CHAPTER FOURTY-THREE: ••• ••• NAGSIMULA nang umingay ang classroom namin. Nagbobotohan kung sino-sino ang sasali sa Sports. May ilan na nag volunteer pero hindi pa sapat para maging sampu. Hanggang sa nasa siyam na lang sila. Isa nalang ang kulang. Tumutulong na'rin ang ibang mga officers na pipili kung sino ang sasali. Pero kami dito ni Carlos, walang mga ambag, kumakain lang HUHUHUH. "Hoyyy!!! Sino na?!" "Wala na bang may mga hidden talents diyan?" "Labas-labas naman mga gifted child diyan." "Si Carlos?!" Sinamaan ni Carlos ng tingin ang nagbanggit sa pangalan niya. "Wala akong talents sa sports." "Ay Oo nga pala. Natalo ka pala ni Dite nung PE na'tin." Mas lalo siya nitong sinamaan ng tingin. "G*gu!" "Si Dite na lang kaya? Naalala ko dati, during our Physical Education, si

