Naglalako ng aking panindang kakanin nang biglang may bumangga sa akin kaya't tumalsik ako kasama ang paninda ko. “ Diyos ko po 'yung babae!”natatarantang sigaw ng isang ginang at sabay itong tumakbo papalapit sa akin. Unti-unting pumipiyok ang mga mata ko.
“ H0ly sh1t! I'm sorry I didn't meant it.” huling rinig ko at tuluyan akong nawalan ng malay. Paggising ko ay nasa hospital na'ko. Bumungad sa akin ang babaeng nurse habang inaayos nito ang dextrose sa kamay ko.
Dahan-dahan akong bumangon. “ Doc! gising na po ang pasyente!” maya-maya ay bumukas ang pinto at pumasok ang isang lalaking doctor.
“ Check her vital signs,nurse Era.”
Agad naman niyang chineck ang vital signs ko. “ It's normal doc. ”seryosong sagot nito sa doctor. Syempre, normal talaga ang vital signs ko, buhay pa ako eh. Tsssk! Teka lang 'yung paninda ko nasaan? Jusmiyo pulgoso nasaan iyong paninda ko?
“ Wag kang malikot, maam. ”
Hindi ko pinansin 'yung nurse. “ Nurse, doc? yung paninda ko napansin niyo ba?”deretsong tanong ko sa kanila at sabay silang napalingon sa akin. Mas importante ang paninda kong iyon kaysa masuri nila ang kalagayan ko.
Nakasalalay dun ang pangtuition ng kapatid ko na nasa highschool at pangbili ng bigas namin. Paano ko mababayaran ang tuition fee ng dalawang kapatid ko kung nawawala iyon? Bumangon ako at sabay na tinanggal ang dextrose na nakakabit sa kamay ko. “ What the hēll you're doin?” sarkastikong tanong sa akin 'nung doctor. Ngumisi ako sa kaniya at sabay na lumabas ng ward.
I can't afford to lose my paninda. Wala akong pakialam kung pinagtitinginan ako ng mga tao. “ Pigilan niyo siya!”rinig kong sigaw ng doctor habang hinahabol ako. Racing pala ang gusto niyo ah, sige pagbibigyan ko kayo.
Sinubukan akong harangan ng mga gwaridya pero mabilis ko silang naiwasan. “ Pigilan niyo ang pasyenteng iyan, kailangan niya pang masuri.”
Suriin mo 'yung mukha mo doc. Mabuti sana kung babayaran mo ang lahat ng paninda ko. Kasalanan talaga 'to ng kotseng bumangga sa akin. Kundi dahil dun, edi sana ay ubos na ang paninda ko. “ Tigil miss!”
“ She's out of her mind!”
“ I think she have mental illness!"
Anudaw? Di ko gets ang sinabi nila. Bahala na nga sila kailangan kong makaalis sa hospital na ito at makabalik sa lugar kung saan ako nabangga 'nung letseng kotse na iyon.
Nang makalabas ako ng hospital at patuloy ako sa pagtakbo, nasa akin ang mga mata ng mga tao. “ Tumakas ba siya sa hospital?”
Parang ganun na nga. Bahala kayong mag-over think diyan. Sampung kilometro ang tinakbo ko mula sa hospital kaya't hingal na hingal ako nang makarating sa Sta. Maria Asunsion, kung saan ako naglalako.
“ Nasa'n naba kasi iyon?” halos maiyak na ako nang hindi ko nahanap ang basket ko. Jusmiyo pulguso. Tulungan mo akong hanapin iyon. Pangdagdag tuition iyon ng mga kapatid ko.
Inikot ko na ang bawat sulok ngunit hindi ko talaga nahanap. Malungkot akong naglalakad habang nakayuko hanggang sa may nakita akong dyaryo kaya agad ko itong pinulot at binasa. Mahilig kasi ako sa mga dyaryo.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang isang kumpanyang naghahanap ng janitress. “ Para sa akin naba ito, lord?”napatingala ako sa kalangitan at masiglang binasa ang nakalagay dito.
Tyansa ko na ito para magkaroon ng trabaho. Hindi ko ito palalampasin, bukas na bukas ay mag-a-apply ako dun. Nawala ang lungkot sa mga mata ko habang pauwi sa amin. Pagdating ko sa amin ay bumungad sa akin ang mga kapatid ko. “ Anong nangyari sayo, ate?”nag-alalang tanong nila sa akin nang makapasok ako sa loob ng aming munting bahay. Umupo ako at sabay na inilapag sa ibabaw ng lamesa ang dyaryong napulot ko. “ Bakit nakabenda ang noo mo, ate?”natarantang tanong ni Zeb.
“ A-e-i n-nabangga kasi ako ng kotse.”nauutal kong sagot sa kaniya. Bakas sa mukha nito ang lungkot.
Nakasimangot na naman ang kapatid kong si Zeb. “ Sino ang bumangga sayo ate, gugulpuhin ko!”mariing untag ni Zeb sa kin habang nakakuyom ang kamao niya. “ Kumalma ka nga muna, Zeb. Isa pa di ko rin alam kung sino ang nakabangga sa akin. ”
Napakamot na lamang siya sa ulo niya. Si Zeb ang pangalawa sa aming magkakapatid. Tatlo lamang kami, panganay ako at pangalawa si Zeb at ang bunso namin ay si Siyansi.
“ Malaman ko lang talaga kung sino ang taong bumangga sayo, ate. Lulumpu-in ko talaga ang taong iyon.” niyakap ko lamang siya, kahit minsan ay hindi kami magkasundo ng kapatid kong ito ay palagi siyang nandiyan para resbakan ang mga taong kumakantiyaw sa amin ni Siyansi. “ Hit and run ba ang ginawa niya sayo, ate?"inosenteng tanong ni Siyansi sa'kin.
“ Hindi ko rin alam.”
“I'm glad you are safe ate. Hindi namin kakayanin ni Siyansi na mawala ka.”
Binatukan ko siya ng wala sa oras dahil sa mga pinagsasabi niya. Sino nagsabing mawawala ako? Never akong mawawala sa piling nila, over my dead body. “ Magpalit ka muna ate, nakahospital damit ka po eh.” napatingin ako sa suot ko. Langya, kaya pala pinagtitinginan ako ng mga tao kanina dahil pala iyon sa suot ko.
Pinigilan kong mapatawa at sabay na tumayo papasok sa kwarto naming tatlo. Agad akong nagbihis ng pambahay. Palaisipan ko ang taong nakabangga sa akin. Sino kaya yon? Tinakbuhan kaya niya ako?
Paglabas ko ng kwarto ay nakahain na si Zeb. Kamoteng kahoy ang inihain niya at pinarisan ng piniritong daing. Kuntento na kami sa kung ano ang meron sa lamesa.
Kinabukasan ay agad akong nagpunta sa kumpanyang naghahanap ng janitres. Alas siyete palang ng umaga ay nandito na ako sa labas ng mataas at malaking building. Bitbit ko ang resume at BioData ko. Nagbaon ako ng dalawang tuhog ng saging.
Nakaupo ako sa may gilid ng building habang hinihintay ko itong bumukas. Eksayted na'kong matanggap sa trabaho. Sana nga ay matanggap ko.
Lumipas ang isang oras ay bumukas na ang building kaya't hinay-hinay akong napatayo at sabay na pinagpag ang suot kong pantalon. Nagsidatingan narin ang mga empleyado ng kumpanya. Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa gwardiya. “ Miss? May appointment po ba kayo?”seryosong tanong sa akin ng gwardiya habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa. Matapobre lang?
“ W-wala po kuya. Mag-a-apply po sana ako bilang isang janitress. ”nahihiyang sagot ko sa kaniya.
“ Isa ka palang aplikante sige miss, pasok ka. Dumiretso ka sa lobby.”nakangiting sambit nito sa akin kaya tumango ako sa kanya at sabay na pumasok sa loob ng building.
Maya-maya ay nagsitayuan ang mga empleyado nang biglang may dumating na itim na kotse at napalingon narin ako dito. Agad na pinagbuksan ito ng pinto ng kaniyang body guard.
“ Good morning sir!” bati sa kaniya ng mga ito. Unang sulyap ko lang sa kaniya ay ayoko ng kumurap sa sobrang gwapo niya. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito sa tanang buhay ko.
Hindi ito nagresponse sa mga empleyadong bumabati sa kaniya. Sungit talaga! Namumula na ang pisngi ko sa sobrang kilig na nararamdaman ko ngayon. Para akong dinuduyan.
Maya-maya ay tuluyan na itong pumasok sa loob ng elevator kasama ang tatlong bodyguards niya. “ Miss, may appointment ka po ba?”tanong sa akin ng isang ginang na nasa thirty's nang makarating ako sa lobby.
“ Mag-a-apply po sana ako bilang janitress.”sagot ko sa kaniya at ang sama niyang makatingin sa akin.
“ Okay, dumiretso ka sa opisina ni Miss Nicolete, siya ang mag-iinterview sayo.”
“ Saan po ba ang opisina niya, maam?”seryosong tanong ko sa kaniya. Hinawi niya muna ang buhok niya at sabay na nagkagat labi bago sumagot sa akin. “ Lumiko ka diyan at makikita mo agad ang opisina ni Miss Nicolette. ”sambit niya at sabay na itinuro ang isang hallway. Ngumiti ako sa kaniya at agad kong tinahak ito. Hindi naman ako nahirapan dahil agad kong nakita ang opisina ni Miss Nicolette. Bahagya akong sumilip dahil bukas ito.
“ Excuse me, miss pumila ka naman.”biglang may sumulpot sa harapan ko. At tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.
Nahihiya akong pumila. Panglima pa ako. “ Next!”
Dali-dali akong pumasok sa loob ng opisina. “ You may take your sit.” utos niya sa akin at agad naman akong umupo sa upuang nasa harap niya.
“ Yung resume at BioData mo?”
Agad kong inabot ang resume at BioData ko. Binasa niya ito.
“Hindi ka manlang nakatapos ng elementarya,”sarkastikong tanong nito sa akin. Samu't saring bulungan at tawanan ang natanggap niya mula sa mga kasamang aplikante at mga trabahante ng kumpanya.
“ Hindi kami tumatanggap ng isang aplikanteng hindi manlang nakapagtapos ng highschool.” deretsong sabi niya na ikinalungkot ko kaya napayuko ako, tumayo na lamang ako at sabay na lumabas ng opisina nito.
Ngunit bago ko maihakbang ang aking mga paa ay may tumawag sa akin kaya't inangat ko ang aking ulo. Nagulantang ako nang makita ang lalaking bumihag sa puso ko. Ang CEO ng kumpanyang pinag-a-applayan ko.
“ You're hired, at bukas na bukas pwede kanang magsimula,”cold nitong wika na ikinagulat ko lalo na ang mga aplikanteng kasama at trabahante ng kumpanya.
“And all of you magsi-uwian na kayo. Hindi ako tumatanggap ng aplikanteng walang puso.” wika nito sa ibang aplikante. Nadismaya ang mga ito at padabog na lumabas ng building.
“Pabida ka talaga!” galit na wika ng isa sa mga ito bago lumabas ng building.
Ako pa ang naging masama sa mga mata nito. “ At ikaw Miss Nicolette Santos, you're fired mag-impaki kana!” hindi ito makapaniwala nang tanggalin siya nito sa trabaho.
“ Get out of my company, now!” galit nitong utos sa trabahante niya. Samu't-saring bulungan ang umalingawngaw sa buong mansyon nang dahil sa ginawa ng binata.
“ S-sir don't do this to me!”pagmamakaawa nito sa binata.
“ I said pack your f*****g things and get out of my company!”
“ At ikaw babae, umalis kana.”