Chapter 35- Explosion Written by yeexizx Charlie's POV Nagising na ako sa artipisyal na bahay na ginawa namin gamit ang aming mga kapangyarihan. Napabalikwas pa ako dahil sa ingay na naririnig ko sa labas, gising na siguro ang mga Royalties. Bumabagabag pa rin sa'kin lahat nang nangyari sa gubat kagabi, ngunit katulad nga ng sabi ni Marky, binalewala ko na ito at hindi na inisip pang muli. Bumangon na ako, nag-ayos muna ako nang ilang minuto. At saka lumabas sa lungga ko, bumungad sa'kin ang mga Royalties na nakain na. Saang kaya lupalop sila naghanap ng makakain? Umupo ako sa may tabi ni Coldy dahil 'yun nalang ang bakanteng upuan sa lamesa. Kaharap ko naman si Corey at Alex, nasa kabilaang gilid ang iba. Sa kasamaang palad, katabi ni Shakira si Coldy. "Woah!

