Chapter 7
Parehas na tutok na tutok ang mata namin sa cellphone ni Ash. f*******: niya ang gagamitin namin pang-stalk dahil friend niya si Kuya Ron at ako ay hindi.
“First, let’s list down muna all the SSG officers I know. If wala doon si Mr. Brown Eyes, then either hindi ko siya kilala at hindi siya officer at friend lang ni Kuya or officer siya at sadyang hindi ko lang talaga siya kilala.” humagikgik siya kaya napatingin agad ako sa kaniya.
“Parang ikaw pa ang kinikilig sa ating dalawa.” puna ko. Inirapan niya lang ako.
“Okay, let’s start! First on the list is the kambal!”
“Kambal?” ulit ko.
"Twins ba, twins. Ano ba 'to? Taga-province hindi alam tagalog!” pagtataray niya na naman.
Napabuntong hininga na lang ako. Kapag talaga kausap mo si Ash ay kailangan mo ng mahabang pasensya. Hindi na lang ako nagsalita dahil bubugahan na naman ako ng katarayan ng isang ‘to.
Peter Louis Canlas.
Iyon ang tinype niya sa may search bar ng friends list ni Kuya Ron. Agad naman na may lumabas na isang account. Pinindot niya ‘yon at bumungad sa amin ang profile picture at display cover ni Peter.
“Wow, mayaman…” I said unconsciously. Napatingin naman siya sa akin bago binalik ulit ang tingin sa cellphone.
“Mas mayaman pa tayo diyan, ‘no. I know his sister, Phoebe. Childhood friend ko but now, casual friends na lang kami.” bahagya siyang sumimangot, “It sucks nga lang and anyway, siya ba?”
Muli kong tiningnan ang cellphone. Pinindot niya ang profile picture at doon namin nakita ang kabuuang picture. Nakasuot siya ng isang faded jeans at white shirt habang nakaupo sa isang metal na upuan. May lamesa sa gilid niya at may kape doon. Seryoso lang din siyang nakatingin sa camera. At ang background niya ay ang Eiffel Tower. Sa kuha ng litrato ay panigurado na malapit lang sila sa kung nasaan ang famous landmark.
“Actually, I’ve been there na rin with Mom nung bata pa ako. I don’t really quite remember but walking distance lang ‘yan. See the ilog sa background niya? Just after that plus some walking.” dagdag niya kahit hindi ko naman tinanong.
“Hindi siya ‘yun…”
“How about Dan…wait…Jordan… oh shoot, I don’t know his surname,”
Nag-type siya ng Jordan pero walang lumabas sa search list. “Baka wala siyang f*******:?”
Umiling siya. “No. That’s impossible.”
“Hindi mo sila tinatawag na Kuya?” puna ko.
“Why would I? Si Kuya Ron nga hindi ko tinatawag na Kuya, sila pa kaya?” natawa naman ako. Wala siyang favoritism, ah.
“Kahit na. Mas matanda sila sa atin, ‘no.”
Tinaasan niya lang ako ng kilay habang nakatutok pa rin ang mata sa cellphone. “So considering na Grade 9 si Mr. Brown Eyes, would you like to call him Kuya?”
“Syempre, depende.”
“Muli siyang umirap. “I can’t find it. His name’s Jordan. His friends call him Dan. I’ll ask Kuya Ron na lang mamaya. Let’s move on sa next, si Kuya—-”
Biglang tumunog ang doorbell ng condo at sabay kaming bumaling sa pinto. Gulat akong humarap sa kaniya, “Wala akong bisita…”
“Baka si Kuya Ron,” banggit niya sa kapatid bago tumayo. Umalon pa ang floral dress niya bago sinuot ang gray na home slippers ko. Hindi na ako tumayo at hinayaan siyang magbukas ng pinto.
“Wala naman nabanggit si Kuya Ron na pupunta siya dito, ‘di ba?”
“Or baka si Kuya Efren,” hula niya ulit.
Pinagmasdan ko siyang isabit ang double lock bago tuluyang buksan ang pinto. “What are you doing here?” Hindi ko naman makita ang kausap niya dahil maliit lang ang away ng pinto dahil sa double lock.
“Iniwan mo ako sa bahay. Dapat ay ginising mo ako,” si Kuya Ron.
Hindi na namin natuloy ang pang-i-stalk dahil dumating si Kuya. May dala siyang pagkain gaya ng ice cream pints at iba pang mga snacks. Dahil doon, nag-aya na manood ng pelikula si Ash. Sa kalagitnaan ng pelikula ay tumayo si Ash at ginaya ang bida,
“The cold never bothered me anyway…” ngumisi siya at nagpatuloy sa patalon-talon ay kunwari pagbuga ng snow sa kamay niya.
Tawang-tawa ako at si Kuya Ron naman ay halos itulak na si Ash pero bahagya rin siyang nakangiti. “You’re ruining the show, Astrid!”
Nakita ko ang phone ko sa isang ottoman. Kinuha ko iyon at binuksan ang camera. Itinapat ko iyon sa magkapatid. Isang nagrereklamo at ang isa naman ay walang pakialam at patuloy sa pagkanta.
“Oh ‘di ba, memorize mo na ‘yan. Paulit-ulit mo na ‘yan pinapanood simula last year!” reklamo na naman si Kuya Ron nang sabayan ulit ni Ash ang mga dialogue ng characters. Bago pa kasi kami manood ay muli silang nag-away sa kung ano ang panonoorin. In the end, nanalo pa rin si Ash at walang nagawa na ang Kuya niya.
Kinagabihan ay naka-uwi na rin ang mga magulang ko. Doon na rin kumain ng hapunan ang magkapatid bago sila tumulak pauwi. Inaaya pa ako ni Ash na matulog sa kanila pero tumanggi ako.
“Dito na lang muna, Ash. Next time na lang, marami pa namang ibang pagkakataon.”
“Let her bond with Tito Ben.” Kuya Ron added. Sa huli, wala na rin nagawa pa si Ash.
Ganoon din ang nangyari kinabukasan. The difference is we are with my parents. We watch a different movie with them while eating the snacks they brought. Noong hapon naman ay nag-aya na magsimba si Mama. May malapit na simbahan kasi dito na malapit lang din sa Raja. Kumain naman kami sa isang chinese restaurant sa Lucky Chinatown na malapit lang din.
“You two should also come with us once we plan for another road trip.” Papa said while we were waiting for our order.
“Road trip po?” ulit ni Ash.
“Yes. Hindi ba nabanggit sa’yo ni Gigi? Last time we went to Tagaytay and Baguio.”
“Pero uwian lang din iyon dahil may mga inaasikaso ang Tito niyo sa kompanya. Next time sumama kayo para makapag-stay ng matagal doon si Gigi. Susunduin na lang siguro kayo kapag uuwi na.” dagdag ni Mama.
“Sa bakasyon na lang siguro Mama,”
“Bakit? Sinabi ko bang ngayon?” at ngumisi siya sa akin. Bago pa ako makapagsalita ay dumating na ang pagkain namin. Kumain at namasyal lang din kami sandali dahil may pasok na bukas.
Pagkauwi ay nag-ayos lang ako sandali ng uniporme at ng bag bago nahiga para magpahinga. Nag-fe-f*******: lang ako para antukin nang mag-message si Ash.
Astrid Tandoc:
Kuya said pala na iba pala ang name ni Dan sa f*******:.
Japanese ‘yon at he can’t change it to his real name until 60 days after.
And stalk Kuya Wensley by yourself na lang. Siya ‘yung hindi natin na-stalk last time kasi epal si kuya.
Gigi Tandoc:
Wensley?
Astrid Tandoc:
Wow.
Sa tatlong message ko, ‘yan lang talaga ang reply mo.
I can’t believe u.
Well anyway, Wensley Daluz.
Good night, b***h!
Hindi na ako nakapag-reply pa dahil mabilis siyang nag-out. Mabilis ako bumangon at lumabas ng kwarto, dala ang cellphone. Pagkalabas ko ay dim na ang ilaw sa sala. Iilang ilaw na lang ang mga nakabukas. Tumingin ako sa kwarto na katabi ng akin.
Kwarto iyon nina Mama. Bahagya iyon na nakabukas at nakita ko na nakaupo si Papa sa study desk niya habang nakabukas ang laptop sa harap. Naramdaman niya siguro ang tingin ko kaya napabaling siya sa akin.
Tumayo ako ng tuwid at bahagyang ngumiti sa kaniya. “Yes, darling? What do you need?” mahina lang ang boses niya pero dahil sa katahimikan, narinig ko iyon. Siguro ay tulog na rin si Mama kaya hininaan niya ang boses niya.
“Wala po. Iinom lang ng tubig,”
Tinanguan niya ako and I took that opportunity to go to the kitchen. Habang umiinom ng tubig ay inabot ko ang cellphone na pinatong ko sa counter top. Sumandal ako doon. Nakaharap na ako ngayon sa lababo. Binitawan ko naman ang baso at nag-focus sa cellphone.
Pagkabukas ko ng ulit ng f*******: ay madali kong pinindot ang search bar sa itaas.
Wensley Daluz
Maraming account ang lumabas at bago pa ako makapindot ng isa ay halos mapatalon na ako sa boses ng tatay ko.
“Drink milk instead kaya ‘nak, para makatulog ka agad,”
Mabilis pa sa alas-kwatro kong itinago ang phone sa likod ko. Napakunot naman ng noo si Papa pero nagpatuloy siya sa may ref. Siya na ang kumuha ng gatas na naka-carton at nagsalin sa panibagong baso na kinuha niya. Binigay niya iyon sa akin at pinanood akong ubusin ang laman.
"Ako na dito. Sleep na, baka bumangon pa ang Mama mo at pagalitan ulit tayo."
Parehas naman kaming natawa doon. Noong nakaraan kasi ay ganito rin ang eksena namin ni Papa. Ang kaibahan lang ay wala pang pasok noon sa school kaya nagkwentuhan kami sa sala hanggang sa bumangon si Mama at nagreklamo dahil hindi namin siya kasama.
Nang mahiga ay pinatong ko na ang phone sa bedside table katabi ng patay na lamp.
“Bukas na lang siguro,” bulong ko sa sarili.