Chapter 6

1530 Words
Chapter 6 Halos mawalan siya ng balanse sa lakas ng pagkakapalo ko sa braso niya. “Anong boyfriend ka dyan?! Kukurutin ako sa singit ni Mama!” Malakas niya lang ako tinawanan. “What’s wrong with that? It’s normal kaya! I’m sure Tita would understand, I’m not sure about lang kay Tito but I don’t think he is strict naman kasi Dad is cool with me.” “Anong understand, understand? Halos habulin ako ng sandok noon noong nachismis na may katipan ako eskwelahan! At baka lokohin lang ulit ako tungkol doon sa akala ko na kidnapper si P-Papa.” “I don't know what you’re saying but my point is, you need to loosen up yourself. Especially, I know naman even you’re not yet opening up to me na you really had a hard time in your province with your Mom.” “Actually nga, Kuya also observed na matured in a small span of time.” she added. Nanatili ang tingin namin sa harap kung saan patuloy na naghahabulan ang mga kaklase. “Small span of time?” “Yeah. Mabilis, I mean. Mabilis ka daw nag-mature. I don’t know what he meant by that, though. He said that during dinner last time, I think. Kinamusta ka kasi nina Mom sa amin.” Napaisip din ako. Mature? Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Hindi ba’t parang ang bigat namang salita ‘yon para sa katulad ko. “Well, understandable naman because you grew up on your own kahit na you’re with Tita. She said na you are doing good by yourself while she’s working. Pero as I think about it,” naramdaman ko na nilingon niya ako. Napatingin ako sa kaniya at napansin ang maliit na ngiti sa labi niya at ang mapungay niyang mata. “Maybe little did she know, you forced yourself to be a good daughter and to adjust immediately because you know within yourself that you need to. Kailangan mo kasi ayaw mo maging pabigat kay Tita Jeselle.” Dala-dala ko ang usapan namin na iyon ni Ash hanggang sa bahay. Akala ko pa naman ang babaunin ko sa dalawang araw na walang pasok ay ang masayang pagtingin kay kuyang brown eyes… hindi pala. Ngayong kaharap ko ang mga magulang ko, mas lalo kong inisip ang mga sinabi ni Ash. Last year, no, a few months ago rather, I was just happily playing with my friends. Kahit na ang babata pa nila kumpara sa akin, I am really enjoying. Uuwi ako ng tanghali para kumain at sasalubong sa akin ang tahimik na bahay dahil wala si Mama para salubungin ako. Instead, I was the one who welcomed her every single time. Gumigising ako ng madaling araw dahil pagod si Mama sa trabaho at alma kong walang ibang mag-aasikaso sa akin kung hindi ang sarili ko. Siguro tama nga si Ash. Hindi ko lang siguro naiisip ang bigat ng mga ginagawa ko noon dahil hindi ko iyon iniisip. Mas iniisip ko ang Mama ko. Inaalagaan ko ang sarili ko dahil ayaw kong mag-alala si Mama dahil pagod na siya sa trabaho tapos mapapagod pa siya sa akin? Hindi iyon pwede. Sa oras na lumabas ako ng bahay, ibang Gigi ang pinapakita ko. Masayahin at mukhang walang iniisip na Gigi. At sa oras naman na pumasok ako muli sa bahay namin, mabilis na magpapalit ang mindset ko. From the carefree child-like Gigi to responsible daughter Gigi. Hanggang sa makatulog ako ay iyon ang baon-baon ko. “Gigi! Gising na aba! Hindi ka na sanay gumising ng maaga?! ‘Tong batang a-re, aba’y!” Sunod-sunod na katok sa kwarto ang gumising sa akin na sinabayan ng napakagandang boses ng nanay ko. “Opo, babangon na!” “I bought you a phone yesterday, Gi. I’m sorry ngayon lang. Your Mom really doesn’t approve of you having a phone, but I insisted because you need it.” Inabot sa akin ni Papa ang cellphone na katulad ng kay Ash at Ron. Kulay gray ito at may tatak na apple na may kagat sa likod nito. Iphone. Nasa hapag ako at kumakain habang silang dalawa naman ay nasa harap ko at nakagayak na. Nagtatrabaho sila sa kompanya ng pamilya ni Papa. Si Papa daw ay acting CEO muna dahil humingi ng leave ang kapatid niya na tatay nina Ash. Samantalang si Mama naman ay doon rin nagtatrabaho sa accounting department. Kinailangan lang nila pumasok ngayong Sabado dahil may mga inaayos daw sa kompanya. Sinabi iyon sa akin ni Papa pero hindi ko na matandaan at naintindihan dahil masyadong komplikado para sa utak ko. “Pang-school lang ‘yan, Gigi, ah. Hindi ako pumayag noong una dahil hindi ka naman sanay sa cellphone. Naka-save na diyan ang number namin ng Papa mo. Tatawag kami mamayang lunch o kung may oras.” May iba pa siyang sinabi pero hindi ko na maintindihan at nakatitig lang ako sa cellphone na hawak ko. “Ma, hindi ako marunong ng ganito. At ayos lang naman na wala ng cellphone. Hindi naman po ako lalabas, eh.” Touchscreen pa ‘to. Ang alam ko lang ay ang mga de-keypad na cellphone. Iyon ang hinihiram ko kina Ruzzel para maglaro ng snakes. Napabuntong-hininga naman si Mama. “Sabi ko sa’yo eh,” ani niya kay Papa. “I’ll call your Tito Bruno,” ang Daddy ni Ash, “We’ll invite Astrid here.” Iyon nga ang nangyari. Tanghaling tapat at nasa tabi ko si Ash. Siya ang may hawak ng cellphone ko at may kung anong kinakalikot doon. Hindi na ako nangialam dahil wala rin naman akong interes. “You should learn how to use this, ‘no! I will make you f*******:!” “Mayroon akong f*******:, Ashtrid.” sabat ko habang nakasandal sa sofa at nakapikit. Ang sarap matulog. Kung nasa Lilay pa kami, panigurado ay nanonood ako ng TV doon at maya-maya ay matutulog. Pagsapit ng hapon, kapag hindi na masyado mainit, ay nakikipaglaro na ako sa mga batang kaibigan doon. Ngayon kasi, noong wala pang pasok at wala sina Ash ay minsan umaalis kami nina Mama at ipapasyal kami ni Papa sa malalapit na pasyalan dito sa Maynila. Kung hindi naman aalis ay nandito lang kami sa bahay at mabuburyo hanggang sa gumabi. “Really? Hindi naman pala talaga kayo mga taong-bundok, or taong-palayan gaya ng akala ko! And mind you, b***h, it’s Astrid and not Ashtrid!” maarte niyang reklamo. Hindi ko na lang pinansin at hinayaan siya. Nanatili akong nakapikit hanggang sa magsalita ulit siya. “Why do you have f*******:? Sinong ini-i-stalk mo? Crushes? May crushable ba doon sa probinsya niyo?” sunod-sunod niyang tanong. Hindi na sana ulit ako magsasalita pero kuryoso ako sa isang bagay. Bumangon at hinarap siya. Pinatong ko ang dalawang paa ko sa sofa at niyakap iyon bago muling sumandal sa sofa. “Stalk? Ano ‘yon? Naglalaro lang kami ng Tetris gamit ang f*******:. Minsan Friv dot com, ‘yung fireboy and watergirl! Tambay kami sa computer shop tuwing tanghali,” natawa ako habang nagbabalik-tanaw. Hay, namiss ko tuloy ang mga kaibigan ko. Buti na lang talaga ang sinulit namin ang mga oras na magkakasama kami. “Pero syempre hindi kami nag-cu-cutting. Minsan ay na-la-late lang ng pasok sa pang-hapon na klase pero pumapasok kami at hindi naman napapagalitan.” I added it immediately. Binitawan niya ang cellphone ko at hinarap ako. “Wow, I thought you are like the typical pure mahinhin from probinsya type of girl.” sabay kaming tumawa. May pagka-judgemental talaga ‘tong pinsan ko na ito. “And stalking means…wait, how do I explain this…it’s like you’re gonna find the profile of someone then you will scroll his or her feed! Makikita mo kung ano yung mga shi-ne-share niya, his interests, friends, and most importantly, the pictures!” “Parang you will get to know him, f*******: version! Hindi mo na need siya kausapin para makilala. And of course, one of the disadvantages is virtual lang and hindi ka niya makikilala.” Napangiwi ako. “Hindi ba creepy ‘yon?” “Tanga! Mas creepy naman if you’re gonna stalk him personally! Besides, stalking your crush’s f*******: account is normal!” “Ayoko.” umayos ako ng upo. Dume-kwatro ako at pinag-ekis ang kamay. Hinampas niya na naman ang braso ko. “You’re so tanga! Kanino ka ba nagmana? Malamang, you can’t even if you want to! You don’t even know his name kaya paano mo ma-i-stalk?!” Inirapan niya ako. Muli niyang kinuha ang cellphone ko at pinindot-pindot iyon. Hindi ko na nga naiisip ‘yung lalaki na ‘yon pero itong si Ash naaalala niya pa rin. Parang ang dami niyang time para mag-isip ng mga bagay-bagay at isantabi ang mga isipin sa school. “Wait! Hold on… We can stalk your crush pala!” at bigla bigla na lang nagtiti-tili. Kung may unan lang na malapit sa kaniya ay paniguradong hinampas na niya ako noon. “Paano nga? Hindi naman natin alam ang pangalan ni kuya?” takang tanong ko sa kaniya. “Don’t you remember? He might be an SSG officer!” “And?” “And we’ll stalk Kuya Ron’s friends list!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD