Chapter 13

1541 Words
Chapter 13  Sounds coming from the medical apparatus or from the machine beside my bed and nagpagising sa akin. I was alone. Medyo magaan na ang pakiramdam ko hindi katulad kanina. Wala na ang kasama ko at ang bed table kung nasaan ang pagkain na kinakain ko kanina. Nahimatay na naman siguro ako habang kumakain. Hindi na naman bago ang ganoong scenario. Palagi akong nawawalan ng malay at magigising na lang akong lightheaded at walang kasama. Sa tuwing mumulat ako’y ang puting kisame ang bubungad sa akin at ang beep na tunog ang naririnig ko galing sa aparatong nasa tabi ng kama ko. I lost track of how many days I have been here. Wala rin akong masyadong maalala sa unang araw na nagising ako. Masyadong magulo ang araw na iyon. Ang natatandaan ko lang ay ang daming taong nagkumahog na lumapit kung saan ako nakahiga at halos mabiyak ang ulo ko sa sakit na nararamdaman. Pumikit ako dahil sa sakit at nang muling magmulat ay mga doktor at nurses ang nag-aasikaso sa akin. May mga tinanong sila at malugod ko naman na sinasagot ang mga kayang kong sagutin katulad ng pangalan ko, kung anong araw na noong araw na iyon, kung nasaan kami. May mga pinakita rin silang mga bagay at pinapangalan sa akin ang mga iyon. Tinanong din kung sino ang magulang ko at sinabi ko naman ang pangalan ni Mama at Papa. “Jeselle at Benjamin Tandoc po.” nag-aalangan pa ako dahil hindi ko alam kung bakit ganoon ang mga tanong nila. I think they are checking if I developed some kind of amnesia? Ngunit ang sumunod na tanong ang nag-trigger ng biglang pagsakit ng ulo. “Do you remember how you ended up in hospital?” Hindi na ako nakasagot pa dahil sa sobrang sakit ng ulo ko. Muli akong nahimatay sa pangalawang pagkakataon at nagising ng mag-isa. Hindi ko alam ang nangyayari noong una. I was completely disoriented of what was happening because I was all alone. From that day on, I keep on fainting whenever I am seeing someone. Kahit pa nurse ang papasok sa kwarto kung nasaan ako, bigla na lang agad na sasakit ang ulo ko sa hindi malamang dahilan. Hindi rin naman ako makapagtanong dahil hindi ko nakakausap noon ang mga nurse or doctor na nag-aalaga sa akin. One day, nagising ako ng maramdaman na bumukas ang pinto. I was really afraid of opening my eyes because I knew that the moment I open it, I will be back to my deep slumber. However, that day was different. Some kind of force urged me to open my eyes, and I did. Fortunately, ever since that, I can already interact with the nurses and doctors. Sumasakit pa rin ang ulo ko kapag nakikita ko silang papasok sa hospital room ko but it is already manageable at hindi na rin naman ako nahihimatay. Doon ko rin nalaman na nasa isang malaking hospital ng Seoul, South Korea ako. They said I have Thematic or Localized Dissociative Amnesia.The doctors explained to me that I may have forgotten certain events, things, or even people that happened and came in my life because of that. And to be able to retrieve some of my forgotten memories, I need something that will trigger my brain. Pero kapag na-t-trigger naman ako ay kasunod noon ang fainting episodes ko. Dahil doon kapag nagtatanong ako ay maingat at pili lang ang mga impormasyon na binibigay nila sa akin. But as my doctor advised, I should not further stress my brain because it is already stressed with my current condition. If I do the opposite, I might not be able to remember any further. Bumangon na ako ako galing sa pagkakahiga. Maaga pa naman dahil walang pang araw na sumisilip sa kurtina ng kwarto ko. Ito rin naman ang oras na karaniwang gising ko. Bago pa ako makababa sa kama ay nakarinig na ako ng katok. Pinanood ko ang dahan-dahan na pagbukas nito. Si Papa. “Good morning, darling. You should get ready. Maiiwanan ka na daw ng bus sabi ng Mama mo.” he chuckled. Narinig ko pa ang bahagyang sigaw ni Mama galing sa kusina yata ngunit hindi ko na naintindihan dahil wala pa ako sa sarili. Oo nga pala. Ngayong araw ang field trip namin. Sa awa ng kung sino man, na-survive naman namin ang Research namin last week. Medyo nangarag lang kami sa pagpapagawa ng tarpaulin dahil sumabay kami sa pagpapagawa kina Kuya Ron. Pero, ang mga lalaki na iyon ay last minute na natapos ang buong paper. Busy kasi silang i-finalize ang mga detalye sa field trip na kasabay ng pag-e-experiment nila. Hindi ko rin talaga ma-imagine kung paano ko na-survive ang bunganga ng pinsan kong babae. Halos magbuga na siya ng apoy kina Kuya Ron. Mabuti na lang talaga at hindi na pinatulan ng Kuya dahil kasalanan din naman niya. Well, kasalanan din naman namin dahil umasa kami sa kanila. Ang mahalaga ay tapos na. Iyon na lang ang sinasabi ko kay Ash kapag nag-r-rant siya. Pinaskil lang naman ‘yung mga tarpaulin namin sa laboratory room— na sira-sira ang mga tiles— at sa katabing room nito para makita ng ibang mga estudyante ang mga gawa namin. Ang totoong laban naman kasi ay ang Division level. Subalit hindi lahat ng papers namin ang makakapasok doon pero lahat ng paper, from Grade 7 to Grade 10, ay ipinasa doon. Around October pa daw malalaman kung sino-sino ang nakapasok. “Alis na po ako. Nasa baba na po ‘yong magkapatid…” nagpaalam na ako sa kanilang dalawa. Nakita ko na kasi ang message ni Ash sa f*******:. Humalik muna ako sa magkabilang pisngi nila bago nagpasyang bumaba. “Baon?” si Mama. “Meron na po. Bigay po ni Papa kanina.” “Magkano naman?” Sasagot na sana ako pero pinababa na ako ni Papa. Mabilis na lang din kaming magpipinsan na nakarating sa school. Bumungad sa amin ang mga nakaputing t-shirt at pantalon na mga estudyante. Ganoon din naman ang suot namin dahil iyon ang required na suotin. Tinipon muna ang lahat sa quadrangle. Muling inulit lang naman ang mga paalala na dapat tandaan ng mga estudyante. Wala na rin namang halos nakinig dahil sa sobrang excitement. “Ang daming nagdala ng cellphone…” wala sa sariling puna ko. Kung normal na araw kasi ito ay magkakaroon ng widely confiscation ng mga phones. Kapansin-pansin din ang mga nakalugay na buhok ng mga babae. Sinusulit siguro dahil hindi masyado mahigpit ngayon at ang priority ng mga teachers ay ang safety ng lahat. “Yup, dito pa lang for sure puno na ang mga storage ng mga ‘yan.” Napalingon naman ako sa gilid ko. Nang makita kung sino ang nagsalita ay napa-irap na lang ako sa kawalan. Pinagpapasalamat ko na na-busy kami ni Ash sa research paper namin kaya hindi niya na natanong ang tungkol sa crush kong si Mr. Brown Eyes. Siguradong magtataka iyon kapag sinabi kong hindi ko na gusto ang isang ‘to. Mabuti na lang din at hindi ko nabanggit sa kaniya na itong makulit at mayabang na ‘to si Mr. Brown Eyes. Narinig ko namang tumawa siya. Nagpasya akong hindi na siya pansinin at hanapin na lang ang dapat na kausap ko sa dagat ng mga estudyante. “San si Astrid?” Kung alam ko, edi sana hindi ko hinahanap ngayon ‘di ba? Halos umikot na ng 360 degrees ang mata ko pero hindi ko pa rin mahanap ang pinsan kaya kinuha ko na lang ang cellphone ko. I-c-chat ko na lang sana siya ng marinig ko ang boses niya sa ‘di kalayuan. “One more kasi!” impit na sigaw niya kay Eric. Kumukuha sila ng litrato kasama ang ibang mga kaklase. Halos magdikit-dikit ang mga mukha nila para lang magkasya o makasama sa shot ng DSLR na dala ni Eric. Kahit naman mukhang maarte at mataray si Ash ay madalas naman siyang makisalamuha sa ibang tao na ka-vibes niya. Malalaki ang ngiti nila habang kinukuhanan ni Eric ng litrato kaya halos matuwa akong pagmasdan sila sa ganoong ayos kung hindi lang sa nagsalita. Napabuntong-hininga na lang ako. “Ayun pala eh, nagpipicture.” Desidido na talaga akong hindi siya pansinin dahil sobrang kulit talaga ng lahi nito, lalo na noong mga nakaraang linggo. Halos magsisi akong pinilit ko pa si Ash na sa kanila na lang kami mag-experiment. Gumawa naman ako ng paraan para lumipat kami sa ibang bahay. Sinabi ko kay Ash na sa condo na lang namin kami gumawa ng research paper pero ayaw niya na dahil nakakapag-tanong tanong kami kina Kuya Ron kung tama ba ang ginagawa namin. Hindi na rin masama at hindi ko maipagkakaila na malaking tulong iyon sa amin pero hindi ko rin naman maipagkakaila na nakaka-distract ang kakulitan ni Wensley. Nakaka-distract in a bad way. Yes, dahil hindi ko na siya crush the moment na nalaman ko na may pagka-mayabang siya. Naakit lang talaga yata ako ng mata niya. At katulad ng sinabi ko, crush ko ang isang tao mostly because of their attitude. Plus points na lang talaga ang physical appearance. And with that… sa isip ko, hindi na siya crush-material ‘no.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD