Chapter 10

1659 Words
Chapter 10  Hanggang sa sumunod na buwan ay hindi nawala sa isip ko ang pangyayari na ‘yon. Hindi pwedeng lilipas ang isang araw na hindi ko maiisip kung paano humaplos sa wrist ko ang kamay niya. Saglit lang naman iyon at agad din niya akong binitawan. Ngunit ‘yung saglit na ‘yon ay parang ilang minuto kong naranasan. Umuwi at natulog talaga ako ng mahimbing noong gabi na ‘yon. Toong nangyari ‘yon. Sigurado ako. Isang buhay na patunay na ang katabi kong paulit-ulit din na naghihimutok sa nangyari noong gabi na iyon. Magkaiba nga lang kami ng proposisyon sa nangyari. Kung ako ay halos sambahin ang gabi na ‘yon, si Ash naman ay kulang na lang hilingin na mabura ‘yon sa isip at history ng buhay niya. Hindi naman palagi, pero tuwing may naaalala niya iyon ay para talaga siyang bulkan na sasabog. Katulad na lang ngayon. Kasalukuyan kaming nasa library, naghihintay ng alas-kwatro para sa huling klase namin. “Kapag talaga nakasalubong ko ‘yang Phoebe na ‘yan, sasabunutan ko talaga siya. Malaki siyang peste sa mga memories!” Busy ang buong library lalo na ang dulong rom kung nasaan ang mga computer at kung nasaan din kami. Hindi naman karamihan ang mga estudyante pero karamihan ay mga SSC students. Pasahan na kasi ng Chapter 1 to 3 bukas para sa Research subject namin. Nag-c-cram na kami dahil September na, meaning Science Month at presentation na ng mga experiments at papers namin. Trio, duo, or individual naman ang groupings namin, depende sa amin, and as usual kaming dalawa ni Ash ang magkagrupo. Sabi ko nga ay magdagdag kami ng isa pero ayaw niya dahil maarte daw siya. SIya na mismo ang nagsabi noon kaya hindi ko na siya kinalaban pa. Hindi pa naman kami nag-e-experiment dahil wala pang go-signal from our Research adviser. Since bukas pa mag-che-check ng papers at Chapter 3, bukas pa lang bibigyan ng go-signal if pwede na mag-experiment. Kung busy sila sa research paper, itong si Ash naman ay busy dumaldal. Tapos na kasi kami, basically dahil sa tulong ni Kuya Ron kaya madali namin natapos. Kahit na may sarili siyang research ay tinulungan niya pa rin kami. Kaya malakas ang loob ng isang ‘to na dumaldal. Kulang na nga lang ay ipatong niya ang mga paa niya sa lamesa. Habang nakaupo kasi ay nakataas at nakasandal kasi ang nakayupi niyang mga paa sa edge ng lamesa. “Ang laki talaga ng galit mo kay Phoebe, ‘no?” I said while scrolling through my phone. Binabasa ko ang proposal namin dahil baka may iba pang itanong sa amin about sa methodology. Hindi pwedeng dito pa ma-reject ang paper namin dahil uulit kami sa umpisa. And what I mean na umpisa ay from proposal ng research or experiment na gusto namin gawin at title defense. Buti na lang din at pwedeng gumamit ng phone dito sa library. Not to mention na okay na si Ash kay Tita Jen, close na nga sila but not too close dahil ayaw niya tumulong sa pag-mop ng library after class hours. “Hindi lang kay Phoebe, ‘no! Sa kapatid niya rin! Ang kakapal ng mukha nilang makipag-usap sa akin?!” “Bakit sino ka ba para hindi kausapin?” sabat naman ni Eric na kadadating lang. “Itong lalaking ‘to! Humiwalay ka nga kahit saglit lang kay Ash! Itong research muna natin pansinin mo!” reklamo rin ng kararating lang din na si Angelica kasama ang isa pa naming kaklase na kagrupo nila. Kahit naman kasi mapang-asar si Eric, matalino din siya kaya mismong ang matalinong President namin ang nakigrupo sa kaniya. Nanahimik naman si Eric bago sila umupo sa harap namin at nag-usap usap. Hindi na naman sumagot si Ash. Buti na lang at alam din niya kung kailan sasagot at makikipag-asaran at kung kailan hindi. “Nga pala, medyo improving ka na Ash ah,” mahina ko siyang tinapik sa braso. “Hindi ka na conyo. Medyo conyo na lang.” sinundan ko ng tawa ‘yon para mas lalo siyang maasar. “Pati ba naman ikaw? Kuya Wensley also said that yesterday.” ngumuso pa siya at humalukipkip. “Yesterday?” ulit ko. “Yup, nasa bahay sila kasama si Dan at ‘yung isang asungot. Gumagawa ng research. Though, I don’t know why the heck that guy’s there? Individual naman siya. Ang laki laki ng bahay, gusto sa ibang bahay pa gumawa ng assignment.” “Sino? Si Wensley?” “The other guy! The guy who must not be named!” irita niyang sagot. “Ah ‘yung Peter?” inosente kong sagot. Sinamaan naman niya ako ng tingin. Napahawak naman ako sa dibdib ko. Aba’t parang ang laki ng kasalanan ko sa tingin niya ah! Inirapan niya lang ako bago binaba ang paa at sumubsob sa table. “Pero sandali, hoy,” kinalabit kalabit ko pa siya. “Don’t talk to me. Talk to my hand.” pinakita niya sa akin ang palad niya. Huminga ako ng malalim. Kung wala lang kami sa school, siya ang una kong sasabunutan bago niya pa masabunutan si Phoebe. Napasandal na lang ako sa monoblock kung saan ako nakaupo at tumitig sa harapan. Kung titingnan ay parang nakikinig ako sa usapan nina Angelica pero ang totoo ay nasa ibang lugar ang pag-iisip ko. Kung ayaw kasi ni Ash makipag-usap, hindi talaga magsasalita ‘yan. Siguro ay napapagod din talaga ang bunganga at vocal chords niya. Dinadaan niya lang sa katarayan niya para walang kumausap at makapagpahinga ang lalamunan niya. Friday na naman bukas. Kung ma-a-approve ang Chapter 3 namin, pwede na kami mag-experiment. Pwedeng sa Sabado agad! Kung makakapag experiment agad kami, magkaka-results agad kami, which means may Results and Discussion agad kami. Hindi na kami mag-c-cram lalo na at ipapa-tarpaulin pa iyong summary ng paper namin dahil i-d-display iyon during Science month. But what if hindi na pala sila doon gagawa ng research? Oh edi lumabas din ang totoong reason! But at least may purpose naman ang pagpunta ko kina Ash, besides hindi pa rin naman ako nakakapunta sa kanila. Palaging si Ash ang pumupunta sa amin kahit sinasabi ko na doon naman kami sa kanila. Ani niya ay wala naman daw magagawa doon. Hindi ko siya kinukwestiyon kapag ganoon. Kapag sinasabi niya na ayaw niya, hindi ko siya pinipilit. Ayos at walang problema naman sa akin kapag ganoon siya. Kaya nga madalas niyang kaaway si Kuya Ron dahil sa ugali niya na iyan. Magkasalungat sila ni Kuya Ron at palagi siyang may magandang rason samantalang si Ash naman ay ayaw niya dahil ayaw niya lang. Walang ibang rason. Ngunit kung kokontrahin niya nag gusto ko, baka mag-away talaga kami. Ipaglalaban ko talaga ‘to! Lalo na dahil huling usap na namin ‘iyong sa 7/11. Kailangan na masundan o ma-e-expire na ang pagkacrush ko sa kaniya. Nakikita ko naman siya minsan sa umaga dahil may mga ina-announce minsan ang SSG. Hindi naman siya iyong nagsasalita pero kasama siya sa pag-akyat ng stage. Minsan naman ay nakikita ko siya sa canteen na kumakain kasama nina Kuya Ron. Hindi lang kami nagkakausap dahil kasama namin ang mga naging kaibigan sa klase. Hindi rin naman sila pinapansin ni Ash kaya wala akong lakas na loob na mag-hi man lang. “Ash, doon naman tayo sa inyo sa Saturday…” muli kong kinalabit ang braso niya. Hindi siya nagsalita. “Sige na Ash, mag-experiment na rin tayo kapag na-approve ‘yung methods natin…” Iyan lang ang alam kong makakapagpa-oo sa kaniya. Ayaw niya kasing nag-c-cram. Napansin ko kasi kung may mga pagkakataon na mag-c-cram siya, kay Kuya Ron niya ipapagawa iyon or kapag naman may ginagawa si Kuya, basta basta lang ang ipapasa niyang output. Kung hindi ko lang din siya kasama, panigurado ay crammer din ako katulad ng mga kaklase namin. Nadadamay lang ako sa kasipagan niya. “Bakit sa amin? We should do it in your place.” sagot niya habang nakasubsob pa rin. “Huh? Bakit sa amin?” takang tanong ko. “Then, why din sa amin?” umahon na siya at humalukipkip. “B-Baka magalit si Mama kapag masyado tayo makalat. At hello? Pesticide ang experiment natin. Mukha bang may lupa sa condo?” binabaan ko ang boses sa huling sinabi. “Hello din? Mukha bang kailangan ng lupa sa experiment natin? That’s fertilizer, you noob. SSC ka niyan?” Nanlaki naman ang mata. Sasabunutan ko talaga ‘tong babaeng ‘to! Tinaasan ko siya ng kilay. “Sorry, ah?” mabilis kong banat sa kaniya. “Pero sige na…doon tayo sa labas ninyo. Para hindi mamahay ‘yung mga kiti-kiti.” mabilis ko rin binago ang boses ko. Baka hindi pa pumayag, mahirap na. “Hmm…I’ll think about it. Baka kasi sa bahay din mag-experiment sina Kuya. the house is big naman—-” Agad ko na siyang pinutol. “Hindi naman tayo manggugulo eh!” napaahon na ako sa pagkakasandal sa upuan. Bahagya siyang tumitig sa akin. “Of course, hindi tayo mangugulo. Baka tayo pa ang guluhin, ‘no? ‘Yon ang iniisip ko. I don’t want to be disturb by those stupid guys.” Hindi na muna ako nagsalita kasi parang kinakausap niya lang ang sarili niya. Hinayaan ko siyang mag-isip. Kung hindi siya papayag, kay Kuya Ron ako magsasabi. Papayag ‘yon si Kuya kahit na umayaw pa si Ash. “And pwede tayong magpatulong kay Kuya Ron sa experiment? I’m sure tutulungan naman tayo n’on…” Huling bala ko na talaga ‘yan kapag pumayag ka na! Tumingin naman siya sa akin. May kakaibang laman ang tingin niya at sinabayan pa iyon ng ngisi. Bumagsak naman ang balikat ko nang napagtanto ang sinabi ko at ang ibig sabihin ng tingin niyang ‘yon. “Ashtrid…mag-tigil ka…” banta ko. “Oh, b***h, too late na…” sinundan niya pa ‘yon ng nakakatakot na hagikgik.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD