Chapter 4

1575 Words
Chapter 4 (07.24.22) “Keep right po…” Mahina lang ang pagkakabigkas niya noon. It seems like he is just solely telling those words to me. He has a soft voice too. It is a soothing voice. O iyon ang akala ko at masyado lang ako humahanga sa kanya. My soft and day dreaming bubble suddenly popped when I realized what is happening. Nanlalaki ang mata kong nag-angat ng tingin sa lalaki na nasa gilid ko. Una kong napansin ang labi niya. Manipis lang ito katulad ng akin. But unlike mine, his lips are quite pinkish. Umangat ang tingin ko sa matangos niyang ilong. Ilong pa lang ay alam ko na na may lahi siya. Medyo mataba lang ang pisngi niya habang ang pisngi ko naman ay matambok. Hanggang sa magtama ang tingin namin. Doon ako tuluyang natauhan. Bwisit naman, oh! “So, first day of school at ngumingiti ka na. Sino ‘yan?” mapanlokong ngiti at tingin at binigay niya sa akin. “W-Wala, Kuya!” I defensively said. Luckily, nalampasan ko ang first half ng klase ko ngayong umaga at araw. Two classes to go at malalampasan ko na ng tuluyan ang introduce yourself phase. Hindi rin naman nagklase ang mga teacher at nagsabi lang ng mga requirements na kailangan katulad ng color ng notebook, portfolio, at iba pa. Pagtunog ng bell ay saktong dumating din naman si Kuya Ron. Madaming tao sa dalawang canteen na meron ang school—COOP at HE dahil sabay-sabay ang recess o break ng estudyante. At dahil maraming kakilala si Kuya Ron sa HE ay nakahanap agad kami ng mauupuan doon kaya hindi na kami pumunta sa COOP. Tagaktak na ang pawis namin kahit na nakaupo lang ako dito. Si Kuya na daw kasi ang kukuha ng pagkain namin. Bumili naman ng bottled mineral water si Ash dahil hindi na niya kinakaya ang init, sabi niya. “Normal naman ‘yan. Pero hindi rin tatagal ‘yang crush sa first day of school until malaman mo kung anong ugali niya tuwing groupings.” he added. “Wala nga, Kuya. At saka 10 lang ang boys namin. Kaunti lang ang pamimilian.” biro ko. Pinanlakihan niya ako ng mata bago siya tumawa. “Kwela ka rin pala, akala ko mahinhin ka lang!” “She’s secretive and plays a mysterious role in our class too, Ron!” sabi ng bagong dating na may dalang tatlong color blue na bote. Pabagsak niya iyon na nilagay sa lamesa. “Hoy, umayos ka nga!” saway ni Kuya dahil may mga katabi kami. Parihaba kasi ang lamesa dito at hindi table by table. “Imagine, she’s introducing herself using her nickname!” maarte niyang sabi. “Bakit? Ano bang full name mo?” sabay baling naman sa akin ng lalaki. “Eh… masyado kasing mahaba. At ayos lang naman daw ang nickname sabi ng mga maestra.” pangangatwiran ko. Nagsimula na akong kumain dahil nakakagutom talaga ang init. “Ma-what?! You’re so probinsyana!” “Maestra, Ash. Huwag ka kasi lapit nang lapit sa mga maarte mong kaibigan!” “Hey! Excuse me?! Kaya nga I chose to study here, right? It’s not like I wanted to be with them. Mas maarte sila sa akin!” “Oh, ayan, plastic…” inasar pa ng Kuya. Hinayaan ko na lang sila mag-asaran hanggang sa matapos ako kumain. Nilibot ko ang paningin sa buong canteen. Nagbabakasakali na makita ko ulit ‘yung lalaki. Ganoon ang eksena ng isang linggo. Ililibot ko ang paningin ko sa quadrangle o sa canteen para lang makita ulit ‘yung lalaki. Hindi na rin kasi siya ulit nagbantay sa hagdan. Hindi ko naman maitanong kay Kuya Ron dahil… well unang una sa lahat, nakakahiya ta paniguradong aasarin niya ako. Grabe na siya mang-asar kay Ash, at kung dalawa pa sila ni Ash and mang-aasar ay baka ilubog na nila ako sa lupa. Isang linggo na ang nakakalipas simula ng magsimula ang pasukan. So far, I am coping well with the new environment. Hindi lang naman kasi ako ang nag-aadjust. Pati ang mga kaklase ko ay nag-aadjust rin. Nag-aadjust kami sa isa’t isa, unconsciously. But more to say na I should adjust myself more dahil ako ang bago at galing sa ibang lugar. They are mocking my ‘probinsyana accent’ but it’s not like they’re bullying me with that. Nasasakyan ko naman at okay lang sa akin. I am also appreciating Ash’s presence. Noong una kasi nila akong niloko sa accent ko ay agad niya akong tinanong kung naoffend ba ako. Sinabi ko naman sa kanya na okay lang at walang problema. Nang sabihin ko iyon ay agad siyang sumali sa pang-aasar sa akin na ikinatawa ko na lang. Katatapos lang ng klase namin sa Earth Science at nandito kami ngayon sa quadrangle. Nagsisiuwian na ang mga pang-umagang klase but we still have one more class left. Hindi ko alam kung dapat ba kaming kainggitan ng ibang section dahil SSC kami. Being in this class just equates to more workloads. May dalawang extra classes kami unlike sa regular sections which is an advanced science class and Research. Earth Science ang additional science class namin for Grade 7, Biochemistry for Grade 8, Advanced Physics for Grade 9, and Advanced Chemistry for Grade 10. Ang Research naman ay all through-out until Grade 10, and it is an experiment research. Break namin ngayon at mamaya pang 4pm ang class namin sa TLE or Journalism. Noong first day kasi ay pinapili at hinati ang klase base sa kung anong gusto nila sa dalawang subject. I personally chose TLE dahil mahirap ang Journalism. My adviser in Grade 6 assigned me to try Sports Writing and I really can’t find myself liking that. Si Ash naman ay nakasunod lang sa akin. “Ikaw na pumili, Gi. As long as I’m with you, I’m fine with that.” sabi niya noong pinapapili kami. Naglalaro sila ngayon ng habul-habulan. Nandito lang ako sa may bench ng Building B, sa may tapat ng payat at maliit na puno dito sa gilid ng stage. Hindi na ako sumali dahil tinatamad ako igalaw ang katawan ko. Gusto ko na lang talaga umuwi at matulog. Friday hormones ata dahil weekend na. Nakita kong halos at muntikan na madulas si Ash sa pagtakbo palayo kay Gerald. May madulas na part kasi doon sa quadrangle kaya natawa ako. Nahagip ng mata ko ang mga Grade 9 at si Kuya Ron na papalabas ng Building B. Madali lang naman i-distinguish ang grade levels ng mga estudyante— through their ID laces; green, orange, pink, and blue for Grade 7 to Grade 10, respectively. Tatawagin ko sana si Kuya Ron pero naunahan na ako ni Ash. “Everon!”, kumaway-kaway pa siya habang tumatakbo. Sa lakas lang boses niya ay kahit na si Kuya lang ang tinawag niya ay halos lahat ng kasama niya ang lumingon kay Ash. Kasama na doon si kuyang brown eyes. Napatuwid ako ng upo at inayos ang sarili. Dali-dali akong nag-bun dahil sandali kong inilugay ang buhok kasi masakit na sa ulo lalo na at basa pa ito. I mentally remind myself na mukha akong tanga sa ginagawa ko. As if naman na maaalala pa ako noon at kilala ako ng lalaking iyon ‘no! Nang sa tingin ko maayos na ang sarili ko, doon ko nakita na nakalapit na si Kuya Ron kay Ash at himalang nakayuko at nakanguso ang babae at hindi nakikipagtalo sa kapatid. Medyo malayo sila sa mga kasama ni Kuya. Bahagya akong nagnakaw ng tingin kay kuyang brown eyes at naabutan na nakatingin siya sa gawi ko habang nakakunot ang noo. Shit! Kahit lagot kay Mama kapag narinig niya ako, pero s**t! Okay kalma, hindi siya nakatingin sa’yo okay? Sa gawi mo lang pero hindi siya nakatingin sa’yo! Huwag mangarap okay?! Pero, masama bang mangarap ng gising? Kahit alam kong pagsisisihan ko, tumingin ulit ako kay kuyang brown eyes. Papunta siya sa akin! Shit! Ano ba naman ‘to! Sandali lang po! Kung may itutuwid pa ang upo ay ginawa ko na talaga! Magdikit na magdikit ang dalawang hita ko at maayos na nakalagay doon ang dalawang palad ko. Pinipilit kong ikalma ang sarili ko kaya kunwari ay lumingon lingon ako habang nag-hu-hum ng kung an. Sinabayan ko pa ng pagkamot sa ulo. “Parang tanga talaga…” mahina kong sabi habang naghuhum pa rin. Nakita ko sa peripheral vision ko na papalapit na siya sa pwesto ko kaya mas lalo akong nagpanic sa loob-loob. Saktong pag-angat ng tingin ko ay sakto rin na nasa harap ko na siya at nagtama ang tingin namin. Ano bang binti ‘yan at ang bilis maglakad! Bakit nandito ka kaagad sa harap ko? Hindi pa ako ready kuyang brown eyes! Pero imbes na tumigil sa harap ko ay nagdire-diretso siya! Nabitin ang ngiti ko at ni-pagkurap ay hindi ko magawa. Naestatwa ako ng ilang segundo bago tumama ang tingin ko kay Ash na nakatingin rin sa akin. Nagliwanag ang mata niya pero ang mata ko ay hindi! Pinanlakihan ko siya ng mata. Please, busy ako! Huwag muna! Hindi ko alam pero parang nag-slow mo ang tingin ko sa bibig niya. Kitang kita ko ang bibig niya na bumuka galing sa pagkakangisi hanggang sa isigaw niya ang pangalan ko. “Gigi!!!” Napapikit ako ng mariin. Muli kong nilingon si kuyang brown eyes at nakitang nakatingin na siya sa akin habang nakangiti. Sorry talaga Mama pero… s**t!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD