PROLOGUE

766 Words
"Sige, effective yan Cass. Ilabas mo lahat ng galit at sakit na nararamdaman mo. Isigaw mo lahat ng nasa loob mo pagkatapos utang na loob mag move on ka na. Sa loob ng tatlong taong pagbubulag-bulagan mo, beke nemen friend? Ito na oh, nahuli mo na. Matagal ka na niloloko ni fred " Walang preno at with matching facial expressions pa ang pagkasabi ng kaibigang si Arah. Hilam na sa luha ang mga mata ni Cass ng tumitig sa kaibigan. Pumunta sila sa isang liblib na islang ito sa Palawan dahil gusto niya ng tahimik na kapaligiran pero parang nagsisisi na siya ngayon na isinama pa niya ang madaldal na kaibigan. Parang nabasa naman nito ang iniisip niya kaya muli itong nag salita. "Cass, hindi naman sa pinag o-overthink kita pero matagal mo nang alam na there is something wrong sa relationship nyo ni fred kaso pinili mo magbulag-bulagan. Sorry friend pero i think its my turn to really speak na. Kasi three years din ako na stress sa relationship nyo eh. Minsan pag nanghihingi ka ng payo sakin sa totoo lang gusto na kitang batukan." Umiiling-iling na sabi nito habang sinasalinan ng alak ang baso. Hindi naman talaga sila umiinom na mag kaibigan. Ngayon lang dahil gustong mag celebrate ni Arah dahil finally matatapos na rin ang tatlong taon na paghihirap ng kaibigan. Parang sariwang sugat na inasinan ang hapdi at sakit sa dibdib ni Cass dahil sa mga sinabi ni Arah. kung noon ay nagagalit sya tuwing mag sasalita ito ng hindi maganda sa relasyon nila ni fred, ngayon ay hindi na. Napatunayan niya na tama naman ang kaibigan. Pagkatapos mag salin ni Arah ng alak sa baso agad itong kinuha ni Cass dinala sa bibig at inisang lagok na ikinagulat ng kaibigan. "Cass, dahan-dahan." usal nito. Naramdaman niya ang init at pait ng alak na gumuhit sa kaniyang lalamunan. Pagkatapos ay tumayo at naglakad na papunta sa baybayin. Napaka lamig ng hangin na sumasalubong at tila ba umaakap sa kaniyang katawan. Lalo siyang nakaramdaman ng kalungkutan. Huminto siya kung saan na aabot ng alon nang bahagya ang kaniyang paanan. Pinagmamasdan niya ang malalakas at malalaking alon na tila ba nakikiisa sa sakit na nararamdaman habang panay pa rin sa pagtulo ang mga luhang nag uunahan. "Friend kaya mo yan. Nandito lang ako." sigaw ni Arah na mukhang tinamaan na yata sa iniinom na alak. Buti na lang at wala ng tao sa bahaging iyon ng private resort kung saan sila naroroon. Sadyang pinili nila mag book sa libilib at tahimik na lugar sa bahaging iyon ng isla dahil walang masyadong guest ang nagpupunta rito. Ilang beses na rin silang pabalik-balik sa lugar na ito lalo na pag may pinagdadaanan ang isa sa kanila. Sinadya yata ang ambience ng resort para sa mga nag so-soul searching at brokenhearted. Hindi maipaliwanag ni Cass pero may bahagi sa puso niya ang saglit na napayapa habang nakatingin sa papalubog na araw. Nag-aagaw ang dilim at ang kulay gintong sinag ng araw na tila nagpapaala sa kaniya ng pag-asa na sa bawat pagtatapos merong bagong simula. Napakaganda ! Bahagya pa siyang napaiktad ng may naramdaman siyang tumama sa kanyang paanan. Isang basyo ng alak Mahirap at masakit man pero ngayon ay buo na ang kaniyang pasya. Dinampot niya ang basyo at ubod higpit itong hinawakan. "Aaah.! Ayoko na! Pagbilang ko ng tatlo kakalimutan na kita!" Itinaas niya ang kamay sa ere na tila ba ibabato sa karagatan ang basyo. "Isa! dalawa! tat-" natigilan siya ng mapansing may laman na kung ano ang basyo sa loob. She can't explain it but there is a strong desire and curiousity in her to open the bottle. Nang mabuksan niya ang basyo, nakita niya na may maliit na papel na naka rolyo. Binuksan niya iyon at binasa ang nakasulat. "I am so lonely...waiting for you my destiny." "0995487xxx" Pinahid muna ni Cass ang luha sa mga mata bago muling binasa ang nakasulat. Nakakunot ang noo na hindi makapaniwala na may taong nakaisip gawin ang kalokohang iyon. Asa ka pa? walang forever.! sigaw ng utak niya. " Friendshh! Cashs ituloy mo yong counting naputol eh..Baka bukas makalawa magpapauto ka nanaman sha kumag na yon." baluktot na ang dila ni Arah nang sabihin iyon. Nang lingunin ni Cass ang kaibigan ay parang gusto na niyang matawa dahil bagsak na ang ulo ni Arah at nakahilig na ito sa lamesa habang ang isang kamay ay nakahawak na sa bote ng alak na iniinom nila. "Yong totoo sino ba talaga broken hearted dito? Binalikan niya ulit ng tingin ang hawak na papel habang napapailing. Desperate move!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD