. “And I don’t see him holding your phone.” Napabuntong-hininga naman ako. “Sinabi ko lang para kabahan ka.” Sinamaan ko naman siya ng tingin. Tumawa lang siya bago tumayo. “Finally! I’m so hungry na talaga!” Tumayo na rin ako dahil natanaw na namin na lumabas na sa Jollibee sina Kuya Ron. Bukod kay Wensley at Dan, kasama niya ulit ang mag-kambal. Akala ko nga doon na sa pwesto namin ni Ash kami kakain. Wala na kasing mauupuan sa Jollibee dahil puno at madami ng tao pero pinasunod kami ni Kuya Ron sa kanila. Papunta kami sa gilid ng establisyemento kung saan nakapark ang mga bus namin. Naisip kong baka sa bus nila kami kakain pero nagdire-diretso lang kami. May nakasalubong pa kami na teacher. Casual na bumati lang ang kasamahan ko sa knya pero hindi kami sinaway at tinanong kung saan kami pupunta na mas lalo kong ipinagtaka. Hindi ko namalayan na nauuna na palang maglakad sa akin ni Ash. Tatawagin ko sana siya pero may mas naunang nagsalita. “Sa van tayo nina Peter kakain…” mahinang bulong ni Wensley sa akin. Tatarayan ko na sana siya, “Sige, ikutan mo ako ng mata mo, hindi ko ibabalik ang cellphone mo.” Nanlaki naman ang mata ko. Oo nga pala! Nasa kanya ang phone ko!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD