Chapter 36- Death Written by yeexizx Charlie's POV Nag-teleport na ako papunta sa kinaroroonan ng pagsabog at sigaw ng isang babae. Nagulat ako sa nakita ko, isang babaeng duguan na malapit sa'ming mga Royalties— isa sa mga Royalties. Si Yannie! "Yannie, anong nangyari dito!?" pasigaw na tanong ko kay Yannie habang nangingilid ang luha ko, bumuhos naman ang iyak nito habang akay-akay ko siya sa'king braso. "Y-Yan—" tatanungin ko na sana muli kung anong nangyari nang putulin niya ako. "Pasensya ka na... Napag-initan kita noong nakaraang araw, nag-imbento ng k'wento si Shakira! I-Ipinalabas niyang hinalikan at inakit mo si Marky— ang lalaking mahal ko!" aniya, kasabay nu'n ang malakas na pagbuhos ng luha niya. Duguan kana't lahat, deretso pa rin ang pananalita

