CHAPTER FOURTY-TWO: ••• ••• PAGKABUKAS ay hindi na ako late, maaga na akong dumating sa classroom. At sa unang pagkakataon, walang Kuya Kent ang nakatayo sa labas ng main gate para lang hintayin ako at sabay na pumasok. Masakit man pero pinagpatuloy ko na lang ang pagpasok papunta sa classroom—nang hindi na siya inaantay pa. Baka busy lang siguro siya... Mag-isa lang ako sa classroom, dahil nga maaga ako. Mas'yado ata akong napaaga. Kulang pa ako ng tulog. Hindi kasi ako nakatulog ng maayos kagabie HUHUHU. Hindi ako makatulog sa kakaisip sa number na nakasulat sa papel. Kaninong number naman kaya 'yun? Sabi ni Ate kahapon papel daw 'yun ni Kuya Kent, kaya baka kay Kuya Kent ang number na'yun? Kinuha ko ang papel sa loob ng bag ko. Inipit ko siya sa notebook ko para hindi mawala.

