Chapter 34- Someone... Written by yeexizx Charlie's POV Nagising ako nang may bumulong sa tainga ko, napalunok ako ng mariin. "Charlie..." "Charlie..." bulong sa'kin. Hindi ko nalang ito pinansin, at mas mainam na hindi na ito pansinin pa. Marahil ay nananaginip lang ako. "Charlie..." palakas ng palakas ang tawag sa'kin ng may nakikilabot na boses. Napadilat naman ako. Bumungad sa akin si Inang Tamara na nakatingin sa gawi ko. "Ina!? Buhay ka!?" sigaw ko rito. Akmang yayakapin ko siya nang tumakbo siya papalayo sa'kin. Agad-agad akong tumayo at hinabol siya. "Ina? Saan ka pupunta!?" sigaw ko rito ngunit hindi siya sumagot at patuloy lamang sa pagtakbo. Huminto siya, napagtanto kong nasa liblib na kaming lugar. Liblib na madilim, tanging mga hayop la

