Chapter 8
“I’m so tired!” reklamo ni Ash bago maupo sa tabi ko. Nandito kami ngayon sa gilid ng Marcela. Nagpa-practice kami ng sabayang pagbigkas para sa Buwan ng Wika.
Masyadong mabilis ang naging kaganapan sa first two months namin as high schoolers. Halos paper works ang pinapa-pasa sa amin. And as a student who came from a province, na hindi uso ang paper works or any assignments, sobrang na-culture shock ang self ko.
Hindi lang naman ako na-culture shock. Nang sabihin ko rin iyon kay Ash ay nagulat din siya. Kaya imbes na mag-research kami ng assignment sa library ng school ay pinagkwento niya lang ako ng naging routine ko doon sa Lilay. Ending, nag-away ulit sila ng kuya niya dahil si Kuya Ron ang gumawa ng assignments namin. Sinabay na ni Ash ang sa akin dahil may printer sila sa bahay nila bukod pa sa katotohanan na wala akong laptop o computer para mag-research.
“Hoy, maka-reklamo ka parang pagod na pagod ka ah?!” patol ni Eric. Isa sa mga lalaking kaklase namin.
“Oh, bakit? Bawal mag-reklamo? Bawal mapagod?”
Kung sa bahay nila ay ang kuya niya ang aso at palaging kaaway niya, sa school naman ay itong si Eric. Hindi ko rin alam kung paano sila naging aso’t pusa. Basta narinig ko na lang silang nagbabangayan sa likod ng room.
“Sige na, guys, water break na lang muna tapos practice ulit. Sa friday na ‘to!” si Angelica, President namin.
Mabilis na nagsitayuan ang mga kaklase ko at pumunta sa may kalsada kung nasaan ang mga nagbebenta ng street foods. Napatingin naman ako sa pinsan ko na patuloy nakikipag-asaran kay Eric.
Kinuha ko ang bottled water niyang nakabukas. Mabilis siyang lumingon sa akin, “The hell?!” reklamo niya.
“‘Yang pag-e-english mo ‘yang kina-arte mo sa buhay!”
“Alam niyo, diyan nagsimula lolo’t lola ko,” asar ko sa kanilang dalawa bago uminom ng tubig. Muntikan ko pa mabuga ang tubig dahil sa hampas ni Ash sa akin sa likod.
Maya-maya ay nagsimula na ulit kami mag-practice. Hindi ko alam kung practice ba iyon dahil halos kakulitan lang ng mga lalaki habang sinasaway sila ng mga kaklase ko. Halos umusok na rin ang ilong ni Angelica dahil sa kanila.
Kahit naman ganoon ay halos matapos na rin naman namin ang piece. Si Angelica lang ang nagtuturo kasama ang ibang officers. Minsan ay humihingi siya ng suggestions sa amin pero bunganga lang ni Ash ang nagsasalita. Kahit naman mareklamo ang pinsan ko na iyon ay hindi naman maikakaila na magaganda rin ang suggestions niya.
Nang mag-alas siete ay nagpasya na rin kaming umuwi. Ganito ang routine namin simula noong Lunes. Kulang na lang ay sa school na kami matulog dahil halos 12 hours kaming nasa labas. Nakapagsabi na rin naman ako kina Mama at buti na lang ay naiintindihan nila.
Sumakay na sa mga tricycle na blue at yellow ang mga kaklase ko habang ang iba naman ay naglakad na lang dahil malapit lang ang bahay nila.
“Gigi, ‘yung manila paper ah!” sigaw ni Angelica sa likod ng driver ng tricycle na umaandar. Tumango na ako sa kaniya dahil nagulat ako.
“Parang ang saya mag-tricycle.”
Kami naman ni Ash ay pabalik sa tapat ng Raja. Nandoon si Kuya Efren at naghihintay sa amin. Family driver pala namin si Kuya Efren. Akala ko kasi ay driver lang ng pamilya nina Ash.
Nang tumagal ay naintindihan ko na kung bakit hindi sa mismong harap ng school pinipili bumaba ni Kuya Ron. Nakakahiya na bumaba sa isang kotse kung pagtitinginan kami ng mga estudyante na papasok. Kaya doon ko napagpasiyahan na paghintayin si Kuya Efren. Siguro ay na-realize din iyon ni Ash kaya hindi sya nakipagtalo sa akin nang sabihin ko iyon.
Imbes na sa kabilang street kung saan niya kami binababa, doon na siya naghihintay sa gilid ng Raja katabi ng barangay doon. Masyado kasing madilim sa kabilang street at baka may kung anong pang mangyari.
“Kawawa ka naman, tricycle na lang hindi mo pa masakyan.”
“You know what? Kapag napuno ako sa’yo, i-re-reveal ko talaga sa mga classmates natin na ganyan ang ugali mo! Pa-demure at mahinhin ka pang nalalaman, eh napakasama rin ng ugali mo!”
Bubulong-bulong pa siya pero hindi ko na rin pinatulan. Lumiko na kami at noong nasa tapat na kami ng Numancia, nakita ko ang dagsa ng mga estudyante.
“Uwian na ng mga pang-hapon,” puna ko.
“Yeah, the lower sections…”
Agad ko siyang siniko. “Huwag ka ngang ganyan,” at ang loka-loka ay inirapan lang ako. Sa may kalsada kami dumaan instead na sa may hallway dahil madilim at marami ngang tao.
“Hala, si Kuya Wensley! Kuya!” bigla siyang kumalas sa pagkakasabit ng braso niya sa akin at biglang tumakbo. Familiar ang pangalan na tinawag niya kaya napatingin rin ako sa grupo na tinakbuhan niya.
Una kong napansin si Kuya Ron na nasa may likod ng grupo at nakakunot ang noong nakatingin kay Ash. Sa harap niya ay isang lalaki na medyo chubby na nakasuot ng salamin habang sa kaliwa nito ay isang babae. Familiar ang mukha ng babae pero wala na akong oras na alalahanin pa kung sino siya nang makita at ma-realize ko kung sino ang nasa tabi niya na ngayon ay nakayakap si Ash.
Wensley? Wensley Daluz?
Hindi na ako nagkaroon pa ng oras na i-search ulit ang pangalan na pinapa-stalk sa akin ni Ash noong araw na iyon dahil sa mga biglang bagsak ng mga assignments sa amin. Hindi naman ganoon karami iyon at kung tutuusin ay madadali lang dahil mag-re-research lang ng meaning o mag-pi-print ng mga pictures. At sa rason na hindi ako maalam sa pag-re-research at kung ano pang print print, nawala na sa isip ko ang bagay na plano kong gawin.
Sa mga susunod na araw naman ay nakaligtaan ko na rin. Hindi ko naman talaga siya naiisip at hindi rin naman siya binabanggit ni Ash kaya paano ko siya maiisip, ‘di ba?
“Hoy! Ang laki mo na, ah! Hindi na kita nakikita sa bahay niyo!”
“Glowing! Inspired ka ba?”
“Hoy, andiyan ang kapatid!”
Habang nagtatawanan sila, dahan-dahan akong gumilid. Halos sumandal na ako sa sasakyan para lang hindi nila mapansin.
Bakit kasi ngayon pa?! Ang pangit ko! Hindi ako ready!!
Wala sa sariling inayos ko ang mga nakatayong buhok na umalpas na sa bun ko. Dapat talaga nilugay ko na ang buhok ko kagaya ni Ash, eh.
Nagkulitan pa sila doon nang magtama ang tingin namin ni Kuya Ron. Alam ko na kaagad ang susunod at ayaw ko na rin mapahiya pa kaya taas noo akong tumuwid ng tayo bago napasya na maglakad papunta kay Ash.
Lumunok muna ako bago nagsalita. Hinawakan ko ang transparent na pink Jansport bag ni Ash, “Una na ako kay Kuya Efren, Ash…”
Doon na lang ako maghihintay sa sasakyan kaysa naman dito sa gilid at maghintay na mapansin ang dugyot kong appearance. Bakit kasi sa lahat ng pagkakataon, nagyon pa talaga? Like, anong problema ng tadhana sa akin?!
Pero hindi ko alam kung tama bang desisyon na magpakatapang at magsalita dahil lahat sila ngayon ay nakatingin na sa akin. Including him…
Shit!!!
Dapat ba nanahimik na lang ako doon? Eh, mas lalo akong magmumukhang tanga doon!
Habang nagkaka-internal crisis ako, doon pa talaga pinili ng magaling kong pinsan na magbiro. “Anong gagawin mo kay Kuya Efren? Walang pagkain doon! Sabi mo kanina gutom ka na, ano magic na busog ka na?”
Muntik ko na siyang sabunutan kung wala lang talaga kami sa harap ni kuyang brown eyes.
“H-Hindi na naman a-ako na—”
“Ay nako, kung pera nag problema, huwag ka na mag-alala bata. Nandito ang sugar daddy ng lahat, ‘di ba Peter?” sabi noong chubby.
“Wala nga akong allowance, kulit ng lahi mo ah.”
“Sama ka na, Gi, diyan lang tayo sa 7/11,” si Kuya Ron na ang nagsalita kaya wala na akong nagawa.
“Tara na! I’m so hungry!” si Ash. Hinila niya si kuyang brown eyes. Natawa naman ang lalaki at hinayaan si Ash habang umakbay siya dito. Medyo nagulat ako doon pero agad ding naka-recover.
“Ang kulit mo pa rin.”