Chapter 48- Life Written by yeexizx Charlie's POV "Maayos na ba ang pakiramdam mo, binibini?" kunot-noong tanong ng diwata. Tumango ako. "Magaling na ang aking mga sugat at medyo bumabalik na ang aking lakas. Maraming salamat, mahal na diwatang Hiraya." "Marahil ay ikaw ang babaeng binabanggit sa propesiya ng mundo ng mga mahika. Nagagalak akong makilala ka, Prinsesa Charlotte." Tipid naman akong ngumiti rito. "Ako nga, Diwata. Nagagalak rin akong makilala ang diwata ng kalikasan." "Alam mo bang mayroong iba't ibang mundo ang kalawakan?" nakangiti nitong usal. Kumunot naman ang noo ko. "Anong mga mundo?" "Madaming mundo ang kawalakan... Ang pang-una ay ang mundo ng mga tao, sumunod ang mga bampira at lobo, mga mahika, at mga bathala at diwata lamang ang aki

