_{VERONICA's POV}_ "Ms Veron, may bisita po kayo!" sabi ni Ate Sarah, kaya napalingon ako rito at itinigil ang pagtatanggal ng mga tuyong dahon sa mga halaman. "Sino raw, Ate Sarah?" tanong ko naman. "Ang Nanay Josie mo raw at Tatay Makoy, tapos may kasama ring halos kaedad mo lang yata." sagot naman nito na ikilapad ko naman ng ngiti sa kaalamang narito ang aking mga kinikilalang pamilya, ang pamilyang nag aruga at kumupkop sa akin, agad kong binitawan ang hawak kong gunting at mabilis na tumakbo papasok sa loob ng bahay. "'Nay, 'Tay, Jasmin!!!" sigaw kong tumatakbo papalapit sa mga 'to at agad ko namang dinamba ng mahigpit na yakap ang tatlo. "Gurl, kumusta ka na? Ikaw ha? 'Di ka na nagpaparamdam," waring nagtatampong sabi nito, pero dinilaan ko lamang ito at tinaasan ng kilay "–Ayy

