Chapter 49- Fight for Pure Written by yeexizx Charlie's POV Napapikit ako nang marinig ang boses niya. Nanginginig at nanghihina ang mga tuhod ko dahil sa kaba na nararamdaman. Naramdaman ko namang lumapit siya sa'kin. "Face me. I f*****g miss you." bulong niya sa tainga ko na nagpataas ng balahibo ko. "Hindi. Nananaginip lang ako." bulong ko sa sarili ko. Humalakhak naman ito. "You're not." "f**k. I am!" sigaw ko. Nagulat naman ako nang dahan-dahan niya akong hinarap sa kan'ya. Yumuko ako dahil ayoko siyang matitigan, ngunit inangat naman niya ang ulo ko. Bumungad sa'kin ang mga mata niyang malagkit ang titig sa'kin. "I want to kiss you so bad..." malambing na bulong nito sa'kin. Hindi ko alam kung bakit hindi ko man lang kayang tumakbo papalayo sa kan

