"Cass, sigurado ka ba na okey ka lang dito?" nag aalalang tanong ni Arah habang nakayakap at tinatapik- tapik ang likod ng kaibigan.
"Oo 'wag ka na mag alala okey na okey lang ako. kailangan ko lang ng oras pa para maging ready ulit humarap sa buhay. Sige na baka mahuli ka pa sa biyahe mo." Pagkasabi niyon ay akmang isasara na niya ang pinto nang bigla itong pigilan ni Arah.
"Hoy! Cassandra umayos ka ha..Baka kung anu-ano na naiisip mo gawin. Friend, kung anuman naiisip mo na di maganda huwag mo itutuloy yan." Nanlalaki ang matang bilin ni Arah sa kaibigan.
"Haha! Ano ba iniisip mo? Hindi ko gagawin yan marami pa akong pangarap." Natatawang sagot ni Cass.
"Alam ko naman yon friend pinapatawa lang kita. o, siya sige na gorabels na me. Ingat ka dito. Tawagan mo lang ako pag kailangan mo ng kausap."
"Salamat friend. Tumawag ka pag nasa bahay ka na Ingat ka sa biyahe." Nakangiting bilin ni Cass sa kaibigan
Nakakabinging katahimikan ang naramdaman ni Cass pagkapinid ng pinto. Ilang minuto muna siyang sumandal roon habang pinagmamasdan ang kabuuan ng airbnb na ni-rentahan. Maliit lamang iyon pero sobrang cozy. Studio unit lang ang kinuha nila ni Arah dahil originally one night and two days lang naman sana sila doon. Nagpa extend lang siya dahil alam niya sa sarili na hindi pa niya kaya harapin ang kahihiyan na idinulot sa kaniya ng nobyo.
Pagpasok sa unit nasa kanan ang maliit at malinis na kitchen kung saan pwede din mag luto. katapat niyon ang maliit ngunit mabangong banyo. May isang lamesang pandalawahang tao, maliit pero malambot at cute na couch, May 42 inches din na television at isang king size na bed.
Maliwanag sa loob dahil nakabukas ang glass sliding door patungong balkonahe na katabi lang ng king size na kama. Nililipad-lipad ng hangin ang kurtinang kulay puti na pwede isara kung hindi mo bet ang natural lightning at hangin sa labas.
Nagpakawala ng malalim na buntong hininga si Cass bago lumakad papunta sa munting sala kung saan naroon din ang napakalaking salamin.
"Now, what? Anong plano mo sa buhay Cassandra Bustamante? Kausap niya sa sarili habang nakapamewang sa harap ng salamin.
Pinagmasdan niyang mabuti ang sariling repleksiyon. Napansin niya na namayat nga siya katulad ng sinasabi ng mga tao sa kaniyang paligid. Bigla siyang nakaramdam ng awa sa sarili.
Sa kabila ng pagbagsak ng kaniyang timbang hindi pa rin maitatanggi ang taglay na kagandahan. Natural na wavy ang dulo ng hanggang bewang niyang buhok. Bilugan ngunit maaamong pares ng mata at ang palaging napupuna sa kaniya, ang malalantik na pilik - mata. katamtaman ang tangos ng ilong na bumagay sa maliit na hugis ng mukha. Isa din sa asset niya ang medyo matambok ngunit makipot at mapulang labi.
Bahagya din siyang umikot para sulyapan ang kaniyang likuran. Napangiti siya ng makita ang matambok na puwitan na bumakat sa maiksi at fitted na cotton dolphin short na suot. "Mukhang hindi naman nabawasan." Mahinang usal niya. Hindi man siya biniyayaan ng malaking hinaharap pero bawing bawi naman siya rito na pinarisan ng maliit na bewang. Pagkatapos ay muli siyang umikot paharap sa salamin. Tumambad ng bahagya ang makinis at flat na tiyan sa suot na oversize crop top.
Maganda naman ako eh, tanga nga lang. Bahagya pa siyang napangiti sa naisip ngunit agad din iyon napalis nang maalala ang pinagdadaanan. Dahan-dahan siyang napaupo sa gilid ng kama dahil sa tuwing maalala niya ang mga nangyari ay parang nanlalambot ang kaniyang mga tuhod.
"Maganda ka nga, kabit ka naman." Sabi ng babaeng nanlilisik ang mga mata habang titig na titig kay Cass. Kasalukuyan siyang nasa clothing boutique ng isang mall at nasa labas ng fitting area habang hinihintay ang nobyong si fred na nasa loob ng fitting room para magsukat ng iilang damit na napili.
Napalingon si Cass sa likuran at sa paligid sa pag aakalang may ibang kinakausap ang babae. Ngunit wala naman siyang nakitang ibang tao maliban sa kanilang dalawa at sa iilang mamimili na nasa di kalayuan. Nakakunot ang kaniyang noo ng muling humarap sa babae. Saba'y turo sa sarili. "Aaa..-ako?" Halos hindi niya masabi ng diretso.
Sa halip na sumagot ang babae ay isang malakas na sampal ang sinagot nito sa kaniya.
Hindi makakilos si Cass. Pakiramdam niya ay saglit siyang nabingi sa sobrang lakas ng pagkakasampal ng babae. Wala sa loob na napahawak na lamang siya sa pisngi at gulat na gulat sa mga pangyayari.
''Chona!" tawag ng lalaki sa kaniyang likuran na kahit hindi na niya lingunin ay alam niyang si Fred iyon. "A-anong gi..ginagawa mo dito?" utal- utal na tanong nito na halata ang pamumutla sa mukha.
Sa halip na sumagot ang babae ay isang malakas na sampal din ang isinalubong nito kay Fred na papalapit sa kinaroroonan nila. "Hindi ba ako ang dapat magtanong niyan Alfredo? Asawa mo ako pero may iba ka pang kinakalantari." Pasigaw na tanong ng babae na kumuha ng atensiyon ng mga taong naroroon.
"Sa pagkakaalam ko ay may pinag aralan ka naman miss." Binalingan muli ng babae si Cass. "Hindi ba't head nurse ka nga sa St Claire Medical Hospital? Okey lang saiyo maging kabit? Napakababang uring nilalang." Nanunuyang sabi ng babae sa kaniya.
Nalilito si Cass sa mga nangyayari. Hindi niya maintindihan. Humarap siya kay Fred pero hindi siya halos makapagsalita. Nanginginig ang buo niyang katawan. Pakiramdam niya ay babagsak siya anumang oras kaya't nagmamadali siyang lumabas sa loob ng boutique na iyon.
"Akala mo basta mo na lang matatakasan ito? kakasuhan kita at patatanggalan ng lisensiya." habol na sigaw ng babae kay Cass.
Sa sobrang pagkapahiya ay gusto na lamang niya mawala na parang bula. Lakad takbo na ang ginawa niya hanggang makarating sa car park ng mall at nang makapasok na sa kaniyang sasakyan ay doon na tuluyang nalaglag ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan.
***cellphone rings***
Bahagya pa siyang napakislot at nagbalik ang isip sa kasalukuyan nang biglang mag ring ang kaniyang cellphone na nasa kama. Nang tignan niya iyon ay napakunot pa ang noo niya ng makitang si Arah ang tumatawag. "Wala pang isang oras ang lumilipas ah, bakit kaya?" takang bulong niya sa sarili.
"O, nasaan ka na? kumusta ang biyahe? Magkasunod na tanong ni Cass. Sa halip na sagutin ang tanong ay tumikhim muna ang kaibigan sa kabilang linya na tila tinatatiya pa ang sasabihin.
"Cass, nakapg open ka na ba ng social media? mababakas ang pag-aalala sa tinig ng kaibigan.
"Hindi pa. Bakit may problema ba?" sagot ni Cass na nag-uumpisa nang kabahan dahil sa tono ng pananalita ni Arah.
Wala talaga siyang balak magbukas ng social media kaya nga siya narito ngayon sa palawan para takasan ang stress at toxicity na nararanasan sa Manila. "wait ibaba ko muna to ha, check ko lang soc med ko."
"Go ahead. Tawagan kita later."sagot ni Arah.
Ganon na lamang ang pagkagimbal ni Cass nang mabuksan niya ang kaniyang messenger napakaraming message at halos pare-pareho ang sinasabi at tinatanong ng mga ito tungkol sa trending na video niya sa f*******:.
Nanlalaki ang kaniyang mga mata ng makita sa f*******: notification na ang dami nang nag- tag ng video sa kaniya. kuha iyon sa isang mall kung saan sinampal siya ng babaeng tinawag ni fred na chona. Viral na ang video at marami na ang nakapanuod at nag share.
Maya-maya pa ay tuluyan nang nanlabo ang kaniyang mata at nag-umpisa nanaman pumatak ang mga luha niya. Ano na lang sasabihin ng magulang ko? Ano na lang iisipin ng mga taong nakakakilala sa akin? Ang propesyon ko?
Parang pinagsakluban ng langit at lupa ang nararamdaman ni Cass sa mga oras na ito. Gusto niyang batukan ang sarili dahil hindi man lang siya nangatwiran, Hindi man lang nagsalita o ipinagtanggol ang sarili dahil sa sobrang pagkabigla parang tinanggap na lang niya lahat ng sinabi ni Chona.
Lalo pa siyang napahagulgol nang mabasa niya ang email galing sa pinagtatrabahuan niyang ospital. Mula iyon sa hospital director. Pormal na nga siyang ini- reklamo ni Chona roon at ngayon nga ay binigyan siya ng 3 months suspension dahil nadawit ang pangalan ng ospital sa eskandalong kinasangkutan niya. Dipende pa daw iyon sa tatakbuhin ng kaso dahil desidido daw ang sinasabing asawa ng kaniyang nobyo na sampahan siya ng kaso.
Hindi na niya alam ang gagawin. Ayaw din niyang madamay ang mga magulang sa kinakaharap niya ngayon. Litong-lito na ang isip niya. Wala siyang idea paano magsisimula at paano ba siya napunta sa ganitong sitwasyon nang halos hindi niya namamalayan. Nang mga oras na iyon ay wala na talaga siyang makakapitan. Naalala niyang manalangin. She knelt down beside the bed and pray.
Ilang minuto din siya sa ganoong posisyon. Isinuko na niya ang lahat dahil wala naman na siyang magagawa. She can't explain it but in an instant she felt release and somehow peace.
Dahan-dahan siyang nagmulat ng mata at sa hindi malamang dahilan una niyang napasin at nakita ay ang basyo na may lamang mensahe sa loob. Nakapatong iyon sa couch na ngayon ay nasa harap niya. Naalala niyang binitbit nga pala niya iyon kagabi para ipakita sana sa kaibigang si Arah para may pagkatuwaan sila ngunit nalasing na ang kaibigan at nawala na sa ulirat. Nakalimutan na rin niya ito banggitin nang magising sila. Isa pa, hapon na rin nang magising si Arah dahil siguro napadami ang inom nito kagabi.
Tumayo na siya sa pagkakaluhod at pabagsak na humiga sa malambot na kama. Hindi na niya namalayan na nakatulog na pala siya marahil sobrang pagod na rin ang kaniyang mga mata sa ka-iiyak.
Umaga na nang magising si Cass. Nakaramdam na siya nang pagkalam ng sikmura dahil nakalimutan na niyang maghapunan kagabi. Nang lingunin niya ang orasan na naroon ay nakita niyang mag-aalasais pa lang ng umaga. Napatingin din siya sa sliding door sa may balcony. Magdamag pala iyong nakabukas dumiretso na kasi ang tulog niya kagabi
Magbubukang liwayway nang siya ay magising. Naisipan niyang mag timpla ng kape at panuorin ang paglabas ng araw sa balkonahe. Tahimik ang paligid at maririnig mo lang ay ang mahinang hampas ng alon at huni ng mga ibon sa paligid."Haay..this is life." Sambit niya habang nakapikit at dinadama ang kapayapaan na nadarama. Nag-usal din siya ng panalangin upang humingi ng gabay sa mga susunod niyang gagawin.
Halos isang oras din siyang nanatili sa balkonahe.
Naisipan niyang mamili ng makakain sa bayan dahil wala na siyang stock na pagkain sa ref. Halos isang oras din ang aabutin ng biyahe dahil kailangan pa niya sumakay ng bangka para makarating sa pinaka malaking palengke roon. Mayroon din maliliit na tindahan malapit sa airbnb niya pero gusto niyang aliwin ang sarili. Ayaw niya naman na magmukmok lang siya maghapon doon.
Gumayak na siya at nag umpisa nang mag lista ng mga kulang sa kusina. Nakaramdam siya ng excitement dahil ngayon na lang ulit siya makakapamili sa bayan. Ngunit nang makarating na siya doon, parang gusto na niyang bumalik agad sa airbnb na ni-rentahan.
Alas otso pasado na siya nakarating sa palengke. Nabigla siya na napakaraming tao pala ang namimili ng ganitong oras. Hindi niya maintindihan ang sarili bakit bigla siyang kinakabahan pag may napapatingin o tumititig sa kaniya. Ayaw na muna niya mag-isip ng negatibo pero hindi maiwasang isipin na baka may makakilala sa kaniya ngayong viral na ang video kaya nagmadali na rin siya sa pamimili.
"Hi, miss!" bati sa kaniya ng isang lalaki. "Did we met before? You look familiar." sabi pa nito.
Bahagya lang niyang sinulyapan ang lalaki at sigurado siyang hindi niya ito kilala. Never din pa niya itong nakita. "No, i dont know you." Tarantang sabi niya. Hinila niya pababa ang suot na sombrero at binilisan ang lakad ngunit humarang naman ito sa daraanan niya.
"Nakita na talaga kita eh..'' napapakamot pa sa kilay ang lalaki na tila ba inaalala kung saan sila nagkita.
"Excuse me." Inalpasan na ni Cass ang hindi kilalang lalake. Nagmadali siya sa paglalakad na halos patakbo na.
"Miss, wait lang." Habol ulit nito. "Tama nakita na kita. Oo miss nakita na nga kita sa panaginip." sabay halakhak ng lalake pati na ang mga naroroon.
Napahinto si Cass nang marinig iyon. hinayupak na to!
"Sorry po, miss sorry na hehe..Nakita kasi kita habang naglalakad na seryoso eh. Gusto lang din sana kita bentahan ng Dyaryo." Ngingisi-ngising sabi nito.
Tinignan muli ni Cass ang lalake at nakita niya na may hawak nga pala itong dyaryo marahil ay nilalako nito. Hindi niya iyon napansin kanina dahil ang lakas ng kaba sa dibdib niya. Ganon pa man, napansin niyang may hitsura ang lalake at halos kaedad lang din niya. Napabuntong hininga na lang si Cass. "magkano dyaryo?" bakas sa tinig niya ang pagkairita sa lalake.
"Siguro turista ka miss kasi hindi mo kilala si boyet. Sikat ho yan dito sa palengke ng palawan. Sadyang palabiro lang yan pagpasensiyahan mo na." sabi ng isang babae na nagtitinda naman ng mga gulay.
"Oo nga mukhang turista nga si mam. Ngayon lang din kita nakita dito sa palawan at dahil diyan libre ko na ito saiyo." ini-rolyo ng lalake ang dyaryo ay isiniksik iyon sa eco bag kung saan nakalagay ang mga pinamili niya.
"Ay, hindi. Babayaran ko yan. Magkano ba?" giit ni Cass.
"Okey na miss. saiyo na iyan. Mukhang natakot kita kanina kaya ayan na lang pambawi ko." Nakangiting sabi nito bago tuluyang lumakad palayo.
"Salamat." maiksing tugon niya.
Mukhang malaki yata naging epekto saakin ng mga pangyayari. Hindi ako pwede magpa apekto ng ganito. Kailangan ko maging matatag. Hindi ako pwede magpatalo. Ito ang tumatakbo sa isip ni Cass habang pauwi sa kaniyang airbnb. Napapansin na niya na sobra ang naging epekto ng gulo na kinasangkutan niya. Ayaw niyang mabuhay na lang nang punong puno ng pangamba at takot. Ipinapangako ko na haharapin ko rin kayo pag handa na ako.
Nalinis at naayos na niya sa ref ang mga pinamili. Ngayon naman ay niluluto na niya ang sinigang na hipon.
"Hmm..ang bango. Gutom na talaga ako." Nakangiti at excited na siyang naghain ng pagkain.
Sa lamesa na nasa loob na siya kumain dahil tanghali na at tirik ang araw sa balkonahe. Doon kasi siya madalas kumain kaso isinara na muna niya ang sliding glass door at binuksan muna ang aircon.
Matapos niyang kumain at maligo ay naisipan niyang basahin ang dyaryo na ibinigay ng lalake sa palengke. Naupo siya sa couch at napansin nanaman niya ang basyo na naroon kaya't inilipat niya muna ito sa maliit na center table na nasa harap niya.
Napahinto siya sa paglipat ng pahina nang makita niya sa classified ads ang mga job hiring. Mayroong naghahanap ng personal nurse at nakaka engganyo ang laki ng offer na salary at take note sa palawan lang din ang location.
Hmm..what if mag apply muna ako habang mainit pa ang issue sa manila? May ipon pa naman ako sa bangko pero ayaw ko naman ubusin iyon ng ganon na lang. Tama! susubukan ko puntahan ito bukas. Malaki-laki na rin ang ipon ko pero mauubos iyon ng real quick pag hindi ako nagtrabaho. Ibinaba niya ang dyaryo sa center table at nangalumbaba habang nag iisip.
Nasa ganoon siyang sitwasyon nang mahagip nanaman niya ng tingin ang basyo. Maya-maya pa ay naisipan niya itong buksan at ilabas ang papel na naka rolyo. Ang lakas din ng tama ng gumawa nito eh, no? Napailing siya sa naisip. "Pero paano kung katulad ko rin siya na talagang may pinagdadaanan at malungkot tapos wala rin mapagsabihan?"
Nang maisip iyon ay agad siyang tumayo at kinuha ang cellphone at nag umpisang mag text.
Walang forever. Huwag ka na umasa. Masasaktan ka lang. Napapangiti pa siya habang binabasa ang message niya. Parang ang bitter ko naman, pero bitter naman talaga ako sa ngayon. Ilang saglit din niya pinag isipan kung papatulan niya ba ang kalokohan ng gumawa niyon. Naisip niya na burahin na lang ngunit imbes na delete ay send button ang napindot niya.
Nanlaki ang mata niya at napanganga nang bahagya sa katangahang nagawa niya. Oh, my goodness!