Chapter 12

1508 Words
Chapter 12 “Ang swerte niyo naman! Naka-ilang revise kaya kami ng methods noong First Year kami!” Sa huli, nanatili ako sa tabi ni Wensley. Papalampasin ko pa ba ‘to at mahihiya? This is what I planned and wanted in the first place…so…why not make the best out of it? Kasalukuyan kaming nakatingin sa laptop ni Ash na nakapatong sa kandungan ko. Bahagya siyang nakaharap sa akin at nakatukod ang kaliwang siko sa sandalan ng kinauupuan namin. Bahagya umangat ang puti niyang t-shirt dahil siya pwesto niya. Medyo natatakpan din ang noo niya ng buhok niyang medyo magulo na bagay naman sa kaniya. Mas lalo lang ako nahuhulog. “Hindi rin, marami-rami rin kasing pinabago sa amin pero pwede na daw kaming mag-experiment.” I replied bago pa magtagal ang titig ko sa kaniya at makahalta pa siya na gutso ko siya. Delikado na. Inabot ko naman ang nakataob na proposal namin na pinasa kahapon. Pinakita ko iyon sa kaniya. “Mas madugo nga lang ‘yung sa iba naming kaklase.” Kinuha niya iyon at tiningnan. What I mean ng madugo ay ang mga bahid ng corrections ni Sir Lacoy in red pen. Si Sir Lacoy din ang Research adviser nila, o ng lahat ng SSC sections dahil siya lang ang available research teacher. “Kayo ba? Approved na rin ba sa inyo?” tanong ko. I gotta keep this conversation going. Muli akong nagnakaw ng tingin sa kaniya. “Hindi pa. Actually gagawa pa lang kami ng Chapter 3.” natatawang niyang sambit. Bumungad naman sa akin ang perfect white smile niya. Gusto ko pa sana iyon tingnan ng matagal-tagal…sayang naman kasi ang kaputian kung hindi ma-a-appreciate. Excuses. Nagulat naman ako doon. “Huh? Hindi ba deadline kahapon?” nagtataka kong tanong sa kaniya. Parehas lang kami ng teacher kaya parehas lang din kami ng deadline. At saka may mga nagpapacheck din na ibang grade level kahapon na kasabay namin. “Na-busy kasi kaming tatlo this week kaya hindi namin naasikaso. Nagsabi naman kami kay Sir. Sabi niya bahala daw kami as long as may tarpaulin daw kami sa exhibit.” “Eh, next next week na ‘di ba ang exhibit? Cramming kayo?” Third week ng September ang Exhibit o ang mga activities under ng Science Month. May mga contest din na inihanda ang Science Club katulad ng jingle rap kaya bukod sa Research paper namin, abala din kami sa paghahanda doon. Pressured lang talaga kami dahil expected na SSC ang mananalo sa bawat contest dahil buwan daw namin ito. Pero sabi nga ni Eric, bakit kami ma-p-pressure eh bagong salta lang daw kami. Ibigay na daw namin iyon sa higher sections. “Hindi ka totoong estudyante kapag hindi ka nag-c-cram.” biro niya. Kunwaring sinabayan ko naman ang tawa niya kahit hindi ko naintindihan ang ibig niyang sabihin. “Eh, anong ginawa niyo dito noong nakaraan?” sunod kong tanong. Pinakatitigan ko naman ang mukha niya na galing sa maaliwalas na ngiti at mukha hanggang sa unti-unting kumunot ang noo niya. Huli na ang lahat nang ma-realize ko ang sinabi ko. Iniwas ko ang tingin ko dahil doon. Tinitigan ko na lang ang word sa laptop. “Nakaraan? Thursday?” binitawan niya na ang papel na hawak at nilagay sa lamesa. “A-Ah eh, nabanggit kasi ni A-Ash na pumunta daw kayo dito. Akala namin gumawa kayo ng Research.” Minsan nagagawa at nagagaya ko na rin ang ugali ni Ash na walang preno ang bibig. At sa harap pa talaga ng crush ko ah?! “Ay, ‘yon ba. Inayos lang namin ‘yung ibang request letter para sa field trip by the end of the month.” he giggled. Nagtaka naman ako dahil wala namang nakakatawa sa sinabi niya. Tumango na lang ako. Hindi na sana ako magsasalita pero bigla niyang tinusok-tusok ang baywang ko. Agad akong napatalon. Sensitive ako sa bandang baywang dahil malakas ang kiliti ko doon! Touchscreen. Iyon ang pang-asar sa akin ni Ash nang malaman niya na malakas ang kiliti ko doon. Sa kadahilanan na hindi pa nga daw ako nahahawakan ay umiiwas na agad ako. Hindi pa ako nakikiliti ay ramdam ko na agad na nakikiliti ako. “Ikaw ah, nabanggit ba talaga ni Ash?” mapagbiro niya pang tinaas-taas ang kilay niya sa akin. Malaki din ang ngisi niya na ikinanuot ng noo ko. Imbes na matuwa ako dahil inaasar ako ng crush ko ay nainis lang ako. “Hoy, ang kapal naman ng mukha mo!” singhal ko sa kaniya. Hindi ko na napigilan na pagtaasan siya ng boses! Aba’t! “Bakit defensive?!” asar niya pa. “Wala namang problema na crush mo ako since crushable naman talaga ako.” mayabang niyang sabi habang dumekwatro at humalukipkip. Napaawang na lang ang bibig ko lalo na ng mayabang niya akong tiningnan. Aba’t! Hindi ko naman itatanggi na crushable nga siya pero ang kapal ng mukha niyang unahan ako! Higit sa lahat, hindi ko naman in-expect na mayabang at assumero siya! Paano na lang pala kung hindi ko siya crush ‘di ba?! Edi napahiya siya ng bongga?! Babanatan ko na sana siya ng bumaba na sina Kuya Ron at Dan. Hindi ko nga lang napigilan ang mag-sumbong dahil sa inis ko. Hindi ko rin alam kung bakit bigla akong nainis sa kaniya. Agad kong pinatong ang laptop sa lamesa galing sa aking kandungan. Hawak ang dibdib ay tumayo ako at tinuro ang mayabang na ‘to habang nakatingin kay Kuya Ron. “Hindi ko naman alam na may mayabang ka palang kaibigan, Kuya Ron!” malakas kong singhal. Saglit kong ibinaling ang tingin sa lalaking nakaupo at nakitang tinaasan niya lang ako ng kilay. “Hoy, masama ‘yan bata. Huwag kang nanduduro.” saway sa akin ni Dan. Pinatong niya na rin ang dala niyang printer sa ibabaw ng lamesa habang naupo naman si Kuya Ron sa dating pwesto. Pinatong niya ang laptop niya sa kandungan at binuksan ito. Doon lang siya nag-angat ng tingin sa akin. “Napakakapal ng mukha! Hindi ko akalain na nakikipagkaibigan ka sa magaspang ang ugali!” pinagpatuloy ko ang pagrereklamo habang matalim na tinitingnan si Wensley. “Hindi ko rin naman akalain na marunong ka rin palang magtaas ng boses, Gigi.” sabi ng bagong dating na si Ash. Nilingon ko siya at may dala siyang mangkok at plato na nakalagay ang iba’t ibang tinapay. “Eh kasi, sabi niya crush ko siya! Like what the hell?!” Oo nga crush ko siya! Pero kailangan bang manggaling sa kaniya? Dapat ay sinarili niya na lang?! “Gigi,” malalim ang boses na saway ni Kuya Ron. “Huh? Hindi ba?” “Ashtrid?!” “Tigilan mo ako sa Ashtrid mo na ‘yan ah. At saka, hindi ba siya si Mr. —” bago niya pa natuloy ay mabilis ko na siyang binulungan dahil nakalapit na siya sa akin. “Sige, ituloy mo, isusumbong kong crush mo si Gerald.” babala ko. Nakita ko naman ang panlalaki ng mata niya habang binababa sa lamesa ang mga dalang niyang pagkain. “Hoy, death threat ka pa diyan! Ituloy mo, Astrid.” sabi ng demonyo. Mabilis kong nilingon ang demonyo at inirapan siya. Napanganga naman siya. Bakas ang pagkamangha sa mukha pero halata rin na natatawa. Hindi na kita crush! Mayabang ka pala. Turn off! Kinuha ko ang laptop at pumunta na lang sa kusina nila. “Sa kusina na lang kami, Kuya.” paalam ko. Bakas rin ang panlalaki ng mata ng Kuya pero wala na siyang magagawa dahil tinalikuran ko na sila. Hindi pa ako nakakalayo ng lakad ay napahawak na agad ako sa ulo ko. I felt a sharp and searing pain in the right side of my head. Agad akong napapikit at halos mabitawan ang hawak ko. Paunti-unting nagkalat ang sakit hanggang sa buong ulo ko ang masakit. Parang paulit ulit na tinutusok ng karayom ang ulo sa sobrang sakit. “Hey, are you okay?!” Halos magpanting din ang tainga ko at wala akong marinig. Nakakabingi at parang sasabog ang tainga ko kasabay ng masakit kong ulo. Hindi ko alam ang gagawin. Sinabayan pa ng malakas na t***k ng puso ko. Halos malagutan ang ng hininga habang kumukuha ng hangin. Gusto ko nang matapos ‘to! Iyon lang isang katangi-tanging pumasok sa isip ko. Ang matapos ang lahat ng paghihirap. Ang magwakas ang lahat ng kasalukuyang pinagdadaanan ko. Sa tuwing nangyayari ito, halos kwestiyunin ko na lahat ng pwedeng kwestiyunin dahil…bakit ako? May mali ba akong nagawa? May mali ba sa akin? May mali ba akong desisyon na ginawa? I inhaled sharply and gasped. Nang magmulat ako ng mata, doon ako hinila ng isa pang katotohanan. Ang katotohanan na hindi ko rin alam kung totoo ba talaga. Nakakatakot pumikit. Nakakatakot pero kailangan. Nakakatakot pero wala naman akong magagawa dahil nandoon ang iba pang katotohanan na hinahanap ko bukod sa katotohanan na nakikita ko tuwing imumulat ko ang aking mata. Pero…totoo nga ba ang lahat ng ‘to?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD