Chapter 5
“Gigi!!!”
Napapikit ako ng mariin. Sa lahat ba naman ng pagkakataon, ngayon mo talaga napili na ipagsigawan ang pangalan ko!
Nang lingunin ko si kuyang brown eyes sa malayong gilid ko ay nakangiti siya habang nakatingin sa akin. Mabubuhayan at ngingitian ko na sana siya pabalik pero agad niyang iniwas ang tingin sa akin na para bang nahagip lang ako ng paningin niya.
Binalik niya nag tingin niya sa babaeng nasa harap niya.
“Hoy, Gigi! I said come here!” muling sigaw ng aking magaling na pinsan.
Grade 8. I mentally noted.
Grade 8 ‘yung babae based sa ID lace na suot niya. I wonder if kapatid niya ba ‘yun o kung ano. And first of all, what am I thinking? Am I having a crush on that guy? Me? As in, ako? Crushing on someone I don’t even know? How is that even possible? I mean, yes, I have crushes during my elementary years but the thing is… kilala ko sila and kilala rin nila ako! Alam ko ang ugali nila kaya ko sila nagustuhan.
Gwapo si kuyang brown eyes, okay? He has the face of the typical high school crush na napapanood ko sa mga teleserye and sitcoms tuwing linggo sa TV. His eyes has so much glow in it…na para bang kada tingin mo sa mata niya ay mahahawa ka ng kasiyahan.
Maybe, this is just a happy crush. Maybe, when I get to know him and it turns out na mayabang siya, cross out agad siya sa list of crushes ko. But, hold on. I am really expecting na makikilala ko siya ah?
“Gi, my lovely brother here is being makulit and accusing me of something I didn’t do!” bwelta ni Ash nang makalapit ako sa kanilang magkapatid sa gitna ng quadrangle.
“And you’re telling me that Tita Jen is telling otherwise?” Ron frustratingly brushes his hair. “Look, Astrid, you’re being—-”
“Ron! Tara na! Sunod na lang daw si Wensley!”
Sinamaan ng tingin ni Ron ang pinsan ko. He flicked her forehead before walking away and joining his friends. At dahil badtrip na ang pinsan ko, hindi na siya nakipaglaro sa mga kaklase namin at sinamahan niya na lang ako sa bench kung saan ako nakaupo kanina.
“Nakakainis naman kasi! I didn’t expect na may pagkasumbungera rin ‘yang si Tita Jen!” reklamo niya sa librarian namin. Tinawanan ko lang siya at hinayaan na magrant sa gilid ko not until marealize kung ano ang pinag-aawayan nila ng kuya niya. “Huh?! Nakarating kay Kuya Ron?!”
“You realized it so late! Nagtataka ako why are you smiling and laughing at me, eh, we’re both doomed!” sabay palo niya sa braso ko.
Noong nakaraang araw kasi ay naabutan kaming tumatakbo noong librarian, which is Tita Jen, sa library. Yeah, I know, library tapos nagtatakbuhan kami but hear me out first! That library is one of a kind!
Ang isang library ay typical na tahimik, ‘di ba? Pero irong library na ‘ro ay hindi! It is okay to talk so loud. Not so loud but you can hear students chattering around.
Iyon ang naabutan namin noong second day namin. After our Earth Science class from the third floor of the Building B, bumaba kami sa second floor para tingnan ang library kasama ang iba naming mga kaklase. Pinaglog-in muna kami noong estudyanteng nagbabantay sa entrance bago kami pinapasok.
“Wow! It’s so silent, ah.” natawa ako sa kaniya. Makikita mo na imbes na mga nag-aaral na estudyante ay mga nagkwekwentuhan at naglalaro ng board games ang naroon. Nasa likod lang nila ang mga libro pero hindi nila iyon pinapansin at tuloy lang sa kwentuhan.
“Parang classroom lang din pala ‘to.” sabi ko kay Ash nang makaupo kami.
“Yeah, total of four classrooms na pinagcombine lang.”
“Tambayan lang ‘to eh! Dapat sa terminal na lang tayo.” reklamo ng kaklase ko na tumabi sa akin.
“Yuck! There’s so many lower sections there!” halos malukot ang mukha ni Ash doon.
“Pero mahangin doon. Tara doon na lang tayo!” nagsitayuan ang mga kaklase ko na gusto sumama at ‘yung iba naman ay naiwan, kasama kami ni Ash.
“Kilala mo ‘yun?” tanong ko, pertaining sa kaklaseng tumabi sa akin kanina.
“Nope! Si Gerald pa lang kilala ko. Ayoko din doon sa iba, they’re so cheap.”
“Huwag ka ngang ganyan,” natatawang saway ko sa kanya, “Hindi pa naman natin sila ganoon kakilala kaya huwag muna natin i-judge.”
“Speaking of judging my favorite cousin,” inirapan ko siya bago tumayo.
“Ako lang ang pinsan mo.”
“Wow, the nerve of you to do that to me! Well, anyway, Kuya said na you have a crush na daw!”
Agad ko siyang nilingon dahil bukod sa gulat ay natural na yatang malakas ang bunganga niya. “Sabi ni Kuya Ron?!”
“Yup, my dearest! So, who’s the unfortunate guy?” inakbayan niya ako. Pumasok kami sa pinakadulong room kung nasaan ang lamesa ng dalawang librarian. Natanaw ko kasi na nandoon ang mga computer at ibang literature books.
At saka, anong unfortunate? Gusto ko sabihin iyon kaso huwag na lang kasi bukod sa malakas na boses ng pinsan ko, may pagkamatabil din siya minsan.
“Wala ‘yon. Huwag mo na isipin, isipin mo na lang si Gerald.” natigilan siya bago niya ako pinalo ng pagkalakas-lakas.
“You, b***h!” lumayo ako sa kaniya habang natatawa. Sabi na eh, may gusto siya kay Gerald!
Unti-unti siyang namula bago ako hinabol ng hampas pero bago pa ako makalayo ng takbo ay sumalubong na sa akin si Tita Jen. Agad akong tumigil pero hindi yata nakita ni Ash si Tita kaya nang maabutan niya ako ay hinampas niya pa ako. “What the f**k, Gigi?! Who told you, huh?!”
Nilingon at pinanlakihan ko siya ng mata. Doon niya lang nakita si Tita Jen. Hilaw siyang ngumiti dito habang ang nasa harap namin ay nakakunot ang noo.
“Grade 7?” tumango kami, “Section?”
“A-Ah… S–”
“Section 1!” putol sa akin ni Ash.
“Talaga ba, Miss Jalandoni?” ako naman ang napakunot ang noo, “First, I caught you running inside the library. Don’t you know the basic library ethics? Second, you cursed. And now, you’re lying about your section?”
Hindi na ako nagsalita at hindi ko rin alam kung anong reaksyon ni Ash sa likod ko. “You definitely looked like your sibling so don’t ask me why I recognized you.”
“May pa ethics ethics pa siya, eh ang ingay ingay nga ng library niya!”
“Ash!! Yari ako kay Mama!” sambit ko.
“Oh, don’t worry. For sure hindi sa Mama mo magsusumbong ang magaling kong Kuya, kay Mommy siya magsusumbong.” dumekwatro siya bago pumangalumbaba, “Hay, I’m already hearing nonstop bullshits from Kuya and Mom. Buti pa si Dad, he’s cool with me as long as I am not hurting other people.”
“Pero, anyway, kamusta na ang Mr. Brown Eyes mo? It’s already Friday and you haven’t seen him again.”
Alam niya na rin ang tungkol kay kuyang brown eyes. Siya pa nga ang nagbigay ng pangalan dito, Mr. Brown Eyes. Kinuwento ko na sa kanya noong naglinis kami ng library after our last class as punishment. Iyon ang binigay na punishment sa amin ni Tita Jen kaya imbes na 5pm kami makauwi ay inabot kami ng almost 6pm. Buti na lang at hindi iyon pinuna ng mga magulang namin.
“Nakita ko na.” I said flatly para kunwari ay hindi ako masaya.
“Huh?! Really? Kailan? Where?!” napatuwid siya ng upo.
“Kanina. Sabi ko sa’yo at kilala iyon ng Kuya mo, kasama niya kanina.”
“Sino ba doon?” tanong niya bago niya ako pinalo-palo sa braso. “Masakit, ano ba!”
“Hala, girl! Baka SSG officer din?! You said, nagbantay diya noong first day and ngayon ay kasama ni Kuya kanina. Eh, mga SSG officer ‘yon na Grade 9! Baka kilala ko!”
“Paano mo naman makikilala? At saka, kung kaibigan ng Kuya mo, baka maloko rin. Ayoko sa mga ganoon.”
“Oh, oh, oh, judger! Sabi mo, don’t judge muna unless you get to know the person! And I knew the officers ‘no! Sa bahay sila minsan nagmemeeting last year!”
“Last year! Iba na ang set of officer ngayon.” I answered back. No, you can’t get my hopes high.
“Ay, oo nga.” bumalik ulit siya sa pwesto niya kanina.
“At may kinausap siyang babae kanina, Grade 8.”
“So what, naman, ‘no? Unless you want him to be your boyfriend.” She casually said habang ako’y natigilan.
Ako naman ang pumalo ng malakas sa kaniya, “Anong boyfriend ka dyan?!”