Chapter 14

1674 Words
Chapter 14  As I have said, I really have no plans on interacting with this guy anymore. Hindi naman kasi bago ang ganitong mga pangyayari sa akin. Normal na tao lang din naman ako at maraming crush. Lahat din ng crushes ay dumaan sa same process. Walang nakakaangat at walang favoritism na naganap. I will be attracted to a certain guy because of his looks but the moment I get to know his attitude and know that he passed my attitude-check standard, mapapasama na siya sa list of crush ko. I forgot what grade level ako noon but same scenario. Hindi naman secret na wala akong kinalakihan na ama noong elementary—and for sure some of my elementary classmates and friends still don’t know that I have a father now— at inasar ako dahil doon. It was fine for me, at first, kasi hindi naman siya bully-type na pang-aasar. Sinasakyan ko rin naman so it was totally fine. No hard feelings. But the moment na ‘yung prospect na supposedly na crush ko ang nang-asar sa akin, I was turned off. Hindi lang naman isang beses na pang-aasar iyon galing sa kanya. It was continuous even though I’m telling him that I’m not already comfortable with that joke. Katulad na lang ngayon. Kinakalabit niya ni Wensley ang baywang ko. Knowing na malakas ang kiliti ko doon, lumalayo ako at pinapatigas ang abdomen ko to activate my defense mechanism pero patuloy pa rin siya sa pangungulit. I was giving him side glances habang lumayo. “Hoy, sige na. Pahiram ako Iphone. Maganda camera niyan eh.” Magkasing-tangkad lang kami at sakto namang lumipat siya sa harap ko kaya kitang-kita ko ang brown eyes niyang mapang-asar. Pilit niya ngayon na hinihiram ang phone ko dahil gusto niya mag-picture. “Wala ka bang cellphone?” mataray na tanong ko. “Wala eh, kaya sige na…Mas maganda pa camera niyan kaysa sa malaking camera ng kaklase niyo.” he said. Napakunot naman ang noo ko pero agad din naman na naintindihan ang sinabi niya. Gusto ko sanang batukan ang sarili ko dahil sa biglang pumasok sa isip. Ako nga ay wala ring cellphone noon at hindi naman iyon problema. Pero ngayong may cellphone na ay nag-f-feeling mataas na. Na-guilty ako kaya malakas akong bumuntong hininga—iyong rinig na rinig niya. Agad naman niyang inilahad ang kamay niya sa harap ko. Pinatong ko doon ang phone ko bago sya matalim na tiningnan. Hindi niya iyon nakita dahil nakatutok na ang brown niyang mga mata sa cellphone. Wala namang password ang phone ko kaya malaya niyang nabuksan iyon at kahit naman na may password ay ma-a-access pa rin ang camera kapag ini-slide ang bottom right ng screen. Nang mabuksan ang camera ay agad na siyang nag-picture ng selfie doon. Nakita ko pang gumamit siya ng mga filter. Mayroon na nakatayo ang phone, portrait, nasa medyo baba ang anggulo para kita ang pangalan ng school na nasa tuktok ng Building B. May landscape din kung saan kita ang mga estudyanteng walang kamuwang-muwang na kasama sa selfie niya. Nasa kanang paa ang bigat, nakahalukipkip, at masama ang tingin sa kanya ang naabutan niyang itsura ko ngunit hindi naging hadlang iyon para lumapit siya sa akin. Maligaya niya akong inakbayan. Nanlaki ang mata ko at agad na napatingin sa kamay niyang nasa kaliwang balikat ko bago bumaling sa kanya. Wrong move. Unang tumama ang tingin ko sa mata niyang nakatingin sa cellphone kong hawak niya at nasa harap namin. Nadepina rin ang matangos niyang ilong na walang kapintasan. Kitang kita ko rin ngayon ang panga niyang nag-f-flex dahil sa banat niyang ngiti. “Smile, Gigi!” Doon ako natauhan at hilaw na ngumiti sa camera. Ilang shots pa ang ginawa niya. Iba-ibang pose ginawa niya habang nakangiti lang ako sa lahat. “Hala, me too!” sigaw ni Ash. Lumapit siya sa amin at siya naman ang umakbay kay Wensley. Lumawak na ang ngiti ko dahil medyo ramdam ko ang bigat ng pagkaka-akbay ni Ash sa lalaki. Isa pang patunay doon ang unti-unting panlulukot ng mukha ni Wensley. Bago pa siya makapagreklamo ay inunahan na siya sa pagsasalita ni Ash. “Wala pa tayong picture! Pa-picture tayo kay Eric!” sabay hila niya sa akin papunta sa pinanggalingan niya. Hindi na rin naman nagtagal ay pinaayos na kami ng pila by section. Buddy system din ang pagpasok at pag-upo sa bus. Hindi ko alam at wala na rin akong balak pang alamin kung ilang bus ang inarkila ng school at kung anong sistema ang ginawa per section. Basta sa bus namin ay kasama namin ang SSA, advisers, at isang tour guide. Nagkasya naman kaming dalawang section dahil bukod sa kaunti lang ang bilang ng Special Science Class kumpara sa normal sections, may mga hindi rin pinayagan dahil sa mga nababalita na aksidente kapag may fieldtrip. Na sana hindi mangyari ngayon. Tatlong destination ang pupuntahan namin—Lucky Me! Noodle Factory, American Cemetery and Memorial Park, at Mind Museum. Base sa mga kwento ng mga kaklase ko, hindi na pala bago ang field trip sa kanila. Ang bago lang ngayon ay ang mga pupuntahan. Star City or Enchanted Kingdom daw ang kasi ang common na pinupuntahan kapag fieldtrip. Habang papunta kami sa Noodle Factory ay may ine-explain ang tour guide sa harap. May mga tinatanong din siya at ang makakasagit ay may premyo na binibigay. Sa likod ang section namin nakapwesto dahil una kaming pumasok sa bus at dahil nga nasa likod kami, hindi namin marinig ang sinasabi ng tour guide kahit na may lapel pa siya. Instead na mag-participate, gumawa na lang ng sariling program ang mga kaklase ko. Maingay sila at malakas ang tawanan pero hindi sinasaway. Hindi ko alam kung hinahayaan lang kami o sadyang hindi rin nila kami naririnig sa unahan. Mabuti na lang ang dito ako sa may bintana nakapwesto at hindi nakipagpalit si Ash ng upuan. Mukha naman siyang nag-eenjoy makipagkwentuhan sa mga kaklase. Nang hindi na ako makarealte sa mga biruan nila, bumaling na lang ako ng tingin sa labas. Kasalukuyang nasa isang skyway ang bus na sasakyan namin. Matatanaw ang mga naglalakihang building na natatamaan ng mataas na sikat ng araw. May mga nadadaanan din na malalapad na billboard. Nakita ko pa ang billboard ng idolo kong loveteam. Kahit na nakababa na kami sa highway ay nanatili pa rin ang tingin ko labas. Pinagmamasdan ko ang kasabayang mga normal na sasakyan na mas maliit kumpara sa bus kung nasaan ako. May nakasabay at nakatapat din kaming katulad na bus na lulan ang mga schoolmates namin. Umiwas ako ng tingin dahil nakakahiya na makipag-tinginan sa taong nandoon. Pagkabaling ko ng tingin ay nakita kong nakatingin din si Ash sa labas. Lumingon ako sa paligid. Matagal na yata akong nagmumuni-muni at doon ko lang napansin na medyo tahimik na ang mga tao. Mahihina na lang ang boses ng mga nag-uusap at wala na ring nagsasalita sa harap. “You looked so amazed with the view…” mahinang puna niya sa akin. “Ako?” tanong ko. Muli akong bumaling sa labas. Mabuti na lang at wala na ‘yong bus. “Bago kasi sa paningin ko eh. Palayan, mga puno, lupa, bundok…ganoon ang madalas kong nakikita sa amin. Ngayon kasi…mga building na.” Ngumiti naman ako at tiningnan ulit siya. “Naninibago lang siguro…” “What about your view in your room?” “Hindi naman ako madalas tumingin doon. Nakakatakot kaya. Kahit doon sa may balcony namin sa sala, hindi ako pumupunta.” natatawa kong ibinahagi sa kanya. Inabot naman niya ang bag ko sa gilid ko. Iisang bag na lang ang dinala namin para sa snacks at tubig. Ako sa bag at siya na sa pagkain. Kumuha siya ng pagkain doon at binuksan bago muling nagsalita. “Hmm…i think you should ask Tito na mag-travel kayo sa much bigger cities,” ngumuya-nguya siya bago nagpatuloy. “There are so many cities, not just in the Philippines, but also around the world ‘no. Maliit lang ‘tong Metro Manila compare sa cities sa ibang bansa.” “Alam ko naman ‘yon.” Hindi ko alam kung isa ba ito sa mga dapat ko pang i-share sa kanya. Marami na naman akong naikwento sa kanya, lalo na sa buhay namin sa Lucena. May mga ilan na rin akong nasabi sa kaniya na saloobin tungkol sa teachers, subjects, o kahit mga reklamo ko sa ibang mga kaklase. Kung titingnan sa panlabas, mukhang lahat ng gusto kong sabihin o mga naiisip ko nasasabi namin sa isa’t isa— o nasasabi ko sa kanya. Pero hindi. Madami akong naiisip na sa tingin ko ay pansarili lamang. Hindi dahil ayaw kong sabihin kay Ash o kahit kanino. Ayaw ko sabihin dahil sa tingin ko ay hindi nila ako maiintindihan. Hindi ko rin alam kung anong nag-udyok sa akin at nag tuloy-tuloy ang salita ko. “Pero hindi ko rin kasi maiwan-iwan ‘yong mga memories ko sa ganong klaseng lugar. Mahirap siya kalimutan.” “Hindi mo naman kasi kakalimutan, eh. You will just try something new?” “Nakakatakot sumubok ng panibagong experience. Ayokong dumating ‘yung araw na hahanap-hanapin ko ‘yung certain feeling tapos hindi ko na pala ‘yon mabalikan.” “Don’t make hugot, ah.” she laughed but continued.” “But on a serious note, palagi ko ‘tong naririnig kina Daddy kapag kinakausap si Kuya. They said na…Creating new memories, making other treasured-worthy experiences, and most especially growing up always comes with risks, sacrifices and heartaches. You will need to let go of some of your past experiences to be able to create another space for new ones. And it’s up to us what things we are willing to let go. “The thing is, there might be some happenings in our life that we are not willing to let go…however…we need to. Because that certain ‘happenings’ may have their own decisions in life. And that decision involves letting us go.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD