Chapter 9
Sa dulo ng street ang 7/11. Actually, tanaw lang iyon sa pwesto namin dahil halos nasa tapat lang kami ng Numancia, kung saan naninirahan ang mga teachers ng Raja at ng Jose Abad Santos na nasa likod ng Raja.
“Kuya, doon na lang ako kay Kuya Efren, hindi naman ako nagugutom eh…” I almost stuttered.
Nasa likod kami ng mga kaibigan niya kaya malaya ko siyang nakakausap.
“Hindi na, mabilis lang naman. Bibili lang sila ng pagkain tapos uuwi na rin.”
Hindi na ako nagpumilit pa. Pumasok na kami sa 7/11. Maliit lang ito kaya kahit kaunti lang ang tao o estudyante ay mukhang marami at masikip tingnan. Mukhang tanga namang nagliwanag ang mukha ko dahil sa naisip.
“Kuya Ron, sa labas lang ako…” sabay kalabit sa kaniya. Wala sa sariling tumango si Kuya dahil kinakausap pala siya nung chubby niyang kaibigan.
Agad na akong lumabas at umupo sa mga hagdan sa gilid. Medyo madilim at ang liwanag lang galing sa 7/11 ang makikita. May street light naman na yellow-orange-ish pero sapat lang para makita ang anino ng mga estudyanteng nagsisilabasan galing sa Raja at Abad.
Wensley.
Tinatawag siyang Kuya ni Astrid. Siguro ay matagal ng kaibigan ni Kuya Ron ‘yong Wensley dahil mukhang close rin niya ang lalaki. Pero kung close sila ni Ash, panigurado ay alam din niya na kulay brown ang mata ni Wensley?
Inilabas ko ang cellphone ko galing sa bulsa ng palda ko. Kanina kasi ay nasa bag ko ito dahil hindi naman siya ginagamit sa school dahil bawal talaga magdala ng phone in the first place.
Alam ko na kung paano ito gamitin kaya in-open ko ang data nito bago pumunta sa f*******:. Balak kong ituloy ang naudlot na plano ko two months ago. Titingnan ko lang naman kung siya talaga si kuyang brown eyes. Baka namamalik-mata lang pala ako kanina lalo na at medyo madilim nga.
Hindi ko pa nai-ty-type ang pangalan niya ay may tumabi na sa akin. Noong una ay akala ko si Kuya Ron dahil alam niyang nasa labas ako pero nang tingnan ko ulit ay halos tumayo na ako sa gulat.
Syempre, bago pa ako mapahiya ng tuluyan ay napigilan ko ng tumayo at gumawa ng karumal-dumal na pangyayari na pagsisihan ko sa future.
Dahan-dahan kong itinuwid ang upo ko at inayos ang nalalaglag na strap ng transparent na bag ko. Kalma lang. Kunwari ay hindi ka affected. Pero sige nga, paano ka kakalma kung ang crush mo ay bigla na lang tumabi sa’yo?! And what? Crush?!
“Hi!”
Okay, pwede na ako mamatay. Kinausap na ako ng crush ko!
Syempre joke lang. Kukurutin pa ako ni Mama sa singit. But first of all…shit! Ang lalim ng boses niya! Hindi naman ganyan ang boses niya kanina noong kausap niya si Ash?! Or baka ako lang? Nag-i-ilusyon lang talaga ako?!
Halos maestatwa na ako sa kinauupuan ko nang kausapin niya pa ako. “Friend ka ni Astrid?” sabay inom ng inuming binili niya siguro.
“A-Ah,” hay nako naman talaga. Ngayon pa napili ng lalamunan ko magkaplema, magaling talaga! Bahagyang umubo ako at agad na sinundan ang sasabihin para konting pagkahiya lang. “H-Hindi…”
“Huh? Hindi ka niya kaibigan?” nalito niyang sagot. Kumunot pa ang noo niya bago bumaling ng tingin sa akin. Umiwas ako ng tingin.
“A-Ah, a-ano…” s**t. Ano ulit ‘yung tinanong niya?
“Sige, isipin mo muna. Hindi naman talaga kakaibi-ibigan ‘yang si Astrid.” sinundan niya pa ng tawa kaya mas lalo akong nablanko. Kung pwede lang siyang titigan magdamag, ginawa ko na! But of course, hindi natin tatangahan. I should leave a good first impression!
“Ah, hindi!” kunwari natawa ako, “Pinsan ko siya. Sila ni Kuya Ron.”
Ramdam ko pa rin ang tingin niya sa akin kaya bumaba na lang ang tingin ko sa cellphone na hawak. I should thank Papa for the phone when I get home. Kung wala ‘tong phone ay panigurado, ang I.D. na suot ang kakalikutin ko.
“Talaga? Hindi pa kita nakikita sa bahay nila o hindi lang tayo nagkikita?”
Getting to know each other?!
“G-Galing akong ibang ano…ibang lugar at ngayon lang din kami nagkakilala nina Ash.”
Tumango-tango siya. Hindi ko na sana susundan ang sinabi ko pero may sariling amo yata ang bibig ko at gumalaw. “Hindi pa rin naman ako nakakapunta sa bahay nila kaya tayo nagkikita.”
“Wala rin naman nabanggit si Ron na may pinsan siya kaya akala ko kaibigan ka ni Astrid.”
“Anong pangalan mo ulit?” sunod niyang tanong. Kaunti na lang magpapasa na ako ng biography sa kaniya.
“G-Gigi na lang.”
“Oh, nice! Ganda ng pangalan niyong magpipinsan ah. Wensley na lang sa akin!”
Ngumiti ako. Ay kahit hindi mo po sabihin, alam ko na.
Hindi na ako nagsalita. Hindi na rin naman siya nagsalita kaya hindi na ako nagpabida. Parehas na kami ngayon na nakatingin lang sa mga estudyanteng papauwi. Kakaunti na lang naman sila kaya medyo natatanaw ko si Kuya Efren na nakatayo sa sasakyan namin. Tatayo na sana ako at pupunta na lang doon kasi na-a-awkward-an ako sa katabi ko nang muli siyang magtanong.
“Same section kayo ni Ash? SSC?”
“Oo, SSB nga lang,”
“SSB? Kayo pala ang sinasabi na sakit sa ulo ng mga teachers, ah.” biro niya. Or hindi siya nagbibiro?
“B-Bakit naman?”
Kumibit balikat siya. “Ewan, nabanggit lang sa amin ni Ma’am Orfelia. Kilala mo?”
“Oo, teacher namin sa Math.” malaya na akong nakatingin sa kaniya dahil nanatili ang tingin niya sa harap.
“Hindi daw kasi kayo nagpa-participate sa klase,” muli siyang tumawa. May sasabihin pa sana siyang kasunod kung hindi lang may tumawag sa kaniya. Sabay kaming lumingon sa may entrance ng 7/11.
“Wensley!” Siya ‘yung babaeng kasama nila kanina. Dahil sa liwanag galing sa gilid niya, nakita ko na nakasuot siya ng orange na I.D. lace. Grade 8? Nang tingnan ko ulit ang mukha niya ay doon ko lang napagtanto na siya ‘yung pinuntahan at kinausap ni Wensley noong first week ng klase.
“‘Lika, dito!” aya naman nitong katabi ko. Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil hindi na magkakaroon ng awkward silence sa pagitan namin, o maiinis dahil naistorbo ang moment namin. Eh balak ko nga kanina umalis, ‘di ba? Minsan hindi ko na rin talaga maintindihan ang sarili ko.
“Bakit ang tagal nila? Buong 7/11 na ata pinabili ni Dan kay Peter ah!”
“Hinihintay na lang na i-re-heat yung pagkain na binili. Si Ash naman ay inaaway pa si Ron.” sagot naman nung babae.
Nakatayo na siya sa harap namin ni Wensley. Dumapo ang tingin niya sa akin. Nginitian ko siya pero hindi ko alam kung ngiti ba ‘yon dahil ramdam kong bahagyang kumibot ang labi ko.
“Oy, hi!” kumaway-kaway pa siya sa akin. “Kaibigan ka ni Ash, ‘di ba?” tanong niya sabay abot ng kamay sa akin. Inabot ko naman ‘yon, “Hello! Oo. At mag-pinsan din kami.”
“Hala, siya! Kanina ang sagot mo sa akin, hindi kayo magkaibigan! Favoritism, ah!” putol naman ni Wensley.
“Kasi pangit ka.” sagot naman nung babae bago naupo sa tabi ng lalaki.
“Speaking of pangit, siya si Phoebe. Kakambal niya ‘yung payat na lalaki kanina. Sikat ‘yan sila. At saka pagpasensyahan mo na at hindi nagpakilala sa’yo, inuna pa ang chismis. Medyo may amats kasi, eh.”
Bahagyang pinalo naman ni Phoebe si Wensley. “Aray ko naman! Magkaibigan talaga kayo ni Astrid!”
Natawa naman ako. Mahilig talaga mamalo si Ash. Medyo mabigat din ang kamay kaya kapag natatawa siya or ramdam mong mapapalo ka lalo na at katabi mo siya, lumayo-layo ka na. Sanay na naman ako kaya ayos lang sa akin.
“And, what about me?! Don’t you dare compare me to that girl ‘no!”
Nakalabas na pala silang apat at papunta na rin sa pwesto namin. “Akala ko binili niyo na buong 7/11 eh.”
“Why not, ‘di ba. Kung may allowance lang ‘di ba, Pits?” siniko nung chubby iyong Peter. Magkamukha nga sila ni Phoebe. Halos buhok lang ang pinagkaiba nilang dalawa. Makapal ang kilay, matangos ang ilong, hooded eyes, at tamang kapal na labi. Napahawak naman ako sa labi ko. Sabi ni Ash ay naiingit daw siya sa labi ko dahil manipis. Parang mas dapat niyang kainggitan si Phoebe.
“Huh?”
Sabay-sabay naman silang tumingin sa akin. “Ay, hala, hindi! Sorry! Sorry!”
“Hala, pare, minamaliit ata ng kaibigan ni Ash ang kakayahan ng allowance mo!”
“Hala, hindi! Promise, hindi talaga! Sabi kasi niya,” turo ko sa katabi kong si Wensley, “Mag-kambal silang dalawa,” turo ko naman kay Peter na nakatayo sa gilid nung chubby at kay Phoebe na nakaupo pa rin, “Eh bakit Grade 9 na siya tapos si Phoebe naman ay Grade 8?”
Nahagip kasi ng tingin ko ang I.D. lace ni Peter kaya agad akong nagtaka.
“Huwag mo na isipin ‘yan, Gi! Halika na, hayaan mo na sila sa trip nila sa buhay!” hinila naman agad ako ni Ash patayo. “Huh? Ano?”
“Nagtatanong lang naman Astrid, badtrip ka naman agad.”
Susundan ko sana paalis si Ash dahil hila-hila niya ang kamay ko nang may humawak rin sa kabilang kamay ko. Nang tingnan ko kung sino ay halos lumabas ang puso ko.